IKADALAWAMPU'T DALAWANG KABANATA

3 1 0
                                    

CRIS' POV

          Bumalik na 'ko sa gitna nitong tago at a-abandonadong warehouse. Nandoon sila, kumakain habang nagkukwentuhan.

Umupo na 'ko sa kinauupuan ko kanina at saka sila nginitian. Tiningnan naman ako ng masama ni Seb, n-normal na lang para sakin yung tingin niya kasi lagi naman siyang ganito.

"Sa'n ka galing?" Seryoso niyang tanong habang nananatiling nakatitig sakin. "Sa cr." Maiksi kong sagot sa kaniya. G-ganito dapat kailangan kong magmukhang normal para hindi niya 'ko p-paghinalaan.

"A-ano nang pinag-uusapan n-niyo?" Nauutal kong tanong. Madalas na 'kong mautal, wala namang bag-go.

"Wala. Ikaw ba, anong pinag-usapan niyo nung babae?" Diretso niyang tanong sakin. "Ha? I-iniwan natin siya diba, bakit kami mag-uusap?" T-tanong ko pabalik.

"Gano'n ba." Nasambit niya na lang at k-kumain ulit. Sumubo na rin ako ng pagkain, at umaktong normal. Maya-maya pa, bigla ulit siyang nagsalita. "Bakit ka nakasando? Diba naka-uniform ka kanina?"

Bigla akong kinabahan. O-oo nga pala, iniwan ko yung uniform ko sa CR kasi nalagyan ng dugo ni Ate nung t-tinulungan ko siya.

"A-ah, yun ba? Iniwan ko na do'n kasi nadumihan. L-lagi naman hehe." Palusot ko't tumawa na parang tanga. A-always ko naman 'to g-ginagawa kapag nagpapalusot ako.

Tiningnan niya lang ako, at patuloy lang ako sa pagkain. Nagtinginan silang tatlo at nagsenyasan. Maya-maya pa, tumayo si Seb at pumuntang CR. Sila Drake at Kev naman ay tumayo rin papunta sa kwarto kung saan nakakulong si Ate.

A-anong gagawin ko? Baka malaman nila kung ano ginawa ko.

Bumalik silang tatlo dito sa hapag habang hawak-hawak na ni Seb yung uniform ko. Hinagis niya yung uniform sa mukha ko't binagsak ang kamay niya sa lamesa.

"Alam mo naman siguro kung ano ginagawa namin sa mga traydor." Sambit niya.

HDSeries 1: Eros HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon