IKATATLUMPU'T SIYAM NA KABANATA

1 0 0
                                    

SUE'S POV

          "Good morning baby." He said while kissing my face. I smiled and gently opened my eyes, and saw him with his sweet smile. I can't help but to smile din. He's so cute.

"Good morning." Bati ko sa kaniya and placed my arms around his neck. I can feel his warm breath on my neck. "Eat ka na ng breakfast." Sabi niya't tiningala ako. Tumango naman ako't pinakawalan siya. Umupo ako't tumingin sa tray na nasa bedside table. May apat na patong ng pancake and chocolate syrup, a plate for fried rice, bacon strips and two eggs, and a milk. Nagsimula na 'kong kumain sa kama, habang siya nakatingin saking kumain at nakangiti. "Bakit?" Tanong ko habang puno ang bibig.

"Ang cute mo. Ang takaw." Sabi niya't napatawa. Duh, matagal na 'kong cute. Char HAHAHA.

Pagkatapos kong kumain, ininom ko na yung gatas, tapos napadighay ako ng malakas kaya napatawa siya. Ako rin napatawa. Inubos ko na yung gatas at inilagay 'yon ulit sa tray.

"Ibababa ko na 'to ha?" Sabi niya't kinuha na yung tray at saka lumabas ng kwarto. Ang sarap nung pagkain. Sana sa inyo din.

Napatingin ako kela Vani and Choco na magkatabi sa table. Kinuha ko sila parehas at pinaupo sila sa kama. "Alam niyo, nahihiya akong sabihin pero... I think I'm falling deeply in love kay Eros, sa papsi niyo." Kinikilig kong sambit.

"Ewan ko, maybe because of his good works. Pinapakita niya sakin na mahal din niya 'ko. Pinaparamdam niya na napakamahalaga ko sa kaniya, at unti-unti na 'kong naniniwala sa mga kwento niya." Sabi ko, at napawi ang ngiti ko nang maalala ko 'yon.

Speaking of kwento niya, naalala ko na naman yung chamber ni Eros. Puntahan ko kaya? Wala naman sigurong magagalit diba, since gusto niya rin na maalala ko ang lahat.

Tumayo na 'ko't lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa library niyang malaki at itinaas yung painting doon. Hindi ako nagkamali, naroon nga ang button kaya pinindot ko iyon at nahati sa dalawa ang book shelf.

Pumasok na 'ko do'n sa chamber at nakita yung apat na frames. Yung pang-apat na frame, wala pang laman.

Tumingin ako sa paligid at namangha nang makita yung golden rectangular table sa tabi. Hindi ko 'to napansin dati ah?

Nilapitan ko 'to't nakita ang mga nakahilerang libro. Maraming libro, at lahat parang luma na pero parang bago pa rin tingnan. Sa dami ng librong naroon, nakuha nung pinakaunang libro yung atensiyon ko. "Moon's Lake." Basa ko sa title nito. Sa ibaba, nakalagda ang pangalang 'M.H.LaLuna.' Pagkabukas na pagkabukas ko nung libro, isinara ko na ulit kaagad kasi nakasulat ito sa salitang Frances.

May nakita rin akong snow globe sa pinakadulo ng table kaya kinuha ko ito. May maliit na bahay sa loob, at dalawang tao sa labas ng bahay nila. Shinake ko 'to at nagtaasan yung mga snow sa tubig.

Naglakad ako papunta sa frame ni Hermosa habang patuloy sa pag-shake ng snow globe. Sobrang ganda niya. Sa portrait niya na 'to, ang tapang niya tingnan dahil sa ngiti niya. Mukha siyang palaban, pero kamukha ko lang naman siya. Ganito pala hitsura ko noong first life ko dito sa mundo? Ah so inborn na talaga pagiging maganda ko.

Nakatingala lang ako sa portrait ni Hermosa habang shine-shake yung snow globe. Ayokong alisin yung tingin ko doon sa portrait, kasi ang ganda ko talaga. "Sue?"

Dahil sa gulat, aksidente kong nahagis yung snow globe. Sasaluhin ko sana kaso bigla itong tumama sa frame ni Hermosa at bumagsak sa lapag kaya ito nabasag. Pero nung kukunin ko na, bigla akong napahawak sa frame at hindi sa pader. Nahila ko 'yon at bumagsak yung malaking frame, at nabasag yung salamin nito.

Napatakip na lang ako sa bibig ko. Napaka-pakealamera mo Sue! Dapat kasi hindi ka na pumunta dito, baka palayasin ka ni Eros! Nakakainis ka Sue, ang kati-kati ng kamay mo kasi eh! Oo na, ikaw na si Hermosa pero lagot ka talaga kay Eros!

Napatingin ako sa direksyon ni Eros at ngayo'y gulat na gulat. Sue naman kasi! Nakakainis ka! Bakit ka ganiyan, natatakot ako sa sasabihin ni Eros! Baka magalit siya sakin, baka sigawan niya 'ko o murahin! Argh!

"E-Eros sorr—" Sabi ko at akmang lalapit kay Eros pero hindi pa natatapos ang sasabihin ko ay bigla siyang naglakad palayo. Napasabunot na lang ako sa buhok ko habang nakatingin sa mga bubog. "Ikaw naman kasi, Sue! Ayan tuloy nagalit na siya sayo! Ang malas talaga ng kamay mo, kaya sa susunod dapat wala ka nang hahawakang bagay dito!" Sabi ko sa sarili ko.

Damputin ko na lang kaya yung mga bubog? Para naman may magawa ako kahit papaano. Alam kong mahalaga 'to sa kaniya, tapos sinira ko lang. Pati si Hermosa nadamay, baka mamaya multuhin ako neto. Eh bakit ako mumultuhin ng sarili ko? Ewan ko sayo Sue, puro kalokohan alam mo eh! Nakakainis ka talaga!

HDSeries 1: Eros HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon