SUE'S POV
Medyo mataas na ang tubig. Pinipilit kong makatayo, kasi hanggang leeg ko na ang tubig at hindi na 'ko makakahinga sa ilalim. Hindi na 'ko natulog kagabi dahil sa natatakot akong malunod habang tulog.
Huminga ako ng malalim ng ilang beses. Baka mamaya, hindi ko na 'to magagawa. Pero may tiwala ako kay Eros, alam kong pupunta siya.
Habang nakatayo ako, sinusubukan ko ring tanggalin yung tali sa kamay ko. Pero biglang may dumating, si Mark. "Kamusta, Sue? Naging sirena ka na ba?" Tanong niya at tumawa, pero hindi ko siya pinansin. Walang lugar ang galit ko sa sitwasyon ngayon, magsasayang lang ako ng energy kapag pinatulan ko siya.
"Ano? Bingi ka na ba? Naririnig mo pa ba 'ko? Hello?" Sarkastiko niyang sambit at tumawa ng malakas.
T*ngina mo mahulog ka sana dito. Sasakalin talaga kita gamit 'tong tinali niyo sakin.
"Hay nako, Sue. Hindi ko alam kung ililigtas ka pa ng Eros mong lampa. Yung patpatin na 'yon? Eh kung ako na lang yung pinili mo. Edi sana may boyfriend kang macho at pogi." Sabi niya't hinawi ang buhok niya.
Kadiri ka. Hinding-hindi ako papatol sayo kahit pa ikaw na lang ang nag-iisang lalaki sa buong mundo. Magpapakamatay na lang ako.
Maya-maya pa, natanggal ko na rin yung kanang kamay ko. Success! Agad kong itinaas yung kanang kamay ko't pin*kyuhan siya habang nakangiti. "Hey fvcker, I can survive!" Sigaw ko sa kaniya. Nakaya kong tanggalin yung tali sa kanang kamay ko, imposibleng hindi ko magagawa sa kabilang kamay.
"P-panong..." Gulat na gulat niyang sambit. Maya-maya pa, biglang may dumating na lalaki. Isa sa mga tauhan nila. May sinabi 'to pero hindi ko naririnig kasi tubig lang yung naririnig ko dito. Bigla silang sumalis parehas at iniwan ako.
Unti na lang... Matatanggal ko na yung isa ko pang kamay.
Biglang mas tumaas pa yung tubig, kaya mas itiningala ko pa yung mukha ko. Ilong at bibig ko na lang yung nakaangat, habang ang kanan kong kamay ay pilit na tinatanggal yung isa ko pang kamay.
Maya-maya pa, natanggal ko na rin ito kaya nabuhayan ako ng loob. Sa paa na lang.
Huminga ako ng malalim ng tatlong beses at saka sumisid. Medyo may kataasan na yung tubig. Tiningnan ko kung nasaan yung dulo ng lubid at nang makita ko na 'to, sinimulan ko nang tanggalin yung tali sa paa ko.
Matapos ang ilang segundo, nawawalan na 'ko ng hangin. Ang daming paikot-ikot na tali sa paa ko kaya sobrang hirap tanggalin. Naisip ko na isuot yung dalawa kong thumb sa likod ng paa ko at isinuot ang mga iyon sa lubid. Pagkatapos ay unti-unti kong ibinaba yung lubid. Sobrang sikip kaya masakit sa paa, at pakiramdam ko'y may sugat na yung paa ko pero hindi ko yun alintana. Hindi na 'ko makahinga kasi sobrang taas na ng tubig, lagpas na sakin. Patuloy lang ako sa pagbaba ng lubid, at nagsuccess ako. Natanggal ko na yung kanan kong paa.
Tumingala ako't walang nakita kundi tubig. Feeling ko mawawalan na 'ko ng hininga anytime at malulunod na, pero baka nandito na si Eros kaya ginawa ko ulit yung ginawa ko kanina sa isa ko pang paa. Maya-maya pa, may humalong dugo sa tubig, dahil tuluyan nang nasugatan yung kaliwa kong paa dahil sa higpit ng pagkakatali. Pero hindi ko iyon pinansin at pilit na tinanggal lang ang lubid.
Nang matanggal ko na, agad akong lumangoy pataas. Sobrang taas na ng tubig, pero mga nasa kalahati pa lang ito mula sa taas ng swimming pool. Naghanap ako ng pwedeng akyatan dahil walang hagdan dito.
Maya-maya pa, dumating na naman yung mga demonyo. Si Mark kasama ang mga tuta niya. "Pa'no nakawala 'yan?! Kunin niyo yung mga drum, ibuhos niyo jan lahat para mamatay na 'yang babae na 'yan!" Galit na sigaw ni Mark kaya dali-dali siyang sinunod ng mga tauhan niya. Maya-maya pa, nagsimula na silang magbuhos pa ng maraming tubig kaya mas lalong hindi ako makahinga.
BINABASA MO ANG
HDSeries 1: Eros Han
Tiểu Thuyết ChungDo you believe in afterlife? Or in another life? Whatever you believe in, Mr. Han believes that Sue Floyd Lastimosa, the greatest writer, is destined to be with him, but not forever. They meet for a very short period of time, and will be separated a...