IKATATLUMPU'T ANIM NA KABANATA

1 0 0
                                    

SUE'S POV

          Nandito kami ngayon ni Eros sa kwarto ko, saan pa nga ba. As usual, dahil bati na kami, tuloy kami sa kulitan at tawanan. Kanina niya pa 'ko kinikiliti, sino ba namang hindi tatawa do'n.

Noong tumigil siya sa pangingiliti sakin, ginawa niyang unan yung braso ko at saka siya yumakap sakin ng mahigpit. "Ang clingy mo. Dati hindi ka naman ganiyan." Pabiro kong sambit at saka pinaglaruan ko yung buhok niya. Bigla siyang umungol, parang baliw.

"Siyempre hindi ka pa akin no'n." Sagot niya sakin habang nakayakap pa rin sakin at nakapikit ang mga mata niya. Ang haba ng pilikmata niya, may kakapalan ang kilay, sobrang tangos ng ilong niya't napaka-perfect ng labi niya. Hindi na 'ko magtataka kung bakit nagustuhan ko kung pa'no niya 'ko i-kiss.

"Dati, pwede mo naman akong jowain agad kasi matagal mo naman na 'kong kilala, diba? Pero bakit hindi mo ginawa?" Curious kong tanong. "Tulad ng sabi ko, liligawan kita ng paulit-ulit at hinding-hindi ako magsasawa do'n. Gusto kong malaman mo muna ang kwento natin bago kita ayain maging girlfriend ko. Yung kwento bago tayo naging ganito, bago tayo humantong sa ganito. Yung kwento noong pinakauna pa lang kitang nakikilala bilang si Maria Hermosa La Luna." Sagot niya at saka ngumiti.

"Eh... Ano ba tayo noon? Noong ako pa si Hermosa? Anong klaseng buhay meron ako, kung paano tayo nagkakilala, at kung paano ako... K-kung paano ako n-namatay." Sambit ko kaya kumalas siya mula sa pagkakayakap sakin at umayos siya ng higa. "Gusto mo malaman?" Tanong niya kaya tumango ako.

"Dati, ikaw si Maria Hermosa La Luna. Ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Kasing kinang ka ng mga bituin, pero hindi man lang kita kayang abutin. Kasing taas ka ng punong may masarap na bunga, pero hindi kita kayang sungkitin kaya naisipan kong itago na lamang ang aking damdamin." Sambit niya na parang makata kaya napatawa ako.

Para sakin, mas sweet talaga 'tong mga 'to. Yung gagawan ka ng tula, o idedescribe ka gamit ang malalalim na mga salita. Doon pa lang kasi, alam mong nag-effort na yung tao para umisip ng mga salitang babagay sayo eh.

"Araw-araw kong ipinapanalangin na sana nasa mabuti kang kalagayan. Na sana kahit hindi ka mapunta sakin, malugod ko iyong tatanggapin sapagkat naiintindihan ko na iyon ang tadhana natin; ang pansamantalang pagtagpuin." Dagdag niya pa.

"Noong mga panahong ako'y nangingisda lamang sa ilog, nakita kita roong mag-isa habang nakapikit ang iyong mga mata. Naisipan kong lapitan ka, at pagmasdan ang mukha mong napakaganda. Para itong gawa sa porselana, nakakaakit ang iyong mga mata, nakakabaliw ang iyong mga ngiti at tawa, kaya simula nang makita kita ng personal sa ilog ay hindi ka na maalis sa aking alaala." Nakangiti niyang sambit.

"Ngunit noong araw-araw na kitang dinadalaw sa inyo, at nagsimula akong mahulog sayo, doon na rin pala nagsimulang ibigin ako ng kaibigan mo. Si Epifania, pinipilit niya 'kong siya na lamang ang aking mahalin at 'wag na ikaw, dahil ayaw din sakin ng mga malulupit mong mga magulang sapagkat ako ay dukha lamang at galing sa hirap." Sambit niya.

"Pero naglakas ako ng loob na ibigin ka, kahit hindi ko sigurado kung may mangyayari ba sa pag-iibigan nating dalawa. Pinilit kong tiisin ang pang-mamaliit nila, dahil lagi kong iniisip na pagkatapos noo'y sa akin ka rin mapupunta. Kaya sa aking katatagan ay sumuko na rin sila, at tayo'y nagpasiya na sa altar na magkita."

"Pero hindi ko alam na darating si Epifania at sinira ang ating araw. Kinabukasan, matapos ng ating kasal, si kamatayan ay agad kang dinalaw. Nabalitaan ko na lamang na patay ka na raw. Wala na 'kong ibang nagawa kundi ang magsisigaw."

"Pero dahil sa sumpa ni Epifania'y hindi ako mamatay-matay. Pinapahirapan niya 'ko sa pamamagitan ng ilang taon na paghihintay. Para sa muli mong pagbabalik, ako'y nasasabik. Pero sa iyong memorya'y hindi na 'ko nagbabalik."

"Kaya nagpasiya akong sa tuwing makikita kita, aking ipapaalala lahat. Ipaparamdam ko sayo na ako'y taong tapat. At hindi ka iiwan kahit pa sa puso ko'y mag-iwan ka ng sugat." Litanya niya, at saka ngumiti ng sobrang tamis.

Feeling ko sobrang espesyal kong tao. Ngayon ko lang naramdamang maalayan ng tula, on the spot pa! Sobrang sweet. Para sakin kasi mas sweet pa ang mga tula at hand-written letters kesa sa mga tsokolate at bulaklak na nawawala at nauubos din naman. Pero ang sulat na galing sa puso, pang-habangbuhay mong dadalhin.

Niyakap niya 'ko't nanatili kaming nakahiga. "Mahal kita, Eros." Sambit ko at naramdaman ko namang ngumiti siya. Maya-maya pa, kumalas ako sa pagkakayakap namin at saka tiningnan siya sa mga mata niya. "Ako rin ba, mahal mo?" Tanong ko sa kaniya na nagpawala ng ngiti sa labi niya. Pero ilang segundo lang ay bumalik ito, pero peke na.

"Magsha-shower lang ako Sue. Maiwan muna kita saglit." Bigla niyang sabi at saka tumayo. Nakakagulat yung actions niya. Sabi sa inyo weird talaga siya. Unti na lang maniniwala na 'ko sa sumpa na 'yon, kay Hermosa, kay Epifania, sa lahat. Pero umuusog lahat ng paniniwala ko kapag umaakto siya ng ganito, hindi ko alam kung bakit. Hindi ko siya naiintindihan.

Nang makapasok na siya sa bathroom, umayos na 'ko ng higa. Pero ilang minuto pa lang ang nakakalipas, biglang tumunog yung phone na nasa bedside table kaya kinuha ko 'to agad. May nagmessage.

"Pre, ex-boyfriend 'to ni Aria. Gusto kong mag-usap tayo bukas ng hapon, isesend ko sayo yung address bukas. Pumunta ka pre." Basa ko sa message. Si Mark? Chinat siya? Anong meron?

Para matapos na 'tong lahat, ako na ang pupunta doon bukas. Isasampal ko rin kay Mark na wala nang sila ni Aria, since gusto ko na rin magkaayos kami ni Aria. Siyempre kahit ganito ako, I still value friendships. Marami rin kaming pinagsamahan, at hindi ko siya kayang mawala nang dahil lang sa lalaki. Alam kong magkakaayos pa kami. Naniniwala ako do'n.

HDSeries 1: Eros HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon