IKAAPATNAPU'T SIYAM NA KABANATA

1 0 0
                                    

EROS' POV

          "Oh dahan-dahan lang." Sambit ko habang inaalalayan siyang umupo sa bath tub. Sabi niya gusto niyang maligo sa bath tub, at kahit hinang hina na siya'y dinala ko pa rin siya dito.

Kinuha ko yung timba na may lamang tubig. Dahan-dahan ko siyang binuhusan ng tubig that made her whole naked body wet. Pagkatapos no'n sinabunan ko na siya. Tuwang-tuwa siya habang nagsasabon ako, at gumagawa pa siya ng mga bula. I can't help but to smile. Despite of that small tube that supplies her oxygen, her pale and skinny body, those scars in her face na resulta ng mga pinagdadaanan niya, and those dark circles under her eyes, para sakin siya pa rin ang pinakamaganda't hinding-hindi magbabago 'yon.

After her bath, I immediately dressed her up. Hindi na niya halos kayang kumilos kaya ako na yung nagdamit sa kaniya. After no'n, I gave her Choco and Vani. She played with them and talked to them, habang ako nakatitig lang sa kaniya.

"Sue, naalala mo pa ba kung saan galing si Vani?" Tanong ko kaya tumingin siya sakin. "Vani? Sinong Vani?" Nagtataka niyang tanong. Doon na rin bumuhos ang luha ko habang pinipilit ngumiti. "Noong unang date natin. Napanalunan ko siya kasi ikaw yung iniisip ko habang naglalaro." Sabi ko't pinilit na maging matatag sa paningin niya.

"Hindi ko na maalala." Maiksi niyang sambit at binitawan na sila Vani at Choco. "Eh... S-si Bill? Naaalala mo pa?" Tanong ko na nagpangiti sa kaniya. "Oo, favorite reporter ko 'yon sa TV." Sambit niya kaya mas lalo akong napaluha.

"Ba't ka ba umiiyak Mark?" Tanong niya, at nginitian ko siya. "Ako ba naaalala mo pa?" Tanong ko sa kaniya, pero biglang nag-iba yung mood niya. "'Wag mo na nga 'kong tanungin ng tanungin. N-napapagod na 'ko." Matamlay niyang sambit at saka ipinikit ang mga mata niya.

Sa tuwing ipipikit niya ang mga mata niya, lagi akong kinakabahan. Baka kasi hindi na siya magising pa ulit, at ayoko pa siyang mawala sakin.

EROS' POV

          "Asan si Sue? A-anong nangyari sa kaniya?" Tanong ng isang matandang lalaki sakin. "'Tay, nasa loob po siya, nagpapahinga. Hinanap ko po kayo at pinatawag kasi... K-kasi may malubhang karamdaman si Sue at gusto ko kayong i-inform." Litanya ko.

"Nami-miss ko na si Sue." Sambit nung lalaking mga nasa 30's na. Tiningnan niya yung babaeng katabi niya na ngayo'y umiiyak na. Mukha silang magkaedad.

"I-ikaw ba ang kasintahan ni Sue?" Tanong ulit ng lalaki at marahan akong tumango. "Tara na po." Sabi ko't pinagbuksan sila ng pinto. Agad na napatakbo yung matandang lalaki patungo sa kama ni Sue.

"Sue anak? N-nandito na si Tatay." Umiiyak nitong sambit. Biglang nabuhayan ng loob si Sue at agad na niyakap yung tatay niya.

Hinanap ko pa sila sa buong Calabarzon mula noong nakaraang linggo pa, para sana sorpresahin si Sue. At nagtagumpay naman ako.

"T-Tay? M-Mama?" Sambit ni Sue habang hinang-hinang naiyak. Nakayakap lang siya sa Tatay niya't ayaw niya itong pakawalan.

"Ayos ka lang ba? Anong masakit sayo?" Tanong nung Tatay niya habang sinusuri siya. "A-ayos lang po... A-ako..." Hinihingal na sambit ni Sue. Sobrang hirap na hirap na siya, pero nakangiti pa rin siya.

"Anak sorry. S-sorry kung napabayaan kita... Sorry kung inisip mong hindi kita hinanap, kung alam mo lang lagi akong hindi makatulog dahil sa pag-aalala sayo... Mahal na mahal kita anak." Umiiyak na sambit nung Tatay.

"Sue, sorry sa lahat ng pagmamaltrato namin s-sayo... Sorry kung pinalayas ka pa namin at siniraan kay Tatay. Alam naman talaga naming may mararating ka, kaya sana mapatawad mo kami." Sambit naman nung lalaki, kuya niya ata 'to.

"S-Sue... S-sorry sa lahat. Sorry kung... Kung lagi kitang napagmamalditahan dati... P-patawarin mo 'ko." Humahagulgol na sambit naman nung babae. Tiningnan ko si Sue, nakangiti lang siya. Sobrang saya niya tingnan.

"Sue... Ako 'to, yung Mama mo. Sorry ha? Alam mo... Sobrang nagsisisi ako sa mga ginawa ko sayo. Patawarin mo 'ko ha? Mahal naman talaga kita eh, ayoko lang iparamdam sayo kasi alam kong aalis ka rin sa puder namin at malulungkot ako kapag nangyari 'yon... Sorry." Sambit naman nung babae, Mama niya ata.

Tumingin sakin si Sue, nakangiti siya habang naluha. Tears of joy. Maya-maya pa, she mouthed "S-salamat". I smiled at her at napaluha na rin. Alam kong sobrang saya niya, at deserve niya lang 'yon.

Ilang oras ko sila hinayaang magsama-sama. Puno sila ng tawa habang nagkukwentuhan. Sobrang saya tingnan ni Sue. Sobrang genuine ng tawa at mga ngiti niya. Alam kong namiss niya ng sobra yung pamilya niya kahit hindi naging maganda ang past nila. Hindi siya makapagsalita ng maayos pero alam kong marami siyang gustong ikwento sa pamilya niya.

Pagsapit ng dilim, nagpaalam na ang mga pamilya niya. Kinuhaan ko na rin sila ng hotel, at doon sila magpapahinga para malapit sila kay Sue.

Naiwan kami ni Sue dito sa kwarto. Six days to go, birthday na niya.

Lumapit ako sa kaniya't umupo sa tabi ng kama niya. Nakangiti siyang tumingin sakin. "Salamat." Sambit niya, halos wala na siyang boses. Hinawi ko yung buhok niya't tinitigan siya.

"Hindi mo kailangang magpasalamat. Trabaho ko ang pasayahin ka." Sambit ko sa kaniya't hinalikan siya sa noo. "G-gusto kong makita si Bill." Bulong niya sakin at tumango naman ako.

"Kung anoman ang gusto mo, ibibigay ko sayo."

EROS' POV

          "Sue, diba matapang ka?" Rinig kong sambit ni Bill habang nakatabi kay Sue. Nandito ako sa sulok ng kwarto, pinagmamasdan silang mag-usap.

"Sue alam kong malalagpasan mo rin 'to. Magpagaling ka, okay?" Sambit ni Bill at niyakap si Sue. Maya-maya pa, may biglang nagbukas ng pinto at iniluwa no'n si Dion, kasama ang kapatid niya. Yung bumugbog kay Sue.

"Pre, sorry nalate kami." Sabi ni Dion at tinapik ako sa balikat. "Ayos lang." Sagot ko naman. "Oh ano? Magsorry ka na do'n sa babae. Sipsip ka talaga kay Dad." Sambit ulit ni Dion at itinulak yung kapatid niya.

Lumapit yung bata kay Sue, at saka sila nag-usap. "Pre, sayang. Dadalhin ko sana dito yung girlfriend ko kaso may trabaho pa siya." Sambit ni Dion at tumango-tango naman ako. "Ayos lang tol, naiintindihan ko naman. Buti nga nakarating kayo eh, request niya kasi 'to." Sambit ko't tumingin kay Sue. Nakangiti siya habang kausap sila Bill at yung kapatid ni Dion.

"Ang hirap 'no?" Tanong niya kaya napaluha ako, pero agad ko naman itong pinunasan. "Wala tayong magagawa." Sagot ko sa kaniya't pinilit ngumiti.

Dion and I knowned each other for a very long time. Matagal na rin ang pamilya niya dito sa mundo, at gano'n din ako. Gusto ko sanang isiwalat yung sikreto niya, pero saka na.

Maya-maya pa, meron ulit dumating. Si Caspian, at yung kasintahan niya. "Tol Diego, Dion, kamusta? Long time no see." Sambit ni Caspian at nagbatian kami. "Ayos lang 'tol. Si Diego tanungin mo, may pinagdadaanan 'yan ngayon." Sambit ni Dion, at saka ako hinawakan ni Caspian sa balikat. Diego pa rin ang tawag nila sakin, dahil matagal na kaming magkakakilala. Mula 14's pa.

"Siya nga pala, girlfriend ko si Sin." Sambit niya't nakipag-shakehands sa amin si Sin. "S-sige ha? P-pupuntahan ko lang si Sue." Naluluhang sambit ni Sin at saka naglakad na patungo sa hinihigaan ni Sue.

"Nabalitaan namin yung nangyari pre. Sorry." Sambit ni Caspian at tumango-tango ako. "Mawawala na naman siya sayo. Maghihintay ka pa rin ba?" Tanong naman ni Dion, at tiningnan ko siya. "Wala naman akong magagawa. Mahal ko eh." Sagot ko sa kaniya't pilit na ngumiti.

"Magkikita na sila ni Shadow. Matagal na ring patay 'yon eh." Sambit ulit ni Dion kaya napatawa kaming tatlo. "Biro lang bro." Dagdag pa nito.

I heard how Sin cried. Mukhang sobrang close nila kaya maski siya'y mahihirapan din na pakawalan si Sue. Sino ba namang hindi? Sobrang buti niyang tao, at kahit mga naka-away niya'y hindi siya makakalimutan.

HDSeries 1: Eros HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon