EROS' POV
"Aria!" Tawag ko kay Aria nung makita ko siyang palabas na ng gate. Narinig ko kung paano sila nag-away ni Sue. Pupuntahan ko sana si Sue, pero naduduwag ako. Baka magalit lang siya sakin, sakto naman na nakita ko si Aria.
Agad siyang lumingon sakin. Basang basa ng luha yung mukha niya't namumula na rin ang mga mata kakaiyak. Nilapitan ko siya't hinawakan sa braso. "Aria, are you okay?" Tanong ko sa kaniya. "Hindi, hindi ako okay." Diretso niyang sagot habang umiiling.
"M-may magagawa ba 'ko?" Nag-aalinlangan kong tanong. Hindi na siya nagsalita't bigla akong niyakap. Umiiyak siya ngayon sa balikat ko, kaya wala akong ibang nagawa kundi ang i-tap ang likod niya. "S-si Mark... Dapat ko pa bang ituloy 'to? Nahihirapan na 'ko." Umiiyak niyang sambit.
"Alam mo kung mahal mo talaga, dapat mong ipaglaban." Sabi ko.
Oo, kasi yun yung ginagawa ko para kay Sue.
"Pero bakit sabi ni Sue, tigilan ko na si Mark? Na m-makipaghiwalay na lang ako? Kasi... Sinasabi ng utak ko na pagod na 'ko, pero sabi ng puso ko mahal ko pa rin siya." Sambit niya ulit.
"Alam mo, minsan dapat tayong magpahinga. At alamin na hindi dapat sa lahat ng bagay, sinusunod ang puso. Alam mo kung bakit ka nasasaktan? Kasi binibigay mo lahat. Pero sana alam mo na sa pakikipag-relasyon, hindi magandang ikaw lang yung nagbibigay, dapat may tine-take ka din." Mahinahon kong sagot sa kaniya. Marahan naman siyang tumango, at saka umayos ng tayo.
"Maraming salamat, Mr. Han. Akala ko kasi, mas maco-comfort ako ng best friend ko, hindi pala." Sabi niya't nagpunas ng luha, at saka ngumiti. "Kailangan ko nang umuwi. Salamat ulit." Sabi niya't muli akong niyakap, saka nagsimula nang maglakad palayo. Nang marinig kong nakaalis na yung kotse niya, dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto ni Sue.
Nang makaakyat na 'ko, binuksan ko ang pinto and found Sue in her bed, sleeping while hugging a stuff toy. Lumapit ako sa kaniya't umupo sa likod niya, sa kamang hinihigaan niya.
"Sue sorry, nakatulog ka na pala. Uhm... G-gusto ko lang sabihing good night. Matulog ka ng mahimbing." I said and kissed her on her forehead, at saka lumabas na ng kwarto niya.
BINABASA MO ANG
HDSeries 1: Eros Han
General FictionDo you believe in afterlife? Or in another life? Whatever you believe in, Mr. Han believes that Sue Floyd Lastimosa, the greatest writer, is destined to be with him, but not forever. They meet for a very short period of time, and will be separated a...