EROS' POV
It's already evening. Kumakain na kami ng hapunan, at kasalo ulit namin sila Nanay Luz at Kuya Badong. Gano'n pa rin yung sitting arrangement namin. Feeling ko tuloy, napakalayo ni Sue dahil nasa magkabilang dulo kami ng lamesa.
Napatingin ako sa direksyon niya, at mapayapa siyang kumakain pero biglang nagtama yung mga mata namin kaya agad kaming napa-iwas ng tingin sa isa't isa.
Wala pa ring bago, tahimik pa rin kaming kumakain. Walang may gustong magsalita. Kasi naman, parehas kami nahihiya ni Sue sa nangyari kanina. Ano nga bang nangyari kanina?
Masaya naman kaming naghahabulan kanina, pero aksidente niya kong natulak kaya napakapit ako sa damit niya. Pero hindi niya rin ako kinaya, kaya napa-ibabaw siya sakin tapos biglang nagtama yung mga labi namin. Walang may gusto ng nangyari, maliban sakin. Oo gusto ko, pero hindi ko naman sinasadya. Pagkatapos no'n, nagkatitigan lang kami tapos parang tumigil ang lahat. Ang naririnig ko lang ay yung tibok ng puso ko. Kahit pa puno ng harina yung mukha niya, napakaganda niya pa rin. Tapos after some moments, tumayo na rin kami at doon na nagsimulang maging awkward ang lahat. Nagpaalam siya sakin na aakyat lang siya sa kwarto niya para mag-take ng shower, sabi ko sige. Tapos nung nakaakyat na siya, para akong ewan na nag-walling. Kinikilig ako eh, bakit ba.
Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa naalala ko. Feeling ko tuloy ang sarap ng luto ni Nanay Luz ngayon na kaya kong ubusin lahat ng ulam namin sa loob ng ilang segundo.
Napatingin ulit ako kay Sue, na ngayo'y tapos na kumain. Dinala niya yung platong pinagkainan niya sa sink, at saka nagpaalam samin na aakyat na siya.
Pagkasara na pagkasara ng pinto ng kwarto ni Sue, agad akong nginitian ni Kuya Badong ng nakakaloko. "Kamusta yung kiss?" Tanong niya kaya natawa ako. Siniko naman siya ni Nanay Luz. "Ano ka ba, baka marinig ni Sue." Sabi nito.
Alam nilang dalawa ang istorya namin ni Hermosa, na si Sue na ngayon. Ilang taon ko na rin kasi silang kasama, at close na close na kami.
"Hm, okay lang po. Worth it lahat ng paghihintay ko ng ilang taon dahil doon. Pakiramdam ko po, kaya ko pang maghintay kahit libo-libong taon pa 'yan." Sabi ko at ngumiti. Hindi ko talaga mapigilang mapangiti kapag naaalala ko 'yon. Kahit smack pa lang 'yon, sobrang sulit na.
"Halata nga sa ngiti mo. Kilig na kilig eh, oh." Sabi ni Kuya Badong at saka itinaas-baba na naman yung kilay niya. "Ano ka ba, sabing 'wag maingay. Baka mamaya marinig ni Sue na pinag-uusapan niyo siya, alam niyo bang nakakahiya 'yon?" Sambit naman ni Nanay Luz.
"Eh kapag ikaw kiniss ko, mahihiya ka ba?" Sabi ni Kuya Badong kay Nanay Luz, kaya siya nakatanggap ng medyo mainit-init pang kurot sa tagiliran. Ang kulit talaga nila haha!
Umpisa pa lang 'to, Sue. Gagawin ko ang lahat para maniwala ka sakin, na mahal na mahal talaga kita.
BINABASA MO ANG
HDSeries 1: Eros Han
General FictionDo you believe in afterlife? Or in another life? Whatever you believe in, Mr. Han believes that Sue Floyd Lastimosa, the greatest writer, is destined to be with him, but not forever. They meet for a very short period of time, and will be separated a...