IKALIMAMPUNG KABANATA

2 0 0
                                    

⚠. [Better play 'The One That Got Away' while reading for a better feeling].

EROS' POV

          Days had passed. We entertained visitors, at lagi nila siyang napapasaya.

Maraming tao dito sa loob ng kwarto niya. Yung family niya, sila Dion, yung girlfriend at kapatid niya, pati si Bill, sina Caspian at Sin, yung bata rin na nakilala niya daw sa gutter. Marami pang mga tao dito, halos lahat ng nakilala niya sa buong buhay niya ay nandito na. Lahat sila, malungkot at lumuluha lalo na si Sin at yung Tatay ni Sue.

Nakaupo ako sa tabi niya, habang siya naghihingalo sa kama niya pero pinipilit niya pa ring huminga gamit ang oxygen.

Umiiyak na 'ko, pero tinatatagan ko pa rin yung sarili ko. Gusto kong magmukhang matapang sa harap nila, sa harap niya.

"E-Eros... M-mahal... Kita." Hinihingal niyang sambit, at tumango naman ako. Hindi ko kayang sabihin sa kaniya yung nararamdaman ko, dahil ayoko pang matapos 'to.

"H-happy 26th birthday baby." Umiiyak kong sambit at tipid siyang ngumiti. Pumipikit na yung mga mata niya pero pinipilit niya pa rin dumilat para samin... Para sakin.

"N-nakikita ko na... S-sila Nanay... L-Luz..." Pautal-utal niyang sambit kaya mas lalo akong napaiyak.

'Wag muna ngayon please... G-gusto pa kitang makasama. Parang awa mo na, 'wag muna... 'Wag ka munang sasama.

"E-Eros... G-gusto kong... M-marinig mula sayo... Na mahal mo 'ko..." Sambit niya't lumuha.

The fvck. Durog na durog na 'ko! Ayokong nahihirapan siya, pero ayoko ring mawala siya sakin.

Kahit talaga anong gawin mo, hindi mo magagawang dayain ang tadhana mo. Kahit anong gawin ko, hindi na mababago yung kapalaran ko. Ito yung sumpa sakin, at wala akong ibang alam na paraan para matanggal 'yon. Habangbuhay na siguro tayong masasaktan.

Alam ko namang kahit pa sa mga susunod na buhay, makakasama ko pa rin siya. At patuloy lang akong mahihirapan na pakawalan siya, at malamang ito ang way ni Epifania para saktan ako... Pinaparamdam niya sakin yung naramdaman niya dahil hindi ko man lang makasama yung taong mahal na mahal ko.

Tumingin ako sa kaniya habang patuloy sa pag-agos ang mga luha ko. Nakapikit na siya't hirap na hirap na. G-gusto ko nang matapos 'to... Alam kong lagi naman siyang mawawala sa piling ko, pero sobrang hirap... S-sobra...

"E-Eros... Please... H-hirap na... Hirap na 'ko." Sambit niya't Pilit na tumingin sakin.

"Ipapangako mo bang... Babalikan mo 'ko?" Umiiyak kong tanong. Namumula na ang mukha ko't nanlalabo na rin ang aking paningin dahil sa luha. "P-pangako..." She said and slowly raised her pinky finger, so I wrapped my pinky finger with her's.

I cried and held her hand. Yung rose na binigay niya sakin, lantang-lanta na. Umiling-iling ako, hindi ko na kaya 'to. Hindi ko na kayang makita pa siyang nahihirapan.

"Mahal kita, Sue." I said and heard the flatline sound.

♪ In another life,
I would be your girl
We'll keep all our promises,
be us against the world.

In another life,
I would make you stay
so I don't have to say you were
the One That Got Away.

HDSeries 1: Eros HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon