IKATLONG KABANATA

11 3 0
                                    

SUE'S POV

          "Sue, gising na. Tanghali na, pupunta pa tayo sa bahay ng boylet mo." Sabi ng kung sino malapit sa tenga ko. I hugged my pillow and covered it on my ears. Ang aga-aga, mambubulabog na naman 'tong taong 'to.

"Sue sige na." She added. Medyo seryoso na yung tono ng boses niya pero wala pa rin akong pakealam. Maya-maya pa, hindi ko na naramdaman yung presensiya niya kaya pabalik na ako sa pag-idlip nang may biglang sumigaw ng sobrang lakas.

"SUE FLOYD LASTIMOSA!!!"

Agad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga habang nanlalaki ang mga mata dahil sa gulat. There, I saw Aria standing with her arms crossed and angry face.

"Tumayo ka na diyan Sue Floyd Lastimosa! 'Pag hindi ka pa tumayo jan, ako na hihila sa'yo." Galit niyang sambit habang magkasalubong ang kaniyang mga kilay. "Okay, ito na nga, babangon na." Sabi ko habang nakataas ang mga kamay na parang kriminal. Medyo inaantok pa 'ko kaya papikit-pikit pa yung mga mata ko.

"Nakalimutan mo na ba? Diba sabi ko pupunta tayo sa bahay nung ipapakilala ko sayo?" Naiinis niyang sambit. Napahikab naman ako habang tumatango.

"Teka, anong oras na ba?" Tanong ko't tumingin sa table ko kung saan sitting pretty yung typewriter ko. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko ang oras.

"Bwisit ka Aria, akala ko ba tanghali na? Eh 7:30 pa lang ng umaga!" Sigaw ko sa kaniya at nawala naman ang galit sa mukha niya.

"Eh... B-basta! Kailangan natin maging maaga ngayon, okay? Sige na, mag-ayos ka na." Sabi niya kaya dumiretso ako sa closet ko, binuksan ko ang pinto, kumuha ng kung anong long sleeve na damit, ipinatong 'yon sa kasalukuyan kong suot na damit, sinuklay yung buhok ko gamit yung mga daliri ko, at saka humarap kay Aria. "Tara na." Sabi ko sa kaniya, pero parang hindi natutuwa yung mukha niya.

"Seryoso ka Sue? Oo sanay na 'ko sa mga damit mo pero, hello? May bago kang makikilala ngayon, hindi ka ba maga-ayos man lang?" Tanong niya kaya napakamot ako ng ulo. "Huh, ano naman? Okay na 'tong suot ko tara na." Sabi ko at dumiretso na sa pinto pero pinigilan niya 'ko.

"Ops, bawal. Mamaya na tayo aalis, hindi ako satisfied sa suot mo eh. Alam mo, hubarin mo 'to," Sabi niya at siya na mismo ang nagtanggal ng cardigans ko. "Tapos, magshower ka. May binili na 'kong damit para sayo." Nakangiti niyang sambit habang pinagtutulakan ako sa bathroom.

"Ha? Eh wala pa namang bukas na mall ngayon ah." Tanong ko. "Sino ba may sabing ngayon ako bumili?" Tanong niya sakin pabalik while wearing her devilish smile. Parang hindi ata maganda ang ihip ng hangin ngayon. Alam ko na binabalak nitong babaeng 'to eh, lalo na kapag nagpapakita 'yang ngiti na 'yan.

Bigla kong naalala, nung pumunta kami kahapon sa mall, marami siyang binili; make up, dresses, sandals. Tinanong ko siya kung para saan ba 'yon, pero sabi niya lang gagamitin niya daw kaya hinayaan ko siya, kasi alam ko naman kung gaano kabaliw 'to sa mga make-up at girly things kaya hindi ko na siya pinakealaman.

Tumingin ako sa paper bags na nakakuha ng atensiyon ko. Nakasulat sa paper bags yung pangalan ng mall na pinuntahan namin kahapon, at parehas na parehas din 'tong mga paper bags na 'to sa binili niya kahapon. Alam ko 'yon kasi ako yung pinagbuhat niya.

"Oh, ba't nandito mga gamit mo?" Tanong ko sa kaniya at saka tinuro ang mga paper bags na nakalapag din sa table ko. "Ah, hindi akin 'yan." Sagot niya. Huh? Eh kakabili lang namin niyan kahapon. Ewan ko ba dito kay Aria.

"Diba ikaw bumili niyan? May mga dress pa nga jan eh tapos tinanong mo sakin kung maganda ba. Gusto mo pa nga ipasukat sakin eh." Sabi ko sa kaniya. "Oo, ako yung bumili pero hindi ko sinabing para sakin 'yan." Sabi niya habang nakangiti ng todo.

Anong ibig sabihin ng babaeng 'to? Imposibleng para sakin 'to kasi alam niya namang hindi ako nagsusuot ng mga dress na maiiksi. Lalo na ng skirt.

"Alam mo, magshower ka na muna. Tapos ako na bahalang mag-explain mamaya, okay? Sige na." Sabi niya at tinulak ako papasok ng banyo. Hindi maganda 'to.

SUE'S POV

          "Ano ka ba naman kasi, Aria! Nakakainis ka! Sabi sayo hindi ako nagsusuot ng mga ganitong damit, ang iksi!" Sabi ko habang pilit na ibinababa yung skirt ng white dress na 'to. Kanina pa 'ko hindi komportable kasi una sa lahat, feeling ko sobrang bulgar na ng katawan ko!

"Ang OA mo Sue. Above the knee na nga lang 'yan, saka pasalamat ka nga kasi hindi ko pinasuot sayo yung sleeveless na dress na binili ko rin. Saka bagay nga sayo eh! Tigilan mo na 'yang kakababa ng skirt, para kang ewan. Alam mo, mapa-bakla, tomboy, pati butiki at baboy, mai-inlove sayo kapag nakita ka eh! For sure, pati yung lalaking pupuntahan natin, mafa-fall din sayo. Yieee!" Sabi niya habang sinsundot na naman yung tagiliran ko.

"Tigilan mo 'ko, hawakan mo na lang ng maigi 'yang lasagna'ng niluto ni Tita. Baka pagdating natin do'n, panis na 'yan dahil sa kakornihan mo." Sabi ko at tumawa naman siya.

Maya-maya pa'y narating na namin yung bahay ng lalaki. Napakalaki ng bahay niya, at puro puti ang pintura. Siguro anghel nakatira dito? Matchy matchy din sa dress na suot ko.

Pumasok kami using the pedestrian's gate. Bigla namang may matandang lalaking lumabas galing sa likod ng bahay. Nakakulay asul siya na parang uniform ng driver sa mga palabas at may hawak na hose.

"Ano pong kailangan nila?" Tanong niya. Nagtinginan muna kami ni Aria bago siya sumagot, "Dadalawin lang po sana namin si Mr. Han. Nandiyan po ba siya?" Tanong ni Aria sa lalaki. Sinong Mr. Han? Ayon ba yung sinasabi niyang ipapakilala niya sakin?

"Ah, opo. Tuloy po kayo, bukas ang pinto. Nandiyan lang po siya sa loob, hanapin niyo na lang. Madalas po kasi siyang magpatugtog ng piano sa isang kwarto katabi ng sala." Nakangiting sagot nung lalaki at tumango naman ako. Baka pianist yung lalaki? In fairness, isa 'yon sa mga turn on's ko.

Yung pinto at wall ng first floor, gawa sa glass kaya kahit sa malayo pa lang, kita mo na yung interior ng bahay. Sa second floor naman, may malawak na balcony at mga upuan. Napapansin ko rin na buhay na buhay yung mga damo sa paligid, at puro halaman din dito. Isa na naman 'yon sa mga turn on's ko.

Pumasok na kami sa sala, may golden chandelier sa itaas. May dalawang hagdan pataas, paakyat sa second floor. Meron itong limang magkakahiwalay na kwarto. Wow, para akong nasa ice kingdom ni Elsa sa frozen.

Nasa sala pa lang kami, rinig ko na yung tumutugtog ng piano. Nagpaalam muna sakin si Aria na magpi-picture picture daw muna siya sa paligid kasi photoholic talaga 'tong babaeng 'to, kaya um-oo na lang ako.

Habang papapalapit ako sa entrance ng isang kwarto kung saan nanggagaling yung tunog ng piano, biglang bumilis yung tibok ng puso ko kaya napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit, pero nakakaramdam ako ng negativity. Para bang...

HDSeries 1: Eros HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon