Weeks had passed. Isang linggo na ang nakaraan mula nang mawala siya. Si Sue Floyd Lastimosa.
I was holding the rose that she gave me. Patay na ito't tuyong tuyo na. I can't help but to cry, at least even at the last seconds of her life, nasabi ko na mahal ko siya. Na mahal na mahal ko siya. At hindi 'yon magbabago. Siya pa rin ang mamahalin ko sa susunod at susunod niya pang buhay. Handa akong maghintay.
Sue, wherever you are, I know you will still come back to me. And by that time, we will continue our interrupted story once again.
Alam kong hindi siya mawawala sa alaala ng lahat. Maraming nasaktan, maraming lumuha, maraming nawalan.
Pero kailangan nating maging matatag at gawin kung ano ang dapat nating gawin;
sabihin na ng maaga ang nararamdaman natin sa ibang tao bago pa sila mawala. Dahil sobrang mapagbiro ang tadhana, hinding hindi natin masasabi kung hanggang kelan ang biyahe, o kung hanggang saan ang dulo ng kalye.
THE SADDEST ENDING.
At kung ito na nga ba ang katapusan,
Handa na 'kong ikaw ay pakawalan
Kung ito na nga ba ang dulo ng daan,
Kung dito na matatapos ang ating kwentuhan,
Kung ang linya ng tula'y hindi na masusundan,
Lagi mong tatandaan;
Kung dumating man ang araw na hindi ko na masabi ang aking nararamdaman,
Hihintayin ko ang susunod nating buhay, at itutuloy natin ang naudlot nating pagmamahalan.-Eros Han.
BINABASA MO ANG
HDSeries 1: Eros Han
General FictionDo you believe in afterlife? Or in another life? Whatever you believe in, Mr. Han believes that Sue Floyd Lastimosa, the greatest writer, is destined to be with him, but not forever. They meet for a very short period of time, and will be separated a...