SUE'S POV
"Ano bang nangyari? Bakit parang kahapon ka pa hindi okay?" Tanong ko kay Aria. Mukha siyang matamlay, alam ko naman na about na naman 'to sa boyfriend niya.
Kanina pa siya nandito after kong iwan si Eros na mag-isang tumugtog ng piano, kasi nagkwentuhan pa kami ni Aria about sa mga bagay, tapos kumain. Marami pa kaming ginawa, tapos ayon, nandito kami ngayon sa sala nagkukwentuhan.
"S-si Mark kasi... Sabi niya magbreak na daw kami." Malungkot niyang sagot. "Bakit daw?" Tanong ko ulit sa kaniya. Tiningnan niya naman ako't ngumiti ng pilit.
"May nakilala daw siyang bago. Nagsorry siya sakin nung una, tapos sabi niya meron na daw siyang ibang nililigawan." Sagot niya. Napakamot ako sa ulo ko, napakakulit naman nito ni Aria.
"Ilang beses na ba kasi kita sinabihan? Hayaan mo na 'yan si Mark. Walang magandang madudulot 'yan sa buhay mo. Ewan ko ba sayo, mahigit isang taon ka nang nagpapakatanga. Ilang beses ka na bang niloko niyan? Isa? Dalawa? Hindi nga lang ata sampu eh! Napakatigas kasi ng ulo mo, Aria. Matagal na kitang sinabihan, hiwalayan mo na siya. Pero pinipilit mo pa din. Mahal ko kasi si Mark, mahal ko siya, eh ikaw ba mahal ka niya? Isipin mo nga." Diretsahan kong sambit sa kaniya.
Ilang beses ko na ba 'to sinabihan? Kulang na lang iumpog ko ulo neto sa pader para matauhan na eh. Ginagago lang naman siya nung Mark na 'yon, okay lang naman sa kaniya kasi mahal niya daw. Tsk.
"S-sinasabi niya saking mahal niya 'ko." Naluluha na niyang sambit. "Sinasabi nga, pinaparamdam ba niya?" Tanong ko sa kaniya pabalik. "Kung ako sayo, hindi ko na alam kung pang-ilang beses ko nang sinabi 'to, hiwalayan mo na siya." Dagdag ko pa.
"Eh bakit ba gustong gusto mo kaming maghiwalay?!" Sigaw niya sakin. Ngayon lang ako sinigawan neto ah?
"Malamang, Aria concerned ako sayo! Hindi mo ba nakikita? Ginagawa ka niyang tanga! Kapag magbebreak kayo, lalapit ka sakin. Paulit-ulit na lang yung nangyayari, napapagod na 'kong magbigay ng advice sayo na hindi mo rin naman pinapakinggan!" Pasigaw kong sambit sa kaniya.
"Ang sabihin mo, wala kasing may gusto sayo kaya ka ganiyan! Ano, gusto mo igaya mo 'ko sayo na bitter?! Alam mo, kaya kita hindi pinapakinggan kasi alam ko na maaayos pa kami ni Mark! Ikaw lang ata yung may gustong maghiwalay kami eh!" Malakas niyang sigaw at saka siya napatayo.
"Eh anong gusto mong gawin ko, Aria? Hayaan ka na lang na magpakatanga?! Hayaan ka na gamitin ka nung manlolokong 'yon?! Siyempre hindi kasi Aria kapatid na yung turing ko sayo, alam mo 'yan! Pero ikaw yung hindi nakikinig, tingnan mo ngayon ikaw pa yung nagagalit sakin!" Sigaw ko sa kaniya pabalik at saka napatayo na rin.
"Ah, gano'n? Oo, bakit nga ba 'ko humihingi ng advice sayo eh hindi mo naman alam yung ibig sabihin ng pagmamahal? Na maski pamilya mo, iniwan mo para sa pansariling interes mo! Tingin mo, pagmamahal yung tawag do'n? Na iniwan mo yung Tatay mo para lang maging sika–" Hindi pa siya natatapos magsalita ay dumapo na agad ang palad ko sa mukha niya.
"Ang kapal ng mukha mong idamay yung pamilya ko dito. Wala kang alam!" Naiiyak ko nang sigaw sa kaniya.
"Ikaw ang walang alam! Hindi ko kayang iwan si Mark tulad ng pag-iwan mo sa Tatay mo kasi napakamakasarili mo!" Umiiyak niyang sigaw sakin. Susugurin ko na sana siya, pero agad akong pinigilan ni Kuya Badong.
"Bawiin mo yung sinabi mo!" Sigaw ko sa kaniya habang nanlalaban. "Hindi ko babawiin kasi totoo lahat ng sinabi ko! Napaka-selfish mo, Sue!" Sigaw niya ulit kaya mas lalo akong nanlaban kay Kuya Badong.
"Badong, dalhin mo na si Sue sa kwarto niya, bilis!" Sabi ni Nanay Luz na agad namang sinunod ni Kuya Badong. Sa panlalaban ko, kaunti na lang eh kakaladkarin na 'ko ni Kuya Badong.
Napakasama ng ugali mo, Aria. Ako na nga 'tong concerned sayo, ikaw pa yung magagalit. Totoo namang pineperahan at ginagamit lang siya ni Mark. Sa katangahan niya, binilhan niya ng brand new car si Mark. Dinadahilan niyang mahal niya yung gagong 'yon pero hindi naman siya mahal ni Mark.
"Sue, may lagnat ka pa. Gusto mo bang mabinat? Magpahinga ka na lang jan at 'wag mo nang masiyadong isipin ang nangyari. Lilipas din 'to, magkakabati rin kayo. Maiwan na kita." Sabi ni Kuya Badong at isinarado na ang pinto.
Doon na 'ko nagsimulang umiyak ng umiyak. "Ang tanga mo Sue, ang tanga tanga mo talaga." Sabi ko sa sarili ko habang sinasabunutan ang sarili kong buhok. Bakit ko nga ba sinabi yung mga salitang 'yon? Alam ko namang hindi siya makikinig sakin. Ngayon lang kami nagkaroon ng malalang sigawan, hindi ko ineexpect 'to.
Nakuha nung maliit na asong stuff toy na nakapatong sa bedside table yung atensiyon ko. Kinuha ko ito't saka ako humiga sa malambot na kama.
"Hi. Iba talaga yung bawi ng lungkot kapag natuwa ka ng saglit." Sabi ko dito. "M-mali ba 'yon? Pinagsabihan ko lang naman siya. At totoo naman lahat ng sinabi ko. Napakasama ko bang tao? Masama ba 'kong kaibigan?" Dagdag ko pa't hinawi ang malambot nitong balahibo.
"Ang cute mo. Papangalanan kitang Choco. Paborito ko kasi yung mga chocolate. Hi Choco." Pabulong ko nang sabi habang patuloy sa pag-agos ang mga luha ko. Wala na 'kong boses para magsalita pa.
Nandiyan pa kaya si Aria? Hindi talaga ako komportable kapag alam kong may hindi kami pagkakaintindihan. May mali rin naman ako, alam ko naman 'yon. May mga hindi ako magandang nasabi, kaya kailangan kong humingi ng sorry.
I can't afford to lose someone just because of my pride.
Tumayo ako't binuksan ang kurtina ng bintana. I looked up, pero may nakakuha ng atensiyon ko. Si Aria at...
At Eros.
Yakap-yakap ni Eros si Aria. Napabuntong-hininga ako.
Okay naman na pala siya, may nagcomfort na. Siguro pinaglalaruan lang talaga 'ko ni Mr. Han. May palapit-lapit pa siya ng mukha. Sabi na nga ba, gusto niya lang ako chansingan. Katulad lang siya ng ibang lalaki, mga manloloko. Dapat talaga, dapat talaga hindi ako nagtiwala sa kaniya.
BINABASA MO ANG
HDSeries 1: Eros Han
Fiksi UmumDo you believe in afterlife? Or in another life? Whatever you believe in, Mr. Han believes that Sue Floyd Lastimosa, the greatest writer, is destined to be with him, but not forever. They meet for a very short period of time, and will be separated a...