EROS' POV
"Ewan ko Kuya Badong. Sukong-suko na 'ko sa sitwasyon na 'to," Sambit ko habang umiiyak. Kanina pa kami ni Kuya Badong nag-uusap dito sa kwarto ko, kasi kailangan ko talaga ng advice.
"Minsan nga, naiisip ko na lang na sumabay sa kaniyang mamatay para matapos na 'to." I added. "Ano? Edi parehas kayong walang maaalala sa susunod na buhay niyo! Gusto mo ba 'yon? Na dinadaan-daanan ka lang ng taong alam mong nakatadhana sayo pero hindi mo alam na siya pala 'yon? Na lahat ng ginawa niyong masasaya dati, makakalimutan niyo na lang parehas?" Tanong niya sakin na mas lalong nagpaluha sakin.
"Ang hirap Kuya Badong. Gusto kong maging maayos na, gusto kong maging maayos kami pero... Pero hindi." Nasagot ko na lang sa kaniya. "Gusto mong maayos kayo? Edi gawin mo kung ano ang tama." Simple niyang sambit.
"Alam mo Eros, maswerte ka nga eh. Maswerte ka kasi simula dati pa, nang iwan ka ni Hermosa, may nakatago ka nang alaala niya. Maswerte ka kasi alam mo kung sino ang pipiliin at kung sino ang mamahalin. Eh kaming mga ordinaryong tao, hindi namin alam kung sino ang nakatadhana para samin. Hindi namin alam kung kelan kami magkikita, o kung saan, o baka hindi na kami magkita kaya madalas kaming makagawa at makapili ng mali. Maswerte ka kasi alam mo na kung ano ang tama, alam mo na kung ano ang dapat gawin sa susunod na pagbabalik ng taong mahal mo. Eh kami? Kailangan naming magsimula ulit sa wala. Oo unfair kasi ilang buwan o taon lang ang nabibigay sayong pagkakataon na makasama ang babaeng minsan mo nang hinarap sa altar, hindi ba mas mapalad ka pa rin kasi alam mo kung sino ang hahanapin mo para maging katadhana mo? Na kaming mga ordinaryong tao, hindi sigurado kung tamang tao ba ang pinakasalan namin. Isipin mo, Eros." Sabi sakin ni Kuya Badong.
"Ayaw mo siyang mawala ulit sayo diba? At gusto mong mas maging memorable ang buhay niya sa ibabaw ng mundo bago man lang siya mawala? Edi gawin mo kung ano sa tingin mo ang tama." Dagdag niya pa.
"Isipin mo kung ano ang tama. Ang puntahan si Aria o ang makasama si Sue ng isang buong araw? Ang mag-alala para kay Aria o ang lambingin si Sue? Sino ba mas matimbang sayo, si Aria o si Sue?" Tanong niya sakin. "Si Sue po." Sagot ko naman sa kaniya habang humihikbi.
"Yun naman pala. Eh bakit pinupuntahan mo pa rin si Aria sa bahay nila?" Tanong niya ulit sakin. "Hindi ko po kasi siya matiis. Baka po magpakamatay si Aria nang dahil sakin." Sagot ko sa kaniya.
"So matitiis mo pala kapag nawala si Sue sayo? Okay lang sayo na hindi magpakamatay si Aria, pero mawawala naman sayo si Sue?" Tanong niya na naman at saka ako umiling-iling.
"Hindi pala eh. Edi mas bigyan mo ng time si Sue. Mas pahalagahan mo siya, at mas iparamdam mo sa kaniya na mas mahalaga siya kesa kay Aria. Alam mo ang mga babae, natural nang mga selosa 'yan. Pero ang kailangan lang ng mga 'yan ay iparamdam sa kanila na mahal sila ng isang lalaki." Sambit niya.
"May gusto na po sakin si Aria, at alam kong magsisimula na po siyang gumawa ng mga ways para sirain kami ni Sue." Lumuluha ko pa ring sambit. "Ano naman ngayon? 'Wag mong sabihing naduduwag kang harapin 'yon? Ilang beses na bang naging kontrabida sa inyo si Aria? Isa? Dalawa? Dapat hindi ka nagpapadaig. Akala ko ba mahal na mahal mo si Sue? Eh bakit parang natatakot kang harapin yung mga gagawin ni Aria? Dapat ipakita mo na mas malakas ka, ipakita mo sa lahat ng pipigil sa pagmamahalan ninyo na mas mananaig yung pagmamahal na meron ka para kay Sue. 'Wag na 'wag mong gawin ang mga bagay na alam mong ayaw makita ng babaeng mahal mo, kasi kapag nawala 'yan sayo, ibig sabihin tanga ka para pakawalan pa yung babaeng 'yon." Advice niya sakin at saka tinapik ako sa balikat.
"Gawin mo kung ano ang tama, Ser." Dagdag niya pa bago lumabas ng kwarto ko. Naiwan ako dito mag-isa na nag-iisip. Namangha ako sa words of wisdom ni Kuya Badong. Pa'no niya nasabi ang gano'ng mga bagay? Dahil ba kay Nanay Luz? Siguro mahal na mahal din niya si Nanay Luz ng sobra.
May point siya sa lahat ng mga sinabi niya. At dapat kong gawin kung ano ang tama.
Kinuha ko ang phone ko at pumunta sa contacts. Lahat ng numbers na related kay Aria, pinagba-block ko. Binlock ko rin sila sa social media, at ito ang unang way para gawin kung ano ang tama; ang idistansiya ko ang sarili ko sa kanila, lalo na kay Aria.
Pinunasan ko ang mga luha ko't tumayo ng tuwid. I took a deep sigh and smiled. 'Wag kang papaapekto sa mga nangyayari, Eros. Lahat ng 'to, para kay Sue. Para sa babaeng mahal mo. Hindi mo man kayang banggitin sa kaniya na mahal mo siya, at least pinaparamdam at pinapakita mo naman sa kaniya.
Simula ngayon, hinding hindi na 'ko mag-aalala pa ng dahil lang kay Aria. Oo, alam kong ako ang sisisihin ng mga magulang niya kapag may nangyaring masama sa kaniya dahil alam ng mga magulang niya na may gusto siya sakin at ako ang dahilan ng pagiging baliw niya. Pero gagawa ako ng paraan para maging tama ang lahat, tulad ng sinabi sakin ni Kuya Badong.
BINABASA MO ANG
HDSeries 1: Eros Han
General FictionDo you believe in afterlife? Or in another life? Whatever you believe in, Mr. Han believes that Sue Floyd Lastimosa, the greatest writer, is destined to be with him, but not forever. They meet for a very short period of time, and will be separated a...