IKAAPATNAPU'T PITONG KABANATA

2 0 0
                                    

EROS' POV

          Kumakain kami ngayon ni Sue ng agahan. Halos hindi niya pa nababawasan yung pagkain niya't pinaglalaruan niya lang ito. Maya-maya pa, bigla siyang tumakbo sa sink at nagsuka kaya napatakbo na rin ako patungo sa direksiyon niya. Sobra akong nag-aalala, ilang beses na siyang ganito simula nang mangyari lahat ng 'yon.

Maya-maya pa, natapos na siya kakasuka kaya binuksan ko yung gripo at hinayaang bumuhos ang tubig. I looked at her, nakapikit ang mga mata niya't para siyang nahihilo. Nakasandal lang siya sa lababo, nang biglang may tumulo na namang dugo sa damit niya.

Agad akong tumakbo papunta sa sala at kinuha yung tissue sa lamesa. Tinulungan ko siyang punasan yung ilong niya, pero pinalo niya lang yung kamay ko at para siyang naiirita. Maya-maya pa, muntik na siyang matumba dahil na-out of balance siya pero agad ko naman siyang nasalo. Sobra na 'kong nag-aalala sa kalagayan niya. Kasi kung buntis siya, hindi naman dapat dumudugo yung ilong niya.

"P-pumunta na kaya tayo ng hospital?" Sabi ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin. "Tumigil ka. Ayoko." Sabi niya't bumalik sa kinauupuan niya kanina. "Pero lumalala na 'yang pagdudugo ng ilong mo, pati 'yang hilo mo." Pagdadahilan ko naman.

"Ano ba Eros? Kelan ka ba makikinig sakin?" Galit na niyang sambit. "Sue lagi akong nakikinig sayo! At ngayon, ikaw naman dapat ang makinig sakin dahil hindi na maganda 'yang kalagayan mo. Hindi nga natin alam kung may sakit ka ba o ano." Maawtoridad kong sambit. "Ayos lang ako, Eros. Kakayanin ko 'to." Seryoso niyang sambit sakin.

"Nag-aalala lang naman ako sayo Sue!" Pasigaw ko nang sabi sa kaniya at bigla siyang napatayo. "Hindi mo kailangan! Alam mo, m-maghiwalay na lang kaya tayo? Mukhang wala nang magandang patutunguhan 'to." Sambit niya't dire-diretsong pumunta sa kwarto niya. Medyo natutumba-tumba pa siya pero na-manage niyang umakyat at ibinagsak pa ang pinto.

Napabuntong-hininga ako't naisipang pumasok na lang sa kwarto ko. Nang makapasok na 'ko, humiga agad ako sa kama't ipinikit ang mga mata ko. Maya-maya pa, may naalala ako kaya napatingin ako sa flower vase na nasa bedside table ko.

That rose... Naalala ko, Sue bought that and gave me. She said na hangga't buhay siya, buhay din yung rosas na 'to.

P-pero... Unti-unti nang nalalanta at nalalagas ang mga petals nito. Wala na ang dating sigla. Halos patay na ata 'to, at hindi na kulay pula 'di tulad ng dati.

Napaluha ako dahil sa naiisip ko't umupo ulit sa kama. "K-kukunin Mo na ba siya sakin ulit?" Tanong ko sa Kaniya. Dahil doon, mas lalo pang bumuhos ang mga luha ko.

"Napakadaya Mo! Kinuha Mo na sakin lahat... P-pati ba siya? Ulit? H-hindi ba pwedeng mas matagal ko naman siyang makasama this time?"

"Alam Mo bang pagod na pagod na 'ko? Lagi akong nasasaktan sa tuwing kukuhain Mo na siya sakin! Ano bang kasalanan ko? N-nagmamahal lang naman ako." Umiiyak kong sambit.

Pero ano, Eros? Sasayangin mo na lang ba yung mga natitirang araw kaka-mukmok dito sa kwarto mo? Gumawa ka ng paraan para maayos na 'to lahat!

Tumayo na 'ko't nagpunas ng luha. Agad akong lumabas ng kwarto't pumunta sa kwarto ni Sue. Pagkabukas ko ng pinto, may hindi magandang hangin ang umihip sakin. Tiningnan ko yung kama niya, pero wala siya do'n. Naglakad pa 'ko papasok, at nakita ko yung tela ng damit na suot niya.

"S-Sue?!" Nag-aalala kong sambit at agad na pumunta sa kinahihigaan niya. Nasa gilid siya ng kama, puno ng dugo ang ilong at wala siyang malay. Agad ko siyang binuhat at dali-daling naglakad palabas.

Sue kahit ayaw mo, ipupunta pa rin kita sa hospital.

HDSeries 1: Eros HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon