SUE'S POV
It has been hours since nung pinalayas ako kanina sa hotel. Pasalamat yung receptionist na 'yon, kinampihan siya nung manager. Wala man lang akong nadala maski yung typewriter ko. Eh ano pa nga bang silbi no'n eh tinakwil na rin naman ako ni Bill. Ano pa nga bang silbi ng pagtira ko dun sa hotel na yun eh wala rin namang kwenta dun. Mas masaya naman tumira dito sa kalye. Kasama mo yung mga batang-kalye, mas mapagkakatiwalaan pa nga sila kesa sa mayayamang tao na wala namang manners.
"Niloloko mo lang sarili mo, Sue." Sabi ko't napasabunot sa sarili kong buhok. Kanina pa 'ko nakaupo dito sa gutter habang nilalaro 'tong bato. Napabuntong hininga na lang ako, kasi hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Oo best friend ko si Aria pero ayaw ng Daddy niya na may nakikitira sa kanila. Minsan na rin kasi silang nanakawan, at ayaw na nilang mag-entertain pa ng homeless people. Hindi ko alam kung saan na 'ko pupulutin neto.
Maya-maya pa, may naramdaman akong tumabi sakin, kaya tiningnan ko siya. Isang batang babaeng may pink na hairband. Mga nasa 6 to 8 years old pa lang siya. Sobrang cute niya. May dala rin siyang libro na napakapamilyar sakin. She looked at the book, and then looked at my face. Ilang beses niyang inulit 'yon, at ngumiti.
"Ate? Diba po ikaw 'to?" Sabi niya't pinakita sakin yung litrato sa librong hawak niya. Hindi ako nagkamali, isa 'yon sa mga napublish ko nang libro noong mga nakaraang taon. Kada libro na napublish ko, may picture ako sa likod ng librong 'yon para kahit mawala na 'ko, at least alam nila kung ano hitsura ko.
"Wow... P-pa'no ka nagkaroon ng ganiyang libro?" Tanong ko sa kaniya. Iilan na lang tumatangkilik sa mga librong nagawa ko, o baka wala na. Kaya nakakagulat na isang bata yung may hawak ng libro ko. Nakakatuwa.
"Nakita ko po 'tong tinapon ng kapitbahay namin sa basurahan nila. Nasayangan po ako, edi kinuha ko po. Tapos po binasa ko lahat. Hindi ko po maintindihan pero binasa ko pa rin kasi alam ko po na maganda yung kwento." Sabi niya. Napaluha naman ako do'n.
"T-talaga? Pa'no mo nasabing maganda yung kwento kahit na hindi mo naiintindihan?" Tanong ko sa kaniya. "Hm, nabasa ko po kasi sa isang libro na kung may tiwala ka po sa gawa ng writer, kahit hindi mo maintindihan yung nasa libro niya, maganda pa rin para sayo yung kwento ng libro. Noong kinuha ko po ito sa basurahan Ate, tiningnan ko po yung picture niyo at sinabi ko na may tiwala po ako sa inyo. Kaya alam ko pong maganda yung kwento nito." Sabi niya't nginitian ako. Doon na bumuhos yung luha ko.
"Gusto ko rin po kasi maging writer paglaki ko. Gusto ko po maging katulad niyo." Sabi niya pa, kaya hinawi ko yung buhok niya. "Alam mo, maging writer ka. Pero 'wag kang gagaya sakin. Alam mo kung bakit? Kasi hindi ako naging magaling na writer. Sinayang ko yung opportunities na dumating, kaya heto ako ngayon. Maski sa sarili kong apartment, pinalayas ako." Sabi ko at tuluyan nang umiyak.
"Kahit na po. Gusto ko pa rin maging katulad ninyo. Kung para sa iba hindi kayo naging magaling, para sakin kayo po ang pinakamagaling na writer na nakilala ko. Sabi ng Mama ko, kapag daw umiiyak ang isang tao ibig sabihin no'n may problema siya. Alam niyo po tuwing umiiyak ako, lagi niyang sinasabi na makakaya ko rin 'to. Kailangan ko lang po maging matatag. Kaya ikaw po, nagtitiwala po ako sa inyo. Kailangan niyo pong maging matatag kasi may isang bata po na naniniwala sa kakayahan ninyo. At ako po 'yon." Sabi niya na ikinatuwa ko ng sobra. How come na ganito pa lang kaliit ay matured na magsalita?
"Nasa'n na ba Mama mo?" Tanong ko sa kaniya. "Nasa heaven na po. Sabi ni Papa, masaya na daw siya do'n." Diretso niyang sagot. Nalungkot naman ako. Parang parehas kami ng buhay nitong batang 'to. Wala na rin akong nanay at si Tatay na lang yung pamilya ko, iniwan ko pa siya.
"Alam ko na balang araw... Mahihigitan mo pa yung mga nagawa ko. Alam ko na paglaki mo, mas magiging magaling ka pa sakin. Kaya ipagpatuloy mo lang 'yan. Ako din, nagtitiwala sa kakayahan mo." Sabi ko sa kaniya't pinisil yung ilong niya, and she chuckled.
"Ay, tawag na po ako ni Papa. Uuwi na po kami. Bye na po, Ate! Sana makita ko po ulit kayo." Sabi niya't niyakap pa 'ko, saka siya tumakbo patungo sa direksyon nung lalaking nakangiti. Kahit papaano, gumaan yung loob ko sa mga sinabi niya. Ang sarap pala sa feeling 'pag may nagcocomfort sayo? Hindi ko kasi naranasan 'yon.
Ilang oras pa 'kong nagstay sa gutter, dinadaan-daanan lang ako ng mga tao, at nagsisimula nang dumilim. Hindi ko naman alam kung saan magpapalipas ng gabi. Wala rin namang waiting shed dito. Baka magdamag akong gising habang nakaupo dito sa gutter. Okay lang, masaya naman tingnan yung streetlights at headlights ng mga nagdaraang kotse.
Napatingin ako sa langit; walang bituin. Malakas din ang ihip ng hangin. Maya-maya pa'y naramdaman kong may tumulo sa braso ko. Noong una, inisip ko na wala lang 'yon. Pero habang mas tumatagal, mas lumalaki yung patak ng tubig at mas bumibilis.
Wala akong choice kundi ang tumayo at maghanap ng masisilungan noong narealize ko na naulan na pala. Pero maski sirang payong, wala akong nakita. Nagsimula nang magshare sa payong yung mga tao, habang ako, nababasa na. Deserve ko ba 'to? Siguro oo. For leaving Tatay. Napakasama kong anak dahil iniwan ko siya. Pero kung hindi ko sila iniwan, siguro mas wala akong naging kinabukasan sa kanila.
Patakbo akong naglalakad, naghahanap ng masisilungan. May mga puno, pero basa rin naman. Sumabay pa 'tong hilo na 'to, kaya habang naglalakad pagewang-gewang ako. Pakiramdam ko matutumba ako anytime.
Noong medyo napagod na 'ko kakatakbo, bumagal na yung lakad ko habang yakap ko ang aking sarili. Nilalamig na 'ko, at basang-basa na rin mula ulo hanggang paa. Nagdadalawa na rin yung paningin ko, at bigla na lang naging kulay itim ang lahat.
Ang naaalala ko lang ay yung headlight ng kotse na papalapit sakin. Pagkatapos noon, nawalan na 'ko ng malay.
BINABASA MO ANG
HDSeries 1: Eros Han
General FictionDo you believe in afterlife? Or in another life? Whatever you believe in, Mr. Han believes that Sue Floyd Lastimosa, the greatest writer, is destined to be with him, but not forever. They meet for a very short period of time, and will be separated a...