IKAAPATNAPU'T TATLONG KABANATA

2 0 0
                                    

EROS' POV

          I slowly opened my eyes. Sobrang labo ng paningin ko, at ramdam ko rin ang pag-agos ng dugo sa mukha ko. Pakiramdam ko'y sobrang maga ng mukha ko. Sobrang sakit.

Naalala ko yung nangyari kanina. Nakarinig ako ng putok ng baril bago ako mawalan ng malay.

T-teka, nasaan si Sue?!

Agad akong napatayo at inilibot ang aking paningin sa paligid. Nangilabot ako nang makakita ako ng dalawang taong nakahandusay sa lapag. Agad ko silang nilapitan, at doon na bumuhos ang luha ko na parang ulan.

"N-Nay Luz? K-Kuya Badong?!" Umiiyak kong sambit habang pilit na ginigising sila. Magkahawak ang mga kamay nila't magkaharap sila. Parehas silang may tama ng baril sa katawan.

"Nay Luz gising! D-diba birthday mo ngayon?!" Sigaw ko habang niyuyugyog si Nanay Luz. Tumingin naman ako kay Kuya Badong at saka siya niyugyog. "Kuya Badong! Tumayo ka na jan!" Malakas kong sigaw habang patuloy sa pag-iyak. H-hindi 'to totoo. H-hindi 'to pwede!

Agad kong sinuri ang pulso nila sa leeg at sa wrist, pero wala akong naramdaman. Dinikit ko rin ang tenga ko sa mga dibdib nila, pero wala akong narinig na pagtibok. Doon na 'ko mas lalo pang umiyak ng umiyak.

"E-Eros gising... Hindi totoo 'to... H-hindi totoo 'to!" Malakas kong sigaw habang hinahampas ang ulo ko. Hindi pwedeng mangyari 'to. H-hindi pa sila patay. Hindi pa... Hindi!

K-kailangan kong mahanap si Sue.

SUE'S POV

          Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko't tumingin sa paligid. Nasa ilalim ako ng isang malalim na swimming pool na walang tubig, nakahiga. Sa tantiya ko'y mga nasa 8-10 feet ito. Sobrang taas.

Nakita ko rin na nakatali ang mga kamay at paa ko sa isang malaki at mabigat na bakal kaya agad akong napa-upo. Sinubukan kong tanggalin yung tali, pero sobrang higpit ng pagkakatali sakin.

Maya-maya pa, may narinig akong mga naglalakad. Tapos biglang may sumilip, si Mark. "Good night baby." Sambit niya't itinapon sakin ng dalawa niyang tauhan yung lamang tubig ng dala-dala nilang timba. "Masarap ba magshower? Enjoyin mo na 'yan kasi mamaya magpapakasawa ka sa tubig." Sabi niya't tumawa.

"Anong ginawa mo kela Eros?!" Galit kong sigaw habang nakatingala sa kaniya, kaya tumawa siya ulit. "Easy ka lang! Kay Eros mo, wala akong ginawa. Pero doon sa dalawang matanda, sorry ha pero kasi nanlaban sila." Nakangiti niyang sambit kaya nagsimula nang magsitulo ang mga luha ko.

"Hayop ka talaga Mark! Hintayin mong mabulok ka sa impyerno bwisit ka!" Malakas kong sigaw na umalingawngaw sa buong paligid, pero tumawa na naman siya ng nakakaasar. "Alam mo, ang dami mong dada. Bakit ba ako yung sinisisi mo, eh hindi naman ako yung nagplano nito lahat?" Nakakaasar niyang tanong. "A-ano?" Naitanong ko na lamang pabalik.

Anong ibig niyang sabihin? So may kasama rin siyang demonyo na kauri niya?

Maya-maya pa, may biglang naglakad at sumilip din sakin dito sa baba. Nagulat ako nang makita ko siya. Yung red floral dress niya, mahabang buhok, at magandang mukha. Hinding-hindi ko 'to makakalimutan.

"S-Sin..."

HDSeries 1: Eros HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon