IKAANIM NA KABANATA

7 3 0
                                    

SUE'S POV

          I slowly opened my eyes and scratched it. Umupo ako sa malambot na kama, at narealize ko na hindi naman ganito kalambot yung kama ko, kaya tumingin ako sa paligid. White walls, white furnitures, white lahat. Kanino ba'ng bahay ang puro white lang? Malamang kay Mr. Han.

Wait... Kay Mr. Han?!

Agad akong napatayo at pilit inalala ang mga nangyari kahapon. Anong ginagawa ko dito?! Anong ginawa niya sakin?!

Teka— ang pinakaimportante dito, anong oras na!!!

Tumingin ako sa wall clock, at nakitang 6:48 AM na. Hala ka, ngayon ako magpapasa ng story kay Bill panot!

Agad-agad kong hinahanap kung nasaan yung sandals ko at yung mini-bag na dala ko kahapon. Wala na 'kong pake kung ano hitsura ko o kung mabaho ba yung hininga ko, basta kailangan ko makauwi ngayon!

Tumakbo na 'ko palabas ng bahay at ng subdivision, at saka pumara ng taxi. Medyo may kalayuan yung subdivision nila sa apartment ko kaya hindi ko kakayanin kapag tinakbo ko lang.

Nang makababa na 'ko sa taxi, dali-dali akong tumakbo papasok ng building dahil sa pagmamadali. Nakalimutan ko pa ngang magbayad eh.

Pagkapasok ko sa apartment ko, agad kong inipon lahat ng drafts na sinulat ko at nilagay lahat ng iyon sa mas malaking shoulder bag. Hindi ko na alam kung ano ang pagkakasunod-sunod no'n, basta kailangan kong makaalis ng maaga kasi 8:00 lang ng umaga yung deadline ko.

Hindi na 'ko nagbihis. Kinuha ko yung pants ko at sinuot. Tinuck-in ko na lang yung skirt ng dress dahil sa pagmamadali. Wala na 'kong oras pa para magbihis dahil medyo may kalayuan din ang office ng panot na 'yon, aabutin ako ng ilang oras kakabiyahe. Kumuha din ako ng cardigans at sinuot 'yon. Ganito talaga ako kapag nagmamadali, sino ba namang hindi? Trabaho ko nakasalalay dito!

Patakbo akong lumabas ng building, dali-dali akong pumara ng taxi. Pero nung ichecheck ko na yung bag ko, wala dito yung pera ko! Naalala ko, nasa mini-bag ko pala 'yon!

"Bwisit naman Sue! Bakit mo pa kinalimutan!" Naiinis kong sambit sa sarili ko. Babalik pa ba 'ko sa taas o 'wag na? Babalik o 'wag na?

"Siyempre babalik! Bwiset!" Sigaw ko at saka tumakbo ulit papasok ng building. Napapagod na 'ko pero keri 'to.

Naghintay ako para sa elevator pero bigla nila 'yong nilagyan ng sign na bawal gamitin kasi nagkaproblema daw. Kanina naman ayos 'to ah?! "Ngayon paaaaaa?!" Naiinis ko nang sigaw. Wala na 'kong pake kung pagtinginan ako ng mga tao, 7:28 na!

Wala akong choice kundi ang umakyat sa hagdan. Kahit na nasa 7th floor pa yung apartment ko, wala na 'kong pake. Kailangan kong gawin 'to.

5th floor, tagaktak na yung pawis ko. Pati kilikili ko may pawis na rin. Sobrang pagod na rin ako kaya umupo muna ako sa isang baitang. "Ano ba naman 'yan, Sue! Sabi sayo walang magandang madudulot yung lalaking 'yon sayo eh! Simula ngayon, 'wag mo nang papansinin 'yon! Bwiset talaga!" Sigaw ko at saka nagpunas ng pawis. Nang medyo okay na 'ko, tumakbo ulit ako paakyat.

Nang makarating na 'ko sa loob ng kwarto ko, kinuha ko yung pera sa mini-bag ko. mga nasa 1k din ata 'to, saka iyon nilagay sa maliit na parang bulsa ng shoulder bag ko.

Lumabas ulit ako, sinarado yung pinto, at palabas na ulit ng building. Wala ulit akong choice kundi ang bumaba gamit yung hagdan.

Nang makababa na 'ko, agad akong pumara ng taxi at sumakay. Tiningnan ko yung mukha ko sa may salamin ng kotse, at ang haggard ko na, sobra. Puro pawis na 'ko at ang gulo ng buhok ko. Mukha akong stressed na stressed na, pero okay lang 'yan. Wala naman akong pake sa physical appearance ng tao.

Nang ibaba na 'ko nung taxi driver, nagbayad na 'ko sa kaniya. Medyo malayo pa yung lalakarin ko papuntang train station kaya binilisan ko na.

Umakyat ako sa overpass para makatawid papunta sa kabila. Medyo bumagal ako maglakad kasi sobrang pagod na talaga 'ko, tapos may narinig akong mga taong nagtatawanan sa likod ko pero hindi ko sila pinansin. Malamang, normal lang naman na may tao sa likod ko, hello, overpass 'to.

Maya-maya pa, biglang tumunog yung phone ko kaya agad ko itong kinuha. Tumatawag si Aria kaya sinagot ko ito agad. "Hello?" Tanong ko sa kaniya. "Hello Sue? Nasaan ka ba? Pumunta ako kela Mr. Han pero wala ka na raw do'n." Nag-aalalang sambit ni Aria sa kabilang linya.

"Maaga akong umalis kasi ipapasa ko na kay Bill yung story ko." Sabi ko at bahagyang tumigil sa paglalakad nang biglang may nagsalita.

"Ang bagal namang maglakad Ale." Sabi ng kung sino at binato ako ng bolang pang-basketball sa likod, kaya lumingon ako sa kanila. Pito silang mga nasa edad 17, tatlong babae at apat na lalaki. Gumulong lang yung bola papunta sa gilid, pero hindi siya nahulog sa overpass dahil sa nakaharang na rails.

"Oh, anong tinatanga-tanga mo jan 'te? Akin na yung bola ko." Seryoso niyang sambit. "Hello Sue? Ano 'yon? Sino umaaway sayo?!" Sabi ni Aria sa kabilang linya.

"A-ah, tatawagan na lang kita mamaya Aria. Bye." Sabi ko habang kinukuha yung bola gamit yung isa ko pang kamay. Binaba ko na yung telepono at kasalukuyang hawak yung bola.

"Akin na! Ibigay mo na sakin 'yan! Ang bagal mo!" Sigaw niya sakin. Ang kapal ng mukha neto. Hindi ko naman siya nanay para utus-utusan ako ng gano'n lang.

Dahil sa inis, binato ko yung bola sa kabilang side ng overpass. Pasalamat siya hindi ko naisipang ihulog na lang.

Halatang nagulat siya dahil sa ginawa ko, kaya siya lumapit sakin. "Bakit mo ginawa 'yon ha?! Hindi mo ba kilala kung sino ako?!" Malakas niyang sigaw sa mukha ko. "Ang lakas ng loob mo!" Sigaw niya ulit at saka ako tinulak. Sinenyasan niya yung mga kasama niyang lalaki para lumapit sa amin.

Pagkatapos no'n, pilit niyang hinablot yung shoulder bag ko. Ayaw ko sana ibigay kaso mas malakas siya kesa sakin. "Ano laman neto, huh?" Sambit niya't itinaktak yung laman ng shoulder bag ko sa lapag. Nagkalat yung mga papel, tapos yung iba nahulog pa sa baba ng overpass.

"Tumigil ka na please, kailangan ko 'yan sa trabaho ko!" Naluluha ko nang sambit pero huli na nung nakuha ko yung shoulder bag ko kasi wala nang laman. Pagkatayo ko, nahulog ko yung phone ko tapos nung kukunin ko na sana 'yon, bigla niya 'kong tinulak ulit.

"Dapat ganito ginagawa dito!" Sabi nung isa pa'ng lalaki at pinagtatapakan yung phone ko. Nandoon yung iba ko pang mga drafts! Pisteng buhay naman 'to!

Umiiyak akong pinulot isa-isa yung mga nagkalat na papel malapit sakin, pero yung isang lalaki pa, hinablot niya sakin 'yon at pinagpupunit, saka inihagis sa itaas na parang confetti.

Wala na 'kong magawa kundi ang humagulgol. Ilang buwan ko 'yan pinaghirapan, nagpuyat ako para lang masulat lahat ng 'yan, tapos eto lang yung kahihinatnan ng lahat? Maski drafts ng story sa phone ko, wala na rin!

Nakaupo lang ako habang pinagmamasdan ang mga punit na papel na para bang naka-slowmo kung bumagsak sa lapag. Nawalan na 'ko ng lakas para kumilos. Yung mga babaeng kasama nila, nagtatawanan pa. Hindi ko na kaya. Hindi na...

"Tigilan niyo na 'yan." Sambit ng kung sino man 'yon. Wala na 'kong makita kasi blurred na yung paningin ko dahil sa luha, pero alam ko kung sino 'yon.

Sabi na nga ba, kapag nandiyan siya laging malas yung araw ko.

HDSeries 1: Eros HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon