SUE'S POV
"Okay ka na?" Tanong ni Eros sakin habang nakahawak sa bewang ko. Tumango naman ako't bumuntong hininga. Nandito na kami sa burial nila Nanay Luz at Kuya Badong. Few days after nilang mawala, sobrang daming nangyari.
Nahuli na si Mark at nakakulong na ngayon. Si Aria, natagpuang patay sa ilalim ng pool habang may nakasabit na hose sa sandals niya, dahilan para malunod siya. Sila Nanay Luz at Kuya Badong, may tama ng baril sa katawan, loss of blood ang dahilan ng pagkamatay nila. Napabuntong hininga ulit ako't ipinikit ang mga mata ko. Rinig ko kung pa'no humagulgol ang pamilya nila Nanay Luz at Kuya Badong. Hindi ko na rin napigil ang luhang tumulo sa mata ko.
"Gusto mong magpahinga muna?" Tanong niya ulit kaya tiningnan ko siya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Kahit pa may gasa sa mukha niya at mga band aid, ang gwapo niya pa rin.
Nginitian ko siya at saka tumango ulit. Nagsimula na siyang magpaalam sa mga kaanak nila Nanay Luz at Kuya Badong, at hinatid na niya 'ko sa kotse. Pinagbuksan niya 'ko ng pinto at sumakay na 'ko.
Nang makauwi na kami, pinagbuksan niya ulit ako ng pinto ng kotse at pumasok na kami ng bahay. Pero pagkapasok na pagkapasok ko, bigla akong nahilo kaya ako natigilan sa paglalakad. Hindi ko alam kung bakit, may tumulo ring dugo sa ilong ko. Pagkatapos no'n, hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari.
—
EROS' POV
"Hi baby." Mahina kong sambit habang pinapanood si Sue na kumilos ng bahagya. She gently opened her beautiful eyes and looked at mine. "Kamusta nararamdaman mo? May... May masakit ba sayo?" Mahinahon kong tanong sa kaniya. Umupo siya't inalalayan ko naman siya.
"Okay ka na ba?" Tanong ko ulit habang sobrang nag-aalala sa kalagayan niya. Kanina kasi, bigla na lang siyang nahimatay at nagno-nosebleed din siya kaya binuhat ko siya papunta dito sa kwarto ko.
She nodded and smiled at me. I cleared my throat at umayos na rin ng upo. "May gusto ka bang kainin? N-nagugutom ka ba? Ipaghahanda kita ng makakain." Sabi ko sa kaniya, pero she just snobbed me at saka muling humiga.
"Gusto ko na ulit magpahinga Eros. Matulog ka na rin." Seryoso niyang sambit at niyakap yung unan na nasa tabi niya. I kissed her ear, and her neck pero tiningnan niya lang ako ng masama. "Eros ano ba? Diba sabi ko gusto ko na magpahinga?" Naiinis niyang sambit so I pouted.
"Gusto lang naman kita lambingin. I missed you kahit pa lagi tayong magkasama." Nakapout kong sabi. Alam kong hindi niya 'to matatanggihan, pero mali ako. Bigla niya 'kong inirapan at tinalikuran ulit ako. I sighed and smiled.
"Good night love." I said, but she didn't responded. Sobrang nakakapanibago. Dati naman kapag naggo-good morning at good night ako, sasagutin niya rin ako. Pero ngayon, hindi na.
Bakit ganito na siya? Minsan hindi ko na rin siya maintindihan. Minsan gusto niya yung lambing ko, pero madalas eh naiirita siya. Madalas na ring nagdudugo ang ilong niya't sobrang tamlay na niya. Hindi ko alam kung may sakit ba siya o ano, na maski kapag kumakain kami pinaglalaruan niya na lang yung nasa plato niya. Paiba-iba siya ng mood at personality, ewan ko ba. Kanina kung hindi ko pa siya pinilit na pumunta sa burial nila Nanay Luz at Kuya Badong, hindi pa siya pupunta eh.
BINABASA MO ANG
HDSeries 1: Eros Han
Aktuelle LiteraturDo you believe in afterlife? Or in another life? Whatever you believe in, Mr. Han believes that Sue Floyd Lastimosa, the greatest writer, is destined to be with him, but not forever. They meet for a very short period of time, and will be separated a...