IKADALAWAMPU'T TATLONG KABANATA

2 0 0
                                    

SUE'S POV

          "Mahal, may malay na siya." Sambit ng pang-babaeng boses habang unti-unting kong minumulat ang aking mga mata. Kumilos ako ng bahagya, pero sobrang sakit ng katawan ko.

Nang medyo nakakaaninag na 'ko, nakita ko yung babaeng maganda. Naka-messy ponytail yung buhok niya, naka-uniform, sobrang ganda niya't sobrang puti. Nasa langit na ba 'ko? Mukha siyang anghel.

"Miss? Naririnig mo ba 'ko?" Tanong niya habang may pinupunas na towel sa mukha ko. Dahan-dahan akong tumango habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniya. Sobrang ganda niya kasi.

Maya-maya pa, may dumating na lalaki. Matangkad siya at maputi rin. May dala siyang tray ng pagkain, at inilapag 'yon sa bedside table. Maganda 'tong kwarto nila, color white ang pintura at gold ang mga furnitures. Napakagandang tingnan.

"Ano? Kamusta pakiramdam mo?" Malumanay na tanong nung babae kaya tiningnan ko ulit siya. "O-okay lang..." Nauutal kong sambit at saka pinilit na umupo, pero hindi ko kaya talaga.

"'Wag mo muna pilitin yung sarili mo. Baka kung ano pa mangyari sayo." Sabi naman nung lalaki. Napakaganda ng boses niya, ang sarap pakinggan. Yung babae naman, nanatiling nakaupo sa kama katabi ko, habang pinupunasan ng towel yung mukha ko.

"Mahal, ako na magpapakain sa kaniya. Sige na, pumasok ka na sa trabaho mo." Mahinhing sabi nung babae at hinalikan naman siya nung lalaki sa labi, at saka ito lumabas ng kwarto.

Tumingin sakin yung babae at saka siya ngumiti. "Sorry, siguro nagtataka ka kung bakit ka nandito sa bahay namin. By the way, ako nga pala si Sin. Tapos yung lalaki kanina, si Caspian." Malumanay niyang sabi at saka pinunasan ulit ako ng towel.

"Nandito kasi kami sa bahay kagabi, tapos biglang may nag-doorbell. Nung buksan namin yung gate, nakita ka namin na nakahiga do'n. Sobrang dami mong dugo sa katawan kaya pinasok ka namin dito. Anong pangalan mo?" Tanong niya.

"S-Sue." Maiksi kong sagot. Sobrang hinahon niyaaa, tapos ang ganda-ganda pa. Naiinggit ako na natutuwa kasi feeling ko sobrang bait niya. Tapos ako, ang pangit-pangit ko.

"Ang ganda naman ng pangalan mo, parang ikaw." Sabi niya't tumawa.

'Wag mo 'kong banatan 'te, baka makalimutan kong straight ako. Ang ganda mo pa naman, nako.

"Uhm, gusto mo na bang kumain? Nagugutom ka na ba? Nagpahanda na 'ko ng pagkain kay Caspian." Sabi niya, at tumango lang ako.

"Teka dagdagan natin yung unan mo." Sambit niya ulit at saka inalalayan ako. Kinuha niya yung porridge sa tray, at saka ako pinakain. Kada kutsara niya ng lugaw, iniihipan niya bago ipakain sakin. Ang bait, soaper.

Habang pinapakain niya 'ko, nagkukwento din siya. Nalaman ko na teacher pala siya, kaya pala nakasuot siya ng uniform ng teacher. Tapos si Caspian naman, principal sa school na pinagtatrabahuan niya. Sabi niya, unwanted child daw siya kaya Sin yung pinangalan sa kaniya, pero sobrang layo ng pangalan niya sa personality niya. Para talaga siyang anghel. Sobrang malumanay niya magsalita, tapos palatawa pa. Siguro ang swerte ni Caspian sa kaniya. Sabi niya pa, hindi siya pumasok ngayon para alagaan ako.

Nang maubos ko nang kainin yung lugaw, pinainom niya na 'ko ng tubig. Napansin ko na puro sugat yung kamay at braso ko, pero may mga band aid na. Yung malaking sugat ko sa ulo, may gasa na. Sobrang napaka-alaga nila.

"Sige, magpahinga ka na lang jan ha? Magbibihis lang ako. Bye!" Nakangiti niyang sambit kaya tumango ako. Sobrang sakit ng katawan ko, pakiramdam ko durog na lahat ng buto ko.

Bwisit ka Eros. Nasaan ka na ba?

HDSeries 1: Eros HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon