IKATATLUMPU'T ISANG KABANATA

1 0 0
                                    

SUE'S POV

          Tapos na kaming magdinner. As usual, kasalo namin sila Nanay Luz at Kuya Badong, tapos umakyat na kami dito ni Eros sa kwarto ko. Ewan ko kung ba't dito kami tumatambay eh mas maganda naman yung kwarto niya kesa dito.

Nakahiga kami sa kama, habang hawak-hawak ko yung dalawang stuff toy; sila Choco and Vani. Kanina pa kaming dalawa nagkukulitan at nagtatawanan kasi loko-loko siya. Tapos after no'n, tumunog yung phone niya kaya kinuha niya 'yon. Nagscroll-scroll lang siya, tapos may kachat siya. Ang bilis niya nga magtype eh.

Hindi ko na siya inabala. Baka kasi mamaya, importante pala 'yan tapos iniistorbo ko siya. Baka magalit lang siya sakin eh.

Ilang minuto na rin siyang hindi nagsasalita dahil sa kakapindot ng phone niya pero hindi naman ako umimik. Alam ko naman na kaya lang nai-interrupt yung landian namin ay dahil sa mga importanteng bagay. Naiintindihan ko naman, malay mo sa trabaho niya 'yan diba?

Maya-maya pa, may tumawag sa phone niya kaya napaupo siya bigla't tumalikod sakin. "Hello Tita?" Tanong niya sa kabilang linya. Hindi ko masiyadong marinig yung sinasabi ng tao sa telepono kaya hindi ko alam kung ano pinag-uusapan nila.

Mukha siyang nag-aalala. Siguro may nangyari sa mga kamag-anak niya? Tita kasi sabi niya eh.

"Ano po bang nangyari?" Tanong niya ulit at nakinig ng mabuti sa sinasabi ng kausap niya sa telepono kaya nagsimula na rin akong kabahan. Parang hindi maganda yung tono ng boses niya, parang may hindi magandang balita na sinabi sa kaniya yung kausap niya.

"S-sige po, pupunta na po ako jan." Sambit niya't inilapag ang phone niya sa table habang ako'y nakaupo sa kama't nakatingin lang sa kaniya, naghihintay na iexplain niya sakin kung ano ang nangyayari.

Dali-dali siyang lumabas ng kwarto habang ako, puzzled pa rin ang utak. Ano bang nangyari? Nag-aalala tuloy ako, ngayon ko lang siya nakitang mabalisa ng ganito maliban na lang kapag tungkol sakin.

Napabuntong hininga ako, at saka napatingin sa kisame. "Lord, sana okay lang po yung kung sinoman ang pupuntahan niya." Nag-aalala kong sambit at saka tumingin kela Vani at Choco.

Napagawi naman ang tingin ko sa phone niyang nasa bedside table. Wala naman sigurong masama kung titingnan ko 'to ng saglit 'diba? Curious lang talaga 'ko kung sino yung pupuntahan niya. Hindi naman ata siya magagalit?

I picked up his phone and opened it. Walang password. Agad kong tiningnan ang chats sa kaniya. Unang-unang nasa chatlist niya ay si Tita Mildred. Mama ni Aria. Bakit kaya? Pinindot ko yung conversation nila't ito ang usapan nila:

Tita Mildred: Eros anak, may ginagawa ka ba ngayon?

Eros: Kasama ko po si Sue. Bakit po?

Tita Mildred: Kasi...

Eros: Kasi po?

Tita Mildred: Pwede ka bang pumunta dito? Nag-aalala na 'ko kay Aria. Simula nung umalis ka dito, hindi na siya lumalabas ng kwarto niya. Nakalock eh, kaya baka ikaw lang yung makakapagpalabas sa kaniya. Teka tatawagan kita para maexplain ko ng maayos sayo.

Napatakip na lang ako sa bibig ko. Ano bang nangyayari kay Aria? Tuluyan na ata siyang nabaliw dahil sa Mark na 'yon eh!

Inilapag ko na yung phone ni Eros sa table at tumayo na. "Vani, Choco, babalik din ako mamaya. May pupuntahan lang ako ha?" Sabi ko sa kanila't dire-diretsong lumabas ng kwarto. Agad akong pumunta sa baba at nakita si Nanay Luz at Kuya Badong na nagkukulitan sa sofa.

"Kuya Badong, pahatid naman sa bahay ni Aria." Sabi ko sa kaniya at saka dire-diretsong lumabas ng bahay. Nakasunod naman siya sakin, at saka ako pinagbuksan ng pinto ng kotse. Sumakay na rin siya't nagsimula nang magdrive.

Nabubuhayan na naman ako ng loob. Nagiging motivated na naman ako, kasi iniisip ko na ito na naman siguro yung chance para magkabati kami. Para maayos yung sa amin ni Aria. Sana wala nang humadlang pa, kasi gusto ko na talagang maayos kami. Oo, kahit napag-iisipan ko siya ng masama, mahal ko pa rin siya bilang kaibigan at kapatid ko na rin. May pinagdaanan din kami, at kung 'di dahil sa kaniya'y hindi ko makikilala si Eros Han. Kaya baka ito na, ito na talaga yung perfect timing.

"Anong meron? Alas-nwebe (9:00) na ng gabi ah, bakit kayo pupunta ni Ser Eros sa bahay ni Aria?" Tanong niya. "Ah, m-may gagawin lang po. Sorry naistorbo ko po ba kayo?" Sabi ko sa kaniya't napatawa naman siya. "Nako hindi. Kinukulit ko lang naman si Nanay Luz mo eh." Sabi niya't kinilig. Ang kulit talaga nilang dalawa, nakakatuwa.

"Hayaan niyo po, next time mag-aaral na 'kong magdrive para hindi niyo na po ako kailangang ipagdrive." Pabiro kong sambit at tumawa naman siya.

Ilang saglit lang, nakarating na kami sa bahay nila Aria. Bumaba na 'ko ng kotse, pero hindi na 'ko nag-abalang pumasok ng bahay o ng gate man lang. Napatingin ako sa saradong bintana sa kwarto ni Aria, kasi may mga anino ng tao do'n. Nung una parang nagkakagulo sila, pero maya-maya pa'y nagsialisan na sila. May isang babae't isang lalaki na natira sa loob. Base sa ayos ng buhok ng lalaki, alam kong si Eros 'yon. Besides, wala naman nang ibang pinapapasok sila Tito at Tita sa bahay nila na ibang lalaki maliban kay Mark, at Eros.

Nakita kong pilit siyang niyayakap nung anino ng babae pero pilit niyang pinapalayo yung babae sa kaniya. Maya-maya pa, biglang naglapit yung mukha nila.

Hinalikan siya nung babae, at hindi naman siya pumalag.

"Tara na Kuya Badong, balik na tayo sa bahay." Sabi ko kay Kuya Badong at pumasok na ulit ng kotse. Nanatili lang siya sa loob ng kotse eh, hindi siya bumaba.

"Hindi ka ba papasok man lang?" Tanong niya pero umiling lang ako. "Hindi na po. Tara na." Sambit ko naman sa kaniya.

Bigla akong nawala sa mood. Hindi ako nagtatamang-hinala lang. Alam kong siya talaga 'yon, dahil wala naman siyang ibang pupuntahan kundi kela Aria lang.

Habang nagdadrive siya pauwi, biglang may babaeng dumaan sa harap ng kotse namin. Nabundol siya ni Kuya Badong kaya bigla kaming nagtinginan. Agad-agad siyang lumabas, pati ako ay napalabas na rin. Nakita namin yung babaeng nakahandusay sa lapag, may dugo siya sa ulo at walang malay. Mahaba ang buhok niyang kulay itim, payat siya't namumutla.

"Kuya Badong, dalhin natin siya sa hospital!" Sabi ko kay Kuya Badong kaya dali-dali niyang binuhat yung babae at ako nama'y binuksan ang pinto sa backseat. Doon niya nilagay yung babae, tapos ako umupo sa tabi ng driver's seat.

Nagdrive na siya palabas ng subdivision at pumunta sa pinakamalapit na hospital. Ilang beses ko nilingon yung babae at chineck kung may pulso pa ba siya. Sa tantiya ko kasi, napalakas yung pagkakabundol ng kotse sa kaniya. Natatakot ako, baka makasuhan pa kami ni Kuya Badong, pero thank God kasi buhay pa naman siya. Wala lang malay.

HDSeries 1: Eros HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon