EXT. UMA ROAD – NIGHT
Busog na maglalakad ang sampu. Maglalakad sila mula sa Nenang's Karaoke Hub papunta sa Uma Road. Si Owen at Aman, na nakahawak naman sa kamay ni Renelyn, ang mangunguna.
AMAN: May shortcut pala rito papuntang Sebastian?
OWEN: Nalaman ko lang 'to dahil sa barkada ko no'ng elem. Dito na ako laging naglalakad.
RENELYN: Buti di ka natatakot sa Teatro Uma?
OWEN: Sus. Haka-haka lang 'yon. Dumadaan kami, pero parang normal lang na theater. Wala nga lang masyadong pumupunta. Nakapasok na nga ako ro'n, e. Parang mall pero dire-diretso lang. May stalls sa entrance, pero wala namang makikita. Umalis kami kaagad ng mga kaibigan ko no'ng wala namang arcade. Sinabi ko 'yon sa kuya ko, tapos nanood sila ng barkada niya dati.
Hahabol sina Evon, Echo, at Maan sa tatlo. Nasa likuran naman nila sina Eriol, Sapphire, Niana, at Diana.
EVON: Ba't kaya nagbubukas pa 'yon, ano? Buti kumikita pa.
AMAN: Pero di ba weekends lang? Pang-attract nga raw sa mga turista.
OWEN: Sabagay, kahit ako, sasabihin ko na haunted kunwari ang isang lugar tapos pagkakakitaan ko na lang.
MAAN: Tsismis nga na kabit ng mayor may-ari kaya raw buhay pa.
RENELYN: Gago, seryoso? May gano'n?
EVON: O, akala ko ba weekends lang? Ba't bukas ngayon?
Mapapatigil ang anim sa may daan na makikita ang Teatro Uma mula sa malayo. Hahabol naman apat sa kanila. Mapapatitig lahat sila dahil makikita nilang may mga ilaw.
NIANA: Parang may taong pumasok.
AMAN: So bukas nga?
DIANA: Ayoko diyan. Doon na lang tayo sa Sebastian!
OWEN: Nakapasok na 'ko diyan, Diana. Wag ka maniwala. Tsaka marami nang nakapasok diyan. Joke time lang talaga mga haka-haka.
MAAN: E, kaysa maglakad tayo, baka may movie?
Kukuhanin ni Sapphire ang cell phone niya at titingin ng mga movie na maaaring makita Teatro Uma, ngunit walang website.
SAPPHIRE: Unless na puntahan natin, di natin makikita. Wala silang website.
AMAN: Anong oras na ba?
RENELYN: Eight forty-five na, babe.
ECHO: O, gago, di na tayo aabot sa 9:15 sa Sebastian. Gago 'tong si Eriol. Fifteen minutes ka pa, ha!
ERIOL: Mabagal lang kayo maglakad, mga ungas.
DIANA: E di, bukas na lang!
MAAN: Andito na tayo, e. Tingnan na lang natin. Kung wala, e di, no choice. Bukas na lang.
SAPPHIRE: Alam ko na. Kung wala, may Netflix kami sa bahay. Puwede overnight sa 'min.
OWEN: Puwede namang mag-overnight kahit meron. After party ba.
SAPPHIRE: Puwede rin.
AMAN: Game!
DIANA: Uuuy! Papagalitan na talaga ako n'on! Di ba kayo hahanapin ng mga magulang ninyo?!
RENELYN: Hahanapin, pero sasabihin ko na huling mga araw ko na nga bilang senior high. Ano namang i-enjoy ko, di ba?
EVON: Di pa nga ako hinahanap ng mga magulang ko, e.
ERIOL: Ako rin.
ECHO: Ako rin two.
Ituturo ni Echo si Maan gamit ang ball pen na nasa tenga niya, pahiwatig na siya naman ang susunod na magpapaliwanag.
MAAN: Nag-text na ako sa 'min. Walang reply. Galit mga 'yon. Pero wala naman na silang magagawa. Ga-graduate na ako, ano ba. Laki-laki na natin, e. Legal na nga ako.
RENELYN: Itong si Diana! Wala naman na magagawa mga parents natin kung nando'n na tayo.
DIANA: P-pero guys—
NIANA: Ako bahala okay? Sasamahan kita pag-uwi sa inyo.
DIANA: Paano damit?
SAPPHIRE: Mga girls puwede ko pahiramin ng pantulog. Mga guys . . . sanay naman na silang mabantot.
ERIOL: Baka ikaw.
SAPPHIRE: May sinasabi ka, Erio-nola?
ECHO: Hay nako. The more you hate, the more you love.
SAPPHIRE: In your face.
Maglalakad ang sampu papalapit sa Teatro Uma. Magte-text si Sapphire kina Lucille at Argon: Sa Uma kami. Baka sa last full show na lang. Malapit lang naman hehe kung gusto ninyo humabol. Then overnight party na lang sa amin. Kahit man lang doon, sana makasama kayo!
BINABASA MO ANG
Last Full Show
HorrorKasabihan na ang huwag nang gagala bago mag-graduation kundi may mangyayaring masama. Pero para sa graduating members ng theater club sa San Juan Senior High School, haka-haka lang ito. Magpapasya silang manood sa Teatro Uma, isang di-kasikatang pa...