INT. DIANA AND EVON'S SEAT, MAIN THEATER, TEATRO UMA – NIGHT
Ikalawang trailer na ang inilalabas at mararamdaman ni Diana ang lamig. Pipigilan niya ang ihi dahil ayaw niya sanang magbanyo mag-isa, pero sa katapusan ng trailer. Titingnan niya si Evon na kumakain ng popcorn, ibubuka ang bibig sana para magpasama, pero pipigilan niya ang sarili.
Kukunin niya ang cell phone sa bag niya at ite-text sana si Niana, pero walang signal sa loob ng teatro.
DIANA: May signal ka?
Titingnan ni Evon ang cell phone niya.
EVON: Oo. Pero isa lang.
DIANA: Sa 'kin wala. Pa-text ako.
EVON: Regular load lang 'to. Anong pante-text ko kapag hinanap ako?
DIANA: Damot. Isa lang, e!
EVON: Para sa'n ba? Baka sa network mo 'yan. O sa cell phone.
DIANA: Oo na, rich kid ka na. Free Messenger na lang, baka naman?
EVON: Isa nga lang signal. Hindi maglo-load Messenger dito.
DIANA: Kainis.
Ilalagay ni Diana ang cell phone niya sa bulsa at tatayo.
EVON: Sa'n ka punta?
DIANA: Kay Niana sana. Magpapasama sa banyo.
EVON: Ang laki-laki mo na, magpapasama ka pa?
DIANA: Paki mo ba? Sa 'yo ba 'tong pantog?
EVON: E nasa kabilang dulo pa sila, o. Kung magmamadali ka, maaabutan mo pa 'yong umpisa ng sine. Kung pupuntahan mo pa siya, baka parehas n'yo di maabutan. Nandamay ka pa.
DIANA: O-oo na. Basta pabantay ng gamit.
Mabilis na tatakbo si Diana pababa ng teatro, at do'n niya mamamalayan na wala sina Owen at Maan sa upuan nila. Naglalakad siya palabas nang makasalubong niya ang janitor na nasa may tapat ng emergency exit.
DIANA: Sa'n po CR?
JANITOR: Do'n din kung saan kayo pumasok.
DIANA: Thank you po.
Sa paglakad ni Diana papunta sa CR, lalabas sa emergency exit ang janitor.
BINABASA MO ANG
Last Full Show
HorrorKasabihan na ang huwag nang gagala bago mag-graduation kundi may mangyayaring masama. Pero para sa graduating members ng theater club sa San Juan Senior High School, haka-haka lang ito. Magpapasya silang manood sa Teatro Uma, isang di-kasikatang pa...