INT. ARCADE, TEATRO UMA - NIGHT
Makikita nina Lucille at Argon ang pinto sa arcade na may nakalagay na Open. Papasok sila at mapapansing walang kahera pero bukas ang mga makina.
ARGON: Ayos. Makakatambay tayo sa de-aircon tapos makakalaro pa.
LUCILLE: Buti pinapasok tayo, ano?
Unang pupuntahan ni Lucille ang makina na may logo na tila mukhang Pacman, pero imbes na dilaw ay itim. Magpapasok si Lucille ng limang piso, ngunit lalabas lang ito. Tatayo siya at aakalain baka sira ang makina, pero magugulat siya nang biglang tutunog ang Start!
Magugulat siya dahil tila ibang version ng Pacman ang lalabas. Itim ang kulay nito at hindi dilaw, at imbes na maliliit na tuldok ay mga emoji na babae at lalaki.
LUCILLE: Luh, ano ba 'to?
Lalapit si Argon.
ARGON: Bakit?
Makikita niya na gano'n ang setup ng laro. Si Argon ang gagalaw ng controls at matutuwa sa laro.
ARGON: Nag-iba lang ang image.
LUCILLE: Weird lang.
Titingnan ni Lucille ang ibang mga makina habang naglalaro si Argon. Makikita niya ang photobooth. Papasok siya rito at makikita na hindi kailangan magpasok ng barya o kard.
OPERATOR: Are you ready? Pose for a cute picture!
LUCILLE: Hala! Teka wala naman akong—
3
2
Mapipilitan na lang ngumiti si Lucille.
1
Makukuhanan siya ng litrato.
OPERATOR: Pose for one more!
3
2
Mag-iisip si Lucille ng ipo-pose at matataranta, pero ngingiti lang siya ulit.
1
OPERATOR: Great! Now for you l-la-lo-last . . . last picture!
Magugulat si Lucille panandalian dahil sa pag-utal ng makina—malaki at tila paos ang boses. Magbabalik naman ang boses sa dati, kaya't ngingiti siya ulit.
3
2
1
OPERATOR: Wait a minute! Your pictures are will be out soon!
Hihintayin ni Lucille ang mga litrato. Sisilip siya sa labas at matatagpuang naglalaro pa rin si Argon.
OPERATOR: Your pictures are ready!
![](https://img.wattpad.com/cover/241651531-288-k586157.jpg)
BINABASA MO ANG
Last Full Show
HorrorKasabihan na ang huwag nang gagala bago mag-graduation kundi may mangyayaring masama. Pero para sa graduating members ng theater club sa San Juan Senior High School, haka-haka lang ito. Magpapasya silang manood sa Teatro Uma, isang di-kasikatang pa...