INT. MAIN THEATER, TEATRO UMA – NIGHT
Papasok ang sampung estudyante at makikita kung gaano kalaki at kalawak ang teatro, na parang ginawa talaga ito para sa maramihang manonood. Mukhang nahahati sa tatlong grupo ang buong teatro, at may anim na upuan kada row.
OWEN: Ano, kanya-kanya ng upuan? Dapat malayo-layo! Tingnan natin kung sino-sino matapang!
AMAN: Aba, naghahamon ka?
OWEN: Walang ihian sa pants. Ano? Ano? Game!
SAPPHIRE: Teka, 'wag n'yo kaming idamay na girls dito. Buwisit talaga mga lalaki. Kung ano-ano pakana.
ECHO: Baka kasi gusto mo lang makasama si Eriol?
SAPPHIRE: Over my dead body!
Matatawa ang lahat. Babatukan naman ni Eriol si Echo.
RENELYN: Di rin naman ako papayag humiwalay sa jowa ko. Mag-team up na lang.
AMAN: Paanong team up, babe?
RENELYN: A guy with a girl. Para may chance makatabi ni Ma—
Lalakihan ni Maan ng mata si Renelyn kaya hahagikgik na lang ito kaysa ituloy ang mga sasabihin.
DIANA: Puwede bang kami na lang ni best ang magkatabi? No need na—
RENELYN: Kayo ni Evon. Di ba, sabi mo kanina, sasakmalin mo itlog niyan? It's your time.
EVON: Gago talaga nitong si Renelyn. Hoy, utak mo!
AMAN: Dahan-dahan sa mga salita mo sa babe ko.
ERIOL: It-log fight! It-log—
Sasakalin nang pabiro ni Evon si Eriol.
EVON: Buwisit ka.
NIANA: Game ako do'n! So mukhang kami ni Echo ang magkasama. Mukhang kaming dalawa lang naman talaga mga walang emosyon dito, e.
RENELYN: Uy! May alam si Niana!
DIANA: H-hoy!
ECHO: Puta, o, di ba? Tama ako. The more you hate, the more you love. Sina pres at vice lang naman 'yong the more you love, the more you lover.
ERIOL: Sinasabi mong hayop ka—
RENELYN: Hoy, kami pa ni babe!
ECHO: Sus, di na kayo kasama. Given na kayo.
MAAN: So may ibig sabihin ka ro'n, ha, Echo bag?
ECHO: Nahiya ka pa. Samahan mo na si Owen.
MAAN: H-hoy!
ECHO: Tara na nga, Niana. 'Tong mga 'to. Painosente. Nakakabuwisit.
Maglalakad sina Echo at Niana pakanan. Kikindatan ni Niana si Diana at magli-lipsynch ng good luck bago mag-umpisang umakyat.
DIANA: Hoy! Trip mo lang best friend ko, e! Ibalik mo—
ECHO: Oo na. Gagawa kaming baby nitong si Niana nang matahimik ka.
NIANA: Ikaw ninang, bes?
DIANA: Hoy!
EVON: 'Tang 'na talaga nitong si Echo.
SAPPHIRE: Seryosong si Eriol kasama ko?!
ERIOL: Sus. Suwerte mo nga, crush mo makakatabi mo.
SAPPHIRE: Asa!
MAAN: Bakit ba ang ingay natin?! Kala mo isang kilometro layo natin kapag nag-uusap.
OWEN: Malaki kasi rito. Sarap sumigaw. Tapos sa 'tin lang lugar.
AMAN: O, arats na. Mag-nine thirty na rin.
Makikita ng walo na nakaupo na sa may gitna sa pinakakanang grupo ng upuan sina Niana at Echo, pero hindi sila magkatabi—si Echo ay nasa mas mataas na upuan kaysa kay Niana. Magdedesisyon sina Renelyn at Aman na magkatabi silang uupo sa may gitnang-gitna ng teatro. Sina Eriol at Sapphire naman ay sa may gitnang grupo rin ng mga upuan uupo, ngunit sa may bandang itaas. Sina Owen at Maan ay medyo malapit sa may entrance ng teatro. Aakyat naman sina Evon at Diana, at mag-uumpisa ulit magbilang si Evon hanggang sa makarating sila sa dulo.
EVON: Oro. Pero . . . thirty-seven? Ang dami. Lagpas pa alphabet.
DIANA: May ibig sabihin ba 'yon sa theater?
EVON: Wala naman. Pero di ba, sa mga sinehan, madalas hindi nga umaabot ng Z. Ilang kaya upuan dito? Lagpas five hundred siguro. Parang ginawa para sa buong San Juan.
DIANA: OA.
EVON: Estimated kasi.
DIANA: Sobrang laki naman ng screen. Tsaka ikaw may gusto umupo rito.
EVON: Di naman ako ro'n nagrereklamo. Weird lang sa 'kin itsura ng buong Uma. Parang kung titingnan sa ibang anggulo, may ibang ibig sabihin.
DIANA: Ha?
EVON: Wala. Tatanong ko na lang kay Pa pag-uwi.
Aayos ng upo ang sampung estudyante at mag-uumpisang kumain ng popcorn sa kani-kanilang upuan bago mamatay ang mga ilaw.
Mananaig ang nakabibinging katahimikan sa gitna ng dilim . . .
Bago sila mayayanig ng isang matinis na sigaw.
BINABASA MO ANG
Last Full Show
HorrorKasabihan na ang huwag nang gagala bago mag-graduation kundi may mangyayaring masama. Pero para sa graduating members ng theater club sa San Juan Senior High School, haka-haka lang ito. Magpapasya silang manood sa Teatro Uma, isang di-kasikatang pa...