Act 2 Scene 26

270 32 19
                                    

INT. GIFT STORE, TEATRO UMA – NIGHT

Nagtatago sa likod ng counter, tahimik na nagdadasal si Eriol. Mapapaangat siya nang maririnig niya ang "Bohemian Rhapsody," tila naka-megaphone sa buong teatro. Saglit siyang mapapatigil.


Mama, life had just begun


Nanginginig, bubunutin niya ulit ang cell phone, titingnan kung may signal, ngunit mahuhulog ang kanyang balikat nang makitang wala.


But now I've gone and thrown it all away


Mapapatingin siya sa paligid, nagdadasal pa rin nang tahimik gamit ang sarili niyang mga salita. Maghahanap ng kahit anong puwede niyang sandata para ipagtanggol ang sarili niya. At sa paghahanap niya, mapapansin niya ang shelf na puno ng mga ulo.


Mama, ooh . . .


Tatayo siya at lalapit. Unti-unti.


Didn't mean to make you cry.


Maluluha. Lalong mangininig.


If I'm not back again this time tomorrow.


Dahil makikita niya ang perpektong hulma ng ulo ng mga kaibigan niya na gawa sa wax: Si Diana, Maan, Owen, Niana, Aman, at Renelyn.


Carry on, carry on as if nothing really matters.


Mapapasandal siya at mapapatakip ng bibig nang makita niya ang kina Echo at Evon.


ARGON: Eriol?! Eriol!

LUCILLE: Erioool!


Maririnig niya ang boses nina Argon at Lucille. Matatawa siya—tawa ng nawalan na ng pag-asa.


ERIOL: Mga tanga.


Too late . . .


Saka siya mapapatingin sa isa sa mga ulo na kamukha ni Sapphire.


My time has come.


ARGON: Eriol!


Kakalampagin ni Argon ang pintuan ng gift store dahil makikita niyang nakatayo si Eriol sa harap ng mga ulo.


Sends shivers down my spine.


ARGON: Eriol! Halika na! Sipain mo yung—


Kukunin ni Eriol ang ulo na kamukha ni Sapphire. Mapapayakap. Ngingiti.


Body's aching all the time.


ARGON: Eriol! Puta—halika na!


Tutulungan ni Lucille si Argon kalampagin ang pinto, maiiyak.

Lights.

Kukurap ang mga ilaw sa gift store. Hindi mangangamba si Eriol, patuloy lang na yakap ang ulo.


Goodbye, everybody, I've got to go.


Mapapatingin si Argon sa kisame dahil sa magkurap, ngunit magpapatuloy lang si Lucille sa pagpalo, pagsipa, pag-iyak, at pagsigaw.

Camera.

Maiilawan si Eriol, Manlalaki ang mata ni Argon at lalong kakalmpagin ang pinto.


LUCILLE: Argon! Ganito 'yong nangyari kay Ria kanina! May ilaw na ganyan!

ARGON: Putang ina naman! Eriol! Erioooool!


Gotta leave you all behind and face the truth.


Ngunit ngingiti lang si Eriol. Maiiyak.


ERIOL: Sorry . . . Sorry . . .


Mama . . .


Susuko.


Ooh . . .


Habang unti-unting ibabalik ang hawak sa shelf.

Action.

Makikita nina Lucille at Argon ang mga sunog na kamay na biglang lilitaw sa dilim. Isisigaw lang nila ang pangalan ni Eriol kahit maputol ang kanilang mga litid.


I don't wanna die.


Haharap si Eriol sa kanila.

Ngingiti . . .


I sometimes wish I'd never been born at all.


Bago lumapag ang mga sunog na kamay sa bunbunan ni Eriol at hihilahin na ito na parang bumunot lang ng damo sa lupa.

Bago lumapag ang mga sunog na kamay sa bunbunan ni Eriol at hihilahin na ito na parang bumunot lang ng damo sa lupa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sisigaw si Lucille nang sobrang lakas na aalingawngaw ito sa buong teatro. Mapapaatras sila lalo nang makita nilang liliyab ang ulo ni Eriol at mawawala sa dilim.

Matutulala at manghihina si Lucille, ngunit yuyugyugin siya ni Argon at hihilahin palayo sa gift store.

Last Full ShowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon