INT. TEATRO UMA – NIGHT
Papangunahan ni Owen ang paglakad papunta sa teatro at babatiin sila ng isang guard. Titingnan ni Evon ang nametag niya—Hi, I'm Cerb, ngunit may katuloy ang pangalan nito na mukhang nabura na. Hahalughagin ng security guard ang bag ng mga estudyante habang nakangiti.
MAAN: Kuya, matagal na kayo rito?
SECURITY GUARD: Ay, oo.
MAAN: Bakit hindi pa 'to nagsasara? Wala na kayong customer.
NIANA: Huy, Maan—
SECURITY GUARD: Ang totoo, hindi ko rin alam. Wala na akong paki roon basta pinapasuweldo naman ako. Pero may mga dumadalaw-dalaw naman paminsan.
ECHO: Oo nga naman.
Aayusin ni Echo ang ball pen na nakalagay sa tenga niya.
EVON: Kuya, saan ang theater?
SECURITY GUARD: Ay, sa second floor pa, sir.
OWEN: Second floor? Di ko alam na may second floor dito.
DIANA: Hanggang anong oras po ang Uma?
SECURITY GUARD: Hanggang nine naman ng gabi. 'Yong sinehan, parang may palabas pa mamayang nine fifteen. Huli na 'yon.
ERIOL: Ano pong palabas?
SECURITY GUARD: Basta horror 'yon, e.
Mapapasigaw ng "yes!" ang mga estudyante dahil alam naman nilang iisa lang ang horror film na pinapalabas ngayong panahon. Mapapatingin naman si Evon sa kaliwa at kanang daan mula sa entrance at magtataka.
EVON: Weird lang na may pakaliwa tapos pakanan. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong architectural design.
OWEN: Ba't parang nabago design? Dati dire-diretso lang 'to.
AMAN: Pakaliwa o pakanan, Kuya?
SECURITY GUARD: Kahit saan. Parehas din naman.
Mapapakunot ng kilay si Evon.
EVON: Ba't pa may pakanan tapos pakaliwa?
MAAN: Paki mo ba? Ikaw architect?
EVON: Archi kasi si Pa, kaya sanay na rin akong mang-critic. Ba't ba?
NIANA: O, try natin. Boys sa kaliwa, girls sa kanan. Kasi girls are always right.
Mapapa-"woah" ang buong grupo.
RENELYN: Hihiwalay ako sa babe ko?
MAAN: Tigil-tigilan mo ako, Renelyn. Magkikita rin naman kayo. Halika na.
AMAN: Wag mo kalimutang sumulat, babe.
RENELYN: Ingat, mahal ko.
MAAN: Ugh!
Mapapairap si Maan. Habang papalakad sa kani-kanilang mga hallway, mapapansin ng mga grupo na may mga naka-frame na litrato ng mga ordinaryong tao. Sa ibaba, may nakasulat na Hall of Fame.
MAAN: Hall of Fame pero di natin kilala.
SAPPHIRE: Uy, kamukha ni Owen, o.
Mapapatigil ang limang babae sa harap ng isang litrato.
RENELYN: Parang hindi siya.
SAPPHIRE: Medyo kamukha lang naman.
MAAN: Mas malaki ilong ni Owen, ano ba kayo?
Matatawa ang limang babae. Titingnan naman ni Diana ang sumunod na frame: dalawang tao—isang lalaking nakatayo na nakapatong ang mga kamay sa balikat ng isang babaeng nakaupo.
DIANA: Weird na may paganito. Creepy. Parang lahat sila nakatingin sa 'tin.
MAAN: Ikaw, Diana, ang hilig mong mag-imagine. Imagination ang limit lang ang peg, ano?
NIANA: Baka trip lang ng may-ari. Bakit ba? Pero grabe, 'no? Weird pala 'yong design ng Uma.
DIANA: Lahat ba tayo first-timers dito?
SAPPHIRE: Si Owen daw nakapunta na dati. Pero parang shocked siya ngayon.
RENELYN: Baka nagbago na nga.
Magkikita ang buong grupo sa dulo ng kani-kanilang hallway. Mapapanganga sila sa makikita: may fountain sa gitna na hugis pentagon, at may walo pang hallway. Katulad ng sa entrance, mukhang may "sulok" kung saan nagtatagpo ang dalawang hallway.
EVON: Sobrang weird ng design. Anong meron sa mga sulok, Owen?
OWEN: Hindi ko alam. Pramis, dire-diretso lang 'to noon. Diretso tapos sinehan na.
Hihilahin ni Maan si Renelyn papunta sa isang hallway.
MAAN: Hiramin ko muna babe mo, Aman.
AMAN: H-hoy!
RENELYN: Balik din kami mamaya.
OWEN: Sige, puwede rin naman. Tingnan ninyo kung ano-anong nasa sulok. Tapos balik agad para maabutan natin sine. Nine fifteen pa naman, di ba?
Magkasama sina Maan at Renelyn; Aman at Owen; Sapphire, Diana, at Niana; at Echo, Evon, at Echo. Magkakasundo ang magkakaklase na maghiwa-hiwalay para tingnan kung anong meron sa bawat sulok.
BINABASA MO ANG
Last Full Show
HorrorKasabihan na ang huwag nang gagala bago mag-graduation kundi may mangyayaring masama. Pero para sa graduating members ng theater club sa San Juan Senior High School, haka-haka lang ito. Magpapasya silang manood sa Teatro Uma, isang di-kasikatang pa...
