Act 2 Scene 23

213 30 4
                                    

INT. HALLWAY, TEATRO UMA – NIGHT

Tatakbo sina Lucille at Argon palabas ng arcade, ngunit paglabas na paglabas nila, makakakita agad sila ng isa pang pintuan.


ARGON: Wala naman 'to kanina—


Magmamadaling kunin ni Lucille ang cell phone, ngunit walang signal. Mapapakagat siya sa nanginginig niyang labi.


LUCILLE: Argon. Ayoko na. Ano 'to? Dapat palabas—


Lilingon si Lucille at makakakita na naglaho na lang na parang bula ang pintong nilabasan nila. Ang pumalit ay isang itim na pader.


LUCILLE: Argon . . .


Maiiyak si Lucille dahil sa takot at mamapahawak lalo nang mahigpit sa manggas ni Argon. Maghahawakan sila ng kamay.

Magugulat sila nang biglang may babakat na mga mukha sa pader. Siyam na mukha. Lahat, humihiyaw.

Dahil sa takot, papasok silang dalawa sa pinto.

Last Full ShowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon