Act 1 Scene 2

821 51 27
                                        

EXT. ENTRANCE NG SCHOOL – SUNSET

Naglalakad ang mga members ng theater club palabas ng gate ng San Juan Senior High School. Mapapansin ni Argon na malungkot si Lucille.


ARGON: Uy, wag mo sila pansinin. Di naman totoo 'yon.

LUCILLE: Alam ko naman. Pero siyempre, malungkot lang kasi, hindi ko kayo makakasama sa movie.

ARGON: Di naman ako sasama para may kasama ka.

LUCILLE: Para may kasama na walang kasama?


Lilingon si Owen at makikitang mag-uusap ang dalawa.


OWEN: May lovey-dovey moment na naman 'tong dalawa, o!


Magtatawanan ang lahat. Titigil ang labindalawang estudyante sa harap ng gate.


MAAN: Seryoso kayong di kayo sasama sa 'min?

LUCILLE: Pass talaga ako. Di ko kaya horror.

SAPPHIRE: E, ikaw, Argon? Anong gagawin mo?

ARGON: Uuwi.

OWEN: Uuwi raw. Umamin ka na kasi, ugok.

ARGON: Gago. Tumigil ka.

LUCILLE: Nagpaalam na ba kayo sa mga parents ninyo?

OWEN: Sus, di na kailangan. 'La naman silang pake.

MAAN: Ako, I did.

SAPPHIRE: Me too, pres. Don't worry.

NIANA: Ako na bahala gumawa ng excuse para kay Diana. Di kasi 'to papayagan. Sabihin ko na lang kasama ako.

EVON: Text ko na lang kapag hinanap ako.

ERIOL: Ako rin.


Kukunin ni Echo ang ball pen sa may tainga niya at itataas.


ECHO: Ako rin two.

RENELYN: Nagpaalam na kami ni babe.

LUCILLE: Okay, fine. Mag-text na lang kayo kung pauwi na kayo o kung nando'n kayo.

RENELYN: Naks! Nanay na nanay, puwede na mag-asawa.


Kakaliwa ang sampu, habang didiretso naman sina Lucille at Argon. Walang magsasalita sa kanilang dalawa nang ilang segundo.


LUCILLE: I really wanted to be with them, alam mo 'yon?

ARGON: Di pa naman sila nakakalayo. Puwede naman tayong sumama.

LUCILLE: Di ko talaga kaya horror, e. Baka bigla akong dalhin sa ospital, literal.


Maghihintay sina Argon at Lucille sa paradahan ng tricycle. Doon sa gilid nakaupo si Ria, 20, kilala ng lahat na kinakausap ang sarili at wala na sa katinuan. Alumna siya San Juan High School for the Arts (na ngayon ay San Juan Senior High School na lang), ngunit hindi alam ng marami kung paano siya humantong sa gano'ng sitwasyon. Sanay na ang mga estudyante dahil kada uwian, tumatambay si Ria sa may paradahan ng tricycle.


ARGON: Hayaan mo na sila. Alam mo naman mga 'yon. Trip manood ng sine.


Biglang tatayo si Ria at sisigaw sa harap ni Argon habang hawak-hawak ang mga braso niya.


RIA: Sine?! Sine?! Sa Uma? Uma? Layo! Lumayo kayo ro'n!


Sisigaw dahil sa takot si Lucille, at susubukan namang itulak ni Argon si Ria. May isang tricycle driver na dadating at pipigilan si Ria sa pagwawala. Sasakay naman sina Argon at Lucille sa susunod na tricycle na dadating.


ARGON: Tang'na. Kinabahan ako ro'n!

LUCILLE: Ngayon ko lang nakita 'yon na gano'n. Ano raw sinabi niya? Sa Uma? Bakit kaya?

ARGON: Anong problema niya sa Uma?

LUCILLE: Ewan. Ang tagal ko na rito sa San Juan, pero never pa ako pumunta do'n sa loob.

ARGON: Hindi pa rin kami. Mas doon kami sa Sebastian nagmo-mall.

LUCILLE: Kami rin, e. Dinadaanan lang namin. Parang nakakatakot kasi dahil sa mga tsismis, pero bukas pa naman. Pero ang galing ng managers n'on ano? Buhay pa rin ang Uma, kahit nga halos wala na pumupunta.

ARGON: Baka malakas kapit sa mayor. Sabi nga nila puro espiritista at turista na lang na gustong patunayan na haunted daw ang Uma ang pumupunta.

LUCILLE: Sabi-sabi lang naman kasi 'yon. Ay, dito na ako. Para, manong.


Kakalabitin ni Lucille ang braso ng tricycle driver. Ititigil naman ng driver ang tricycle sa tapat ng bahay nina Lucille.


LUCILLE: Ingat. Text na lang pagkadating mo sa bahay.


Aalis ang tricycle at tatalikod si Lucille para buksan ang kanilang gate.

Last Full ShowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon