Act 3 Scene 2

270 28 3
                                        

INT. LUCILLE'S HOUSE – DAY

Inaalalayan si Lucille ng kanyang ina sa pagsusuot ng uniporme. Naka-hanger lang ang toga na isusuot niya, at magmamadali na ang kanyang ama upang paandarin ang sasakyan.


LUCILLE'S MOM: Ready na?

LUCILLE: Ready po.


Sasakay si Lucille sa kanyang wheelchair at itutulak ito ng kanyang ina.

Aalalayan si Lucille ng kanyang mga magulang upang makasakay sa sasakyan. Mapapangiti siya habang pinapanood sila na tiklupin ang wheelchair niya.

Makararamdam siya ng antok.

Pipikit.


Lucille.


Didilat.

Titingin siya sa paligid at hihinga nang malalim. Ito ang dahilan kung bakit gustong-gusto niyang inumin ang mga gamot niya—dahil kung makakatulog siya, hindi niya maririnig ang mga bulong na 'to.

Susubukan niyang pumikit ulit. Sa pagkakataong 'to, wala na siyangmaririnig.

Last Full ShowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon