Act 2 Scene 11

292 34 36
                                    

INT. ARCADE, TEATRO UMA

Pagpapawisan si Owen habang tumatakbo. Papasok siya sa loob ng arcade at susubukang maghanap ng exit, pero wala siyang makikita.


OWEN: Putang ina. Putang ina. Anong nangyayari?


Kukunin niya ang cell phone niya at bubuksan. Malalaman niyang walang signal sa loob.


OWEN: Fuck. Fuck. Nasa'n kayo, guys. Fuck!


Magtatago si Owen sa ilalim ng counter at susubukang maghanap ng signal. Nang wala talaga, sisilip siya at titingnan kung may puwede pang may pagtaguan o takasan, ngunit magdedesisyon siyang manatili na lang sa ilalim ng counter.

Kahit walang tunog na biglang tatawag ang kuya niya dahil naka-silent naman ang kanyang cell phone, magugulat pa rin siya at mapapangiti siya dahil sa ginahawa. Mapapabulong ng sangkatutak na "fuck" at salamat. Sasagutin niya ang tawag at ilalapit ang kanyang kanang kamay sa microphone para mas lumakas ang kanyang boses kahit pabulong niya itong sasagutin.


OWEN'S BROTHER: 'Tol, sa'n ka?

OWEN: Kuya! Fuck, di ka maniniwala pero . . . may ewan! May sa demonyo rito Uma. Tumawag ka ng pulis!

OWEN'S BROTHER: Ha? Bakit? Nasa'n ka ba? Anong katarantaduhan na namang—

OWEN: Nasa Uma nga!

OWEN'S BROTHER: Sa'n sa Uma? Ang haba-haba ng Uma Road—

OWEN: Kuya, 'tang ina hindi ako nagbibiro. Wala ng oras! Dito sa teatro!

OWEN'S BROTHER: Pero nasa'n ka nga? Sa'n sa teatro?

OWEN: D-dito sa ar . . . cade . . .


Biglang maiisip ni Owen ang litrato ng kapatid niya kung sa'n lumabas ang mga kamay na nanghila kay Maan. Mapapakagat siya ng labi at mabilis ngunit tahimik na itatapik ang paa sa sahig.


OWEN'S BROTHER: 'Tol?

OWEN: Basta tumawag ka ng pulis. May itatanong ako mamaya. Dalian mo.

OWEN'S BROTHER: Sige. Diyan ka lang sa puwesto mo.


Ibababa ni Owen ang cell phone, pero magtataka kung bakit nakatawag ang kuya niya kahit wala pa ring signal. Kahit na gano'n, hahawakan niya ang cell phone niya nang mahigpit.

Lights.

Magbubukas bigla ang buong arcade. Ang ilaw. Ang mga laro. Gagana at tutunog ang mga machine, at makakarinig ito ng paulit-ulit na maliit ngunit robotic na tonong "Let's play!"

Hindi na mapipigilan ni Owen ang galit. Tatayo siya at ibabato lahat ng gamit na makikita niya, pati ang cash register at ang mga gamit na nakalagay sa ibabaw ng counter.


OWEN: Our Father! Who art in heaven!


Sabay-sabay na mamamatay ang mga machine kaya matatahimik si Owen. Pagkatapos ng limang segundong di makahulugang karayom na katahimikan, biglang tutunog ang mga makina, sabay-sabay na sinusundan ang dasal ni Owen gamit ang robotic nilang mga tunog: Holy be thy name? Thy kingdom come? Kasunod ng mga halakhak.

Camera.

May spotlight na tatapat kay Owen. Magpapatuloy siya sisigaw habang papatakbo papunta sa pinto. Saktong patakbo rin do'n sina Aman, Renelyn, at Niana, at nang makita nilang nakakulong si Owen, magtutulungan sila para buksan ang pinto ng arcade.

Walang lock. Walang nakaharang. Ayaw lang talaga bumukas.


AMAN: Wala na 'to. Fuck!

RENELYN: Tumakbo na tayo! Baka may ibang exit pa!

OWEN: 'Wag n'yo kong iwan! Mga gago kayo!

AMAN: S-sorry, pre!


Mauunang tatakbo sina Renelyn at Aman, pero pipilitin ni Niana na buksan ang pinto habang naiiyak. Pagalit na itutulak at sisipain ni Owen ang pinto.

Action.

Didilim ang paligid, maliban sa spotlight na nakatapat kay Owen para makita ni Niana. Unti-unting may lalabas na dalawang sunog na kamay sa dilim, pagapang papunta sa mukha ni Owen.

 Unti-unting may lalabas na dalawang sunog na kamay sa dilim, pagapang papunta sa mukha ni Owen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mag-a-adjust ang mga paniningin nila.

Maninigas si Niana.

Maiiyak si Owen.

Dahil si likod ni Niana ay mga aninong minsan na niyang nakita't nakausap.

Mahihila si Owen paloob sa kadiliman. Makikita ni Niana kung paanong biglang may liliyab sa loob, at pagbukas ng mga ilaw, isang walang ulong katawan na ang nakahalandusay sa sahig.

Sisigaw si Niana at tatakbo palayo sa arcade habang umiiyak.

Magbubukas ulit ang mga makina at ilaw.

Last Full ShowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon