INT. PROJECTION ROOM, TEATRO UMA – NIGHT
May babati kina Aman na isang babae, nakalagay sa collar niya ang isang pin: Hi, I'm Betty. Titingin lang ito sa kanila, saka didiretso ng tingin at ituturo ang movie screen.
Mapapatingin sina Renelyn at Aman sa screen. May nakalagay: 1:51:00.
Na magiging 1:50:59.
Na magiging 1:50:58.
AMAN: Pu—
Hahakbang si Aman sa loob ng kuwarto. Mamamatay ulit ang mga ilaw.
Pagbukas, nasa harap na niya ang projectionist, hawak ang dalawang sunog na ulo. Mapapabitaw si Renelyn sa braso ni Aman at mapapasigaw na yayanig sa buong teatro.
Magugulat sila ng biglang ngingiti ang mga sunog na ulo nina Echo at Diana at parehong bubulong:
Takbo na.
Muling mamamatay ang ilaw at magsasara ang pinto, maiiwan si Renelyn sa labas at si Aman naman sa loob. Kakatok ng kakatok sa pinto si Renelyn at isisgaw ang pangalan ni Aman mula sa labas.
Mamamatay ang ilaw sa loob ng projection room, at pagbukas, makikita ni Aman ang projectionist kasama ng ibang staff ng Teatro Uma. Mamamatay ang ilaw at maririnig niya ang sigaw ni Renelyn mula sa labas.
Nanginginig, bubuksan niya ang pinto. Pagbukas, nakatakip na ang bibig ni Renelyn habang umiiyak.
RENELYN: Let's fucking go! Fuck! Fuck!
Paglingon nila, si Niana na lang ang maaabutan nilang nakatayo. Hihilahin ni Renelyn si Niana, at lalabas silang tatlo sa emergency exit.
Lilingon si Aman habang palabas, at ang huling makikita niya na pinapalabas sa malaking screen ay ang kanyang likod at ang unti-unting pagsara ng pinto.
BINABASA MO ANG
Last Full Show
HorrorKasabihan na ang huwag nang gagala bago mag-graduation kundi may mangyayaring masama. Pero para sa graduating members ng theater club sa San Juan Senior High School, haka-haka lang ito. Magpapasya silang manood sa Teatro Uma, isang di-kasikatang pa...