Act 1 Scene 10

405 36 7
                                    

INT. RESTAURANT, TEATRO UMA – NIGHT

Maglalakad sina Renelyn at Maan sa hallway. Mapapatingin pa rin sila sa mga naka-frame na litrato na puro Hall of Fame ang nakasulat sa ibaba.


RENELYN: Ano na, mars? Kailan mo na aaminin kay Owen?

MAAN: Pota ka naman, e. 'Wag kang magulo. Tsaka happy crush lang 'yon.

RENELYN: Bahala ka nga. Ga-graduate na tayong senior high, ganyan ka pa rin.


Mapapatigil ang dalawa nang makikita nilang patay na ang ilaw ng lugar na nakatoka nilang puntahan.


MAAN: Mukhang restaurant.

RENELYN: Feeling ko permanent na 'tong—

FOOD STAFF: Good evening po—


Mapapasigaw ang dalawa na ikagugulat din naman ng staff. Hahawak sa dibdib si Renelyn habang hahawak naman sa balikat ni Renelyn si Maan nang mare-relieve sila sa makikita. Titingnan ni Maan ang tag na nakasulat: Hi, I'm Jeffrey!


MAAN: Kuya! 'Wag ka namang manggulat!

FOOD STAFF: Ay, sorry po, ma'am. Sasabihin ko po sana kasi na sarado na po. Nine na po kasi.

MAAN: Isa lang kainan dito, Kuya?

FOOD STAFF: Opo. Pero sa sine po ba kayo?


Tatango ang dalawa.


FOOD STAFF: May popcorn po sa taas. Iyon na lang po ang bukas. Pagtapos pong mag-umpisa ng sine, magsasara na rin 'yon.

MAAN: Ay, weh?! Sige po. Thank you!


Hahawakan ni Maan ang kamay ni Renelyn.


MAAN: Girl, tara!


Hahawakan naman ni Renelyn ang kamay ni Maan at tatakbo papunta ulit sa fountain, pero magtataka ito dahil paglingon niya ay mawawala kaagad ang staff.

Last Full ShowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon