INT. LUCILLE'S HOUSE - SUNSET
Papasok si Lucille at makikitang walang tao sa bahay. Ibabato niya ang bag sa sahig at ang sarili naman niya sa kama.
Pipikit siya saglit, at pagdilat, makikita niya si Ria, namumula ang mata, sa ibabaw niya. Sisigaw si Ria, at tutulo ang laway nito sa mukha ni Lucille.
Sisigaw si Lucille at babangon, mabilis ang paghinga. Mapapatulala siya, igagalaw ang mga mata sa kaliwa't kanan, saka magbubuntonghininga at bubuksan ang computer.
Magtatayp siya sa keyboard: History of Teatro Uma, San Juan.
BINABASA MO ANG
Last Full Show
HororKasabihan na ang huwag nang gagala bago mag-graduation kundi may mangyayaring masama. Pero para sa graduating members ng theater club sa San Juan Senior High School, haka-haka lang ito. Magpapasya silang manood sa Teatro Uma, isang di-kasikatang pa...
