INT. SAN JUAN HOSPITAL – DAWN
Hilong-hilo si Lucille habang tinatakbo sa emergency room. Mararamdaman niya ang iba't ibang mga kamay na humahawak sa kanyang mga mukha. Ngunit gusto man niyang magsalita, hindi na niya maramdaman ang buong katawan.
May ituturok sa kanya at mapapapikit. Unti-unti.
Pagdilat ni Lucille, may benda na ang kanyang leeg at kaliwang kamay. May maririnig siyang sigaw na "Salamat naman!" at "Lucille! Lucille!"
Titingin siya sa kanan at makikita niyang nando'n ang kanyang mga magulang. Nando'n din ang isang babaeng mukhang natataranta. Mapapakunot ang ulo.
LUCILLE'S MOM: Ano bang nangyari, anak? Sabi mo, may overnight ka? Napauwi kaagad kami ng papa mo!
LUCILLE: O-overnight . . .
Hindi maaalala ni Lucille kung anong nangyari at kung bakit siya nakabenda. Biglang may papasok na nars at kakausapin ang mga magulang ni Lucille.
Mapapatitig siya sa kisame, mapapatanong sa sarili kung anong huling nangyari, ngunit hindi niya makukuha ang sagot na kanyang hinihingi.
Pipikit siya at makaririnig ng bulong.
Lucille.
Didilat ulit siya. Dahan-dahan.
Ba't mo kami iniwan?
Mapapasigaw siya sa takot at matataranta ang mga magulang niya. Hindi makagagalaw si Lucille sa pagkakahiga dahil sa mga benda; nando'n lang siya, sumisigaw, umiiyak, kahit hindi niya sigurado kung bakit.
Pupuntahan siya ng isang nars at may ituturok.
Mapapapikit si Lucille at makakatulog.
BINABASA MO ANG
Last Full Show
HorrorKasabihan na ang huwag nang gagala bago mag-graduation kundi may mangyayaring masama. Pero para sa graduating members ng theater club sa San Juan Senior High School, haka-haka lang ito. Magpapasya silang manood sa Teatro Uma, isang di-kasikatang pa...