Act 2 Scene 2

384 30 22
                                        

INT. MAAN AND OWEN'S SEATS, MAIN THEATER, TEATRO UMA – NIGHT

Papaluin ni Maan si Owen dahil titili ito nang pabiro. Maririnig ng lahat ang pag-alingawngaw ng tili ni Owen. Saktong iilaw naman ang screen.


MAAN: Parang gago 'to.

OWEN: Ayaw mong tumabi?

MAAN: Bakit, takot ka?

OWEN: Oo, baka kung sino dumukot sa 'yo diyan.

MAAN: Gago ka talaga.


Mapapangiti si Maan at mapapakain ng popcorn.


OWEN: Ako na nga tatabi. Ayokong may natatakot na babae sa harap ko.

MAAN: Kapal ng apog mo—


Pero magugulat si Maan nang hahawakan ni Owen ang kamay niya. Mapapakagat ng labi si Maan at mapapangiti ulit.


OWEN: Plano ko na talaga 'to kanina pa. Gusto ko talaga maghiwa-hiwalay para masolo kita.


Titig si Owen kay Maan na mapapalunok naman ng laway.


OWEN: Sana tamang timing 'to.

MAAN: T-teka lang, so like . . . umaamin ka ba o—

OWEN: Ano bang tingin mo rito?

MAAN: Baka nagjo-joke!

OWEN: Kinuntsaba ko talaga si Renelyn. Kaya ganito ang setup.

MAAN: Puta ka, Renelyn—pero thank you.

OWEN: Ha?

MAAN: Wala, wala. Ano . . . e di . . . s-sige lang—


Habang nagpe-play ang MTRCB ad, hinihimas ng hinlalaki ni Owen ang palad ni Maan. Mapapahinga nang malalim si Maan at mapapasandal sa balikat ni Owen. Wala pang ilang segundo bago magtititigan ang dalawa at ilalapat ang labi ng isa't isa.

Mapapakagat sila ng labi pareho, saka ilalapag ang kani-kanilang popcorn sa sahig para ituloy ang naudlot na halikan. Pareho silang magugulat nang biglang lalakas ang bass mula sa theater speakers dahil isang horror movie ang sumunod na pinalabas na trailer.


OWEN: Alam mo, 'tang 'na, 'wag na tayo rito.

MAAN: Gago, baka may nagbabantay sa—

OWEN: Mag-CR na lang tayo. O kaya . . . lumabas na lang—

MAAN: Putik ka, Owen! Sayang 'yong ticket.

OWEN: Mas sayang naman 'tong gabing 'to. Di, pag hinanap nila tayo, aminin natin sa dulo ng sine.

MAAN: Seryoso ka?

OWEN: Mukha bang hindi? Sabi naman ni Renelyn, dito mo ko nagustuhan. Bakit di ko na lang panindigan?

MAAN: Sinabi niya sa 'yo?!

OWEN: Wag ka na magalit. Ako unang humingi ng tulong. Nadulas naman.

MAAN: Puta—fine.


Bitbit-bitbit ang mga bag nila, gagapang palabas ng sinehan sina Owen at Maan.

Mula naman sa isa sa mga exit, aalis ang ticket staff palabas sa teatro.

Last Full ShowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon