INT. HALLWAY, TEATRO UMA – NIGHT
Tumatakbo sina Lucille at Argon habang tumutugtog ang instrumental ng "Bohemian Rhapsody" bago lumapag ang unang salita ng berso. Matatapilok pa si Argon at madadapa, saka itutuwid muli ang sarili.
ARGON: Andito pa si Eriol!
LUCILLE: Paano mo nalaman?!
ARGON: Nasa screen!
LUCILLE: Argon, saan? Sa'n siya?
ARGON: Di ko alam! Puta!
Mapapatigil silang dalawa nang paglabas nila ng sinehan ay nasa second floor na sila ng mall kahit hindi naman sila umaakyat. Makikita nila ang escalator kung saan huli nilang nakita si Ria.
ARGON: Puta. Wala na bang ibang daan?!
LUCILLE: Argon, may elevator.
Tatakbo sila sa may elevator.
Bubukas ito. Papasok sana si Lucille ngunit pipigilan siya ni Argon nang makita niya ang cell phone ni Evon.
Mapapakagat at mapapatakip ng bibig si Lucille. Bibilis ang tibok ng puso niya at hindi makakahinga.
Hahawakan ni Argon ang braso ni Lucille at susubukan siyang kalmahin.
ARGON: Makakalabas tayo dito. Okay? Hinga.
Titingnan ni Argon ang paligid at magdedesisyon na ang escalator lang ang tanging puwede nilang babaan.
ARGON: Pinaglalaruan tayo.
LUCILLE: H-ha?
Kukunin ni Argon ang kamay ni Lucille at tatakbo papunta sana sa escalator, ngunit pipigilan ito ni Lucille dahil sa takot.
LUCILLE: Argon! Diyaan?! Diyaan talaga?!
ARGON: 'Wag kang lilingon. Magdasal ka ng sarili mong dasal. Tara na. Kaya pa nating hanapin si Eriol.
Nanginginig ang mga labi at umiiyak, tatango si Lucille at hahawakan nang mabuti ang kamay ni Argon bago mabilis na tatakbo pababa ng escalator.

BINABASA MO ANG
Last Full Show
TerrorKasabihan na ang huwag nang gagala bago mag-graduation kundi may mangyayaring masama. Pero para sa graduating members ng theater club sa San Juan Senior High School, haka-haka lang ito. Magpapasya silang manood sa Teatro Uma, isang di-kasikatang pa...