Act 2 Scene 10

344 35 24
                                        

EXT. ROAD ALONG SAN JUAN – NIGHT

Naghihintay si Argon sa may corner ng street nina Lucille, di kalayuan sa bahay nila. Wala pang ilang segundo mula sa pagbaba niya ng cell phone ay makakarinig siya ng mga yapak. Pagtalikod niya, nando'n si Lucille.


ARGON: Ano bang nangyari?

LUCILLE: Kuwento ko na lang mamaya. Alis na tayo. Punta na tayong Uma. Kinakabahan na talaga ako.


Hindi mage-gets ni Argon, pero magbibigay siya ng helmet kay Lucille para suotin. Pipindot si Argon sa cell phone niya para bumalik sa lock screen, at mapapangiti si Argon nang makararamdam siya ng hawak sa bewang niya.


ARGON: Tara? Kapit mabuti.


Mararamdaman niyang tatango si Lucille kaya uumpisahan niya na ang mag-drive. Madadaanan nila si Ria na biglang sisigaw, pero hindi niya maiintindihan.


ARGON: Gabi na, a. Ba't nasa labas pa 'yon? Di ba siya—


Magugulat siya nang biglang iilaw ang cell phone niya. At makikita:


Lucille calling . . .


Mapapatigil si Argon at makikitang wala siyang sakay sa likod. Lilingon siya sa kaliwa at kanan bago bumalik sa cell phone niya. Kukunin niya ito mula sa holder at sasagutin ang tawag.


ARGON: H-hello?

LUCILLE: Huy! Nasaan ka na? Sabi mo nasa tapat ka na ng bahay? Nag-CR at kinuha ko lang gamit ko, pagbalik mo, wala ka na.


Matatahimik si Argon, magtataka sa nangyayari, pati na rin kung nasaan 'yong helmet na binigay niya.


ARGON: Binigay ko 'yon, e. E di, asan na?

LUCILLE: Ha?

ARGON: Di ka maniniwala, pero . . . sakay lang kita.

LUCILLE: Tumigil ka! Kinikilabutan ako!

ARGON: What the fuck.

LUCILLE: Argon naman, e!

ARGON: Fuck! Totoo nga!

LUCILLE: Dalian mo na lang, please. Natatakot na rin ako. Tapos kasi kanina nakita ko nga si Ria.

ARGON: Kaya siguro nadaanan ko siya. Galing pala siya diyan.

LUCILLE: Ha? Nadaanan mo siya?

ARGON: Oo. Seryosong andiyan ka na? Paano ko malalaman kung ikaw talaga ang sakay ko?

LUCILLE: Kumatok ka sa bahay. Teka, paano ko malalaman kung ikaw 'yong papapasukin ko?

ARGON: Fuck this. Anong nangyayari?

LUCILLE: Punta ka na lang dito, please. Alam ko na. Don't put down the phone. Hayaan mo na lang na magsalita ako tapos mag-drive ka na pabalik.

ARGON: Gandang ideya.

LUCILLE: Uhm . . . uhm . . . ano kayang maganda . . . ah . . .


Ilalagay ni Argon ang cell phone ulit sa holder, saka niya maririnig ang pagkanta ni Lucille ng first verse ng paboritong jamming song ng club nila, "Bohemian Rhapsody" ng Queen.


ARGON: 'Wag kang titigil sa pagkanta, ha. O, kausapin mo lang ako.

LUCILLE: Akala ko ba di ka naniniwala sa multo?

ARGON: Sa multo hindi. Sa demonyo, oo.

LUCILLE: Argon naman, e!

ARGON: Sige na, kanta lang. Malapit na ako.


Ititigil ni Argon ang motor sa tapat ng gate nina Lucille. Magdo-doorbell siya, at maririnig niya 'yon sa cell phone niya. Maririnig din niya ang paglabas ni Lucille mula sa pinto habang kumakanta.

Last Full ShowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon