Act 2 Scene 8

361 34 34
                                    

INT. HALLWAY, TEATRO UMA - NIGHT

Magkahawak ang kamay nina Owen at Maan, parehong maghahagikgikan palabas ng teatro. Nasa may hallway na sila kung saan unang dumaan ang girls papasok ng teatro nang mapapatitingin si Owen sa likod. Nang makumpirma niyang walang nakasunod, saka hahawakan niya nang mahigpit ang kamay ni Maan. Mapapalingon si Maan at mapapangiti habang papalapit nang papalapit si Owen sa kanya.


OWEN: Sa CR na lang tayo.


Matatawa si Maan at papaluin ang braso ni Owen nang pabiro.


MAAN: Ang baho-baho sa CR. If you'll deflower me, dalhin mo naman ako sa mas mabango-bangong lugar.

OWEN: 'Yan gusto ko sa'yo, e. Diretso. Walang preno.

MAAN: Ako rin naman sa'yo. Exciting. Adventurous.

OWEN: Sa girls' CR kasi.

MAAN: So you're acknowledging na mabaho ang boys' CR, ano?

OWEN: Ang sabi ko lang, mabango sa girls' CR.

MAAN: Nakapasok ka na?

OWEN: Pakiramdam ko lang.

MAAN: Weh. 'Yong totoo, Owen? Marami ka ng nadala do'n?

OWEN: Wala pa nga. Kaya nga gusto ko.

MAAN: Gusto mong pumasok sa girls' CR?

OWEN: Hindi. 'Yong thrill lang na may gagawin kang kagaguhan.

MAAN: Gago mo. Buti na lang ako rin.


Mapapalingon si Maan at mapapansin nga na walang tao, maski janitor o 'yong mga staff na nakita nila.


MAAN: Puwedeng momol playground. Bakit ang lenient nila rito, ano?

OWEN: O, gusto mo, dito na lang?


Mapanuksong ngingiti si Owen. Papaluin siya ni Maan, pero mananadiya pang ilalapit ni Owen ang katawan ni Maan sa kanya.


MAAN: Sira! E, pa'no kung may CCTV tapos di natin alam, di ba? Sobrang weird na walang—

OWEN: Pero malamang nando'n pa 'yong security guard. E, pa'no kung tanungin tayo?

MAAN: Shit, oo nga.

OWEN: Sa CR na lang kasi tayo. Tapos hintayin na lang natin matapos 'yong sine.

MAAN: Buwisit 'to. Di ka makapaghintay?

OWEN: Bakit, ikaw?

MAAN: Hindi rin.


Hahagikgik si Maan at titingin sa kaliwa at kanan bago niya hihilahin si Owen papalapit sa pader.


OWEN: H-huy—

MAAN: Wala namang tao.

OWEN: Tunge, pa'no kung dumaan 'yong janitor?

MAAN: Five seconds?

OWEN: Di ko kaya 'yon.

MAAN: Kiss kasi. Ano bang nasa isip mo?

OWEN: Sus.

MAAN: Dali na. Binyagan na natin 'tong pader. Kiss lang, e.

OWEN: Nanghahamon ka ha.


Lalapit si Owen sa isang nakangiting Maan na nakapalibot ang mga braso sa leeg. Sasandal ang likod ni Maan sa pader kung saan nakalapag ang isa sa mga litrato na may nakalagay na caption na Hall of Fame sa ibaba. Ilalapat ni Owen ang labi kay Maan at maghahalikan ang dalawa nang nakapikit.

Lights.

Kukurap ang ilaw. Mapapadilat saglit si Owen dahil mararamdaman niya ang pagkurap. Titingin siya sa taas at makikita ang litrato ng kuya niya kung saan nakasandal si Maan, kaya mapapatitigil siya at kukunot ang noo. Makikita ito ni Maan at magtataka kung bakit nakatingin sa likod niya si Owen imbes na sa mukha niya.


MAAN: Huy, bakit? Di ba ako good kiss—


Camera.

Maiilawan si Maan ng isang spotlight. Magso-sorry sila bigla dahil aakalain nilang may nakahuli sa kanila, pero walang tao sa paligid. Mapagtatanto ni Owen na si Maan lang ang naka-spotlight at hindi niya makita kung saan galing ang source ng ilaw.


MAAN: Anong nangyayari? Bakit may—


Tatalikod si Owen at patuloy na hahanapin kung saan nanggagaling ang ilaw.


OWEN: Di ko rin alam—


Action.

Paglingon ni Owen pabalik kay Maan, may isang pares ng sunog na kamay ang lalabas mula sa litrato ng kuya niya at dadakutin ang ulo ni Maan. Isisigaw ni Maan ang pangalan ni Owen, hihingi ng tulong. Susubukan niyang magpumiglas.

Hahawakan ni Owen ang braso ni Maan at hihilahin, pero kasunod ng paghila niya ay ang pagpugot ng ulo ni Maan—na hawak-hawak na ng pares ng sunog na kamay mula sa painting. Malalaglag ang walang ulong katawan ni Maan sa kanya.

Sisigaw si Owen nang malakas at tatakbo papunta muli sa entrance ng Teatro Uma, pero makakakita ito ng isang nilalang na may tatlong ulo at may katawan ng aso

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sisigaw si Owen nang malakas at tatakbo papunta muli sa entrance ng Teatro Uma, pero makakakita ito ng isang nilalang na may tatlong ulo at may katawan ng aso. Dadaloy ang laway nito sa maitim-itim na gilagid at matutulis nitong ngipin, kaya tatakbo si Owen pabalik at makikita ulit ang katawan ni Maan kasama ang pagliyab ng ulo nito.

Aakyat na sana siya pabalik ng teatro nang makikita niyang wala na angbuong second floor. Maririnig niya ang papalapit na papalapit na angil ng nilalang kaya tatakbo siya papunta sa hallway na pinuntahan nila no'ng una niAman, ang hallway na papunta sa arcade.

Last Full ShowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon