INT. PENTAGON FOUNTAIN, TEATRO UMA – NIGHT
Magkikita-kita ulit ang mga magkakaklase sa may fountain. Unang dadating sina Aman at Owen, sabay-sabay namang darating ang mga babae, at huling lalabas mula sa nakatokang hallway nila ang tatlong e-tlog.
OWEN: Anong meron sa inyo?
MAAN: May restaurant, pero sarado na.
ECHO: 'Yong sa 'min gift store. Putek, astig! May wax figures pa sila.
NIANA: Damitan sa 'min. Sa inyo?
OWEN: Arcade. Labo kasi alam ko talaga walang arcade tapos dire-diretso.
MAAN: Baka nga nag-renovate sila. Pero kahit gano'n, wala
AMAN: Ano, tara na? 9:10 na, o.
ECHO: Sa'n pa-second floor—
RENELYN: Ayon nga, may pa-escalator din ang Uma.
DIANA: B-bukas na lang kaya? Gusto ko na umuwi. May creepy vibes dito.
MAAN: Creepy? Anong creepy sa lugar na 'to? Mukhang normal lang naman sa loob kahit hindi masyado maganda exterior. Tsaka malaki pala 'to sa loob? Parang mall. Mukhang maliit sa labas.
RENELYN: Ayon nga rin iniisip ko. Akala ko theater lang pagpasok. Tingnan mo, may pa-elevator din sila.
EVON: Parang tanga naman yung may pa-elevator pero two floors lang 'to.
MAAN: Baka para sa parking?
NIANA: Feeling ko sobrang laki ng theater. Kasi mukhang sakop buong second floor.
AMAN: Hoy, tara na nang magkaalaman na kung meron pa dito ng La Llorona. Tanong n'yo na lang may-ari kung gusto n'yo malaman mga sagot sa tanong n'yo, 'sus ko.
Dahil hindi bukas ang escalator, maglalakad pataas ang mga estudyante. Titingin si Eriol sa baba, at makakakita niya na may kasama silang aakyat na staff. Magbibilang naman ng apak sa escalator si Evon sa pamamagitan ng pagbanggit ng ora, plata, mata bawat hakbang.
May magkasintahan din naman silang makakasalubong at maglalakad dinpababa mula sa di umaandar na escalator. Kukunot ang noo ni Diana dahil mukhangpamilyar ang dalawa.
BINABASA MO ANG
Last Full Show
HororKasabihan na ang huwag nang gagala bago mag-graduation kundi may mangyayaring masama. Pero para sa graduating members ng theater club sa San Juan Senior High School, haka-haka lang ito. Magpapasya silang manood sa Teatro Uma, isang di-kasikatang pa...