INT. LIVING ROOM, LUCILLE'S HOUSE – NIGHT
Katatapos lang magbihis ni Lucille at bababa siya mula sa kuwarto niya, dala-dala ang maliit na bag niyang pang-overnight. Makikita niyang nagsasara ng maleta ang nanay niya at nagtu-toothbrush naman ang tatay niya.
MOM: Okay na ba ang toiletries mo?
LUCILLE: Opo, Ma.
MOM: Toothbrush? Towel—
LUCILLE: Ma, oo. Okay na.
MOM: Hindi ka namin mapupuntahan kung may kailangan kang iba, ha.
LUCILLE: Opo, opo.
MOM: Sunday na ng hapon balik namin ng papa mo.
LUCILLE: Ganyan naman kayo, e. Kung kalian ako may overnight, saka n'yo gusto pumuntang Baguio? Iwan daw ba ang baby girl.
MOM: Sus, gusto mo rin naman. 'Yan na graduation gift namin sa 'yo.
LUCILLE: Seryoso?
Sisimangot si Lucille nang pabiro, parang pa-baby, pero lalapit ang nanay niya sa kanya at hahalikan siya sa noo.
MOM: Joke lang. Salutatorian, tapos overnight lang? Siyempre, hindi.
DAD: Pero after graduation na, 'nak, ha?
LUCILLE: Opo. Ingat kayo.
DAD: Mag-text kapag kasama na ang mga kaklase, ha?
LUCILLE: Yes, Pa.
DAD: O, alis na kami.
Hahalikan din ng tatay niya si Lucille sa noo at magpapaalam na. Lalabas si Lucille sa may gate at pagmamasdan silang umalis bago bumalik sa sala. Uupo siya sa may sofa nila at magcha-chat kay Argon: Aalis magulang ko, biglang they decided to go to Baguio since I'll "overnight." Sabihin na lang nila na mag-honeymoon sila and they'll attempt to give me a sibling. Pero mapapagat siya ng labi at buburahin niya ang message.
LUCILLE: Baka kung anong isipin. Wag na nga lang.
Magbubuntonghininga siya at sasandal sa may sofa. Maya-maya, biglang magvi-video call si Argon. Mapapangiti naman si Lucille.
LUCILLE: Uy, oks na ako.
ARGON: Oks na rin ako. Papunta na sa—
Habang nagsasalita si Argon—mukhang naglalakad papalabas ng bahay nila—makukuha ang atensiyon ni Lucille ng isang babaeng naka-uniform ng school nila, kapustura ni Diana. Kukurap ang mga ilaw sa sala, kaya mapapatingin si Lucille sa may kisame bago niya ulit ibabaling ang tingin sa screen ng cell phone niya.
LUCILLE: May kasama ka ba diyan?
ARGON: Si Kuya.
LUCILLE: Kuya mo lang?
ARGON: Oo. Alam mo namang kami lang dalawa ang nandito.
LUCILLE: T-teka, Argon.
Maglalakad ang babae lagpas kay Argon at babalik ulit kung saan siya nanggaling kaya magtataka lalo si Lucille kung tama ba ang nakikita niya. Kukunot ang noo niya dahil sa pagtataka.
![](https://img.wattpad.com/cover/241651531-288-k586157.jpg)
BINABASA MO ANG
Last Full Show
HorrorKasabihan na ang huwag nang gagala bago mag-graduation kundi may mangyayaring masama. Pero para sa graduating members ng theater club sa San Juan Senior High School, haka-haka lang ito. Magpapasya silang manood sa Teatro Uma, isang di-kasikatang pa...