Act 2 Scene 27

287 36 32
                                    

INT. HALLWAYS OF TEATRO UMA – NIGHT

Tatakbo lang nang tatakbo sina Lucille at Argon habang tumutugtog ang "theme song" ng club nila—na ginagamit bilang background music para sa buong teatro.

At habang tumatakbo, makikita ni Lucille ang mga imahe ng kanyang mga kaibigan habang pinupugutan sila ng ulo, na tila may projector na sinasabayan sila sa kanilang pagtakbo. Kasama nito ang paiba-ibang mga anino na makikita rin niya sa pader, kumakaripas ng takbo kasama nila, at ang iba'y mabilis na gumagapang, tila nagmamadaling makaalis tulad nila.


I see a little silhouetto of a man.


May mga lalaki.


Scaramouche, Scaramouche, will you do the Fandango?


May mga babae.


Thunderbolt and lightning, very, very frightening me.


May mga bata.


Galileo! Galileo!


May mga matatanda.


Galileo! Galileo!


Ngunit ang di niya mawari . . .


Galileo Figaro!


Ay ang mga kamay na isa-isa ring kinukuha ang mga anino, tinatanggalan ng ulo, at tila liliyab,


Magnifico!


ARGON: Nasa'n na ang exit?!


But I'm just a poor boy, nobody loves me.


Mapapatigil sila dahil mapapansin nilang paulit-ulit lang ang mga sulok na kanilang tinatakbuhan.


He's just a poor boy from a poor family.


ARGON: Lucille! Paulit-ulit kang magdasal—kahit ano!


Spare him his life from this monstrosity!


Ngunit manginginig lang si Lucille, mapapatigil sa dasal. Walang magagawa si Argon kundi ang hilahin siya at tumakbo pa rin nang tuloy-tuloy.

Lights.

Makikita nilang kukurap ang mga ilaw, ngunit patuloy lang sila sa pagtakbo. Iiyak lang nang iiyak si Lucille habang makikita niya ang anino sa pader na tila siya na ang hinahabol.


Easy come, easy go, will you let me go?


Last Full ShowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon