INT. ARCADE, TEATRO UMA – NIGHT
Magkakasundo sina Aman at Owen na maghiwalay rin ng tatahaking "hallway." Si Aman sa kanan, si Owen sa kaliwa. Magkikita sila saglit sa isang makitid na butas, parang daanan upang makapunta mula sa kanang hallway papunta sa kaliwa. Pagdating sa dulo, may makikita silang arcade. Nakalagay sa pinto ang signage na open.
May lalabas na grupo ng kalalakihan na nagtatawanan. Dadaanan lang sila nina Owen at Aman at papasok sa may arcade.
AMAN: O, Owen, akala ko ba walang arcade dito?
OWEN: Totoo! Ewan ko kung bakit meron ngayon.
AMAN: Baka bagong tayo?
OWEN: Siguro nga. Pero wala na nga silang masyadong customer, may itatayo pa sila?
AMAN: Paki mo ba? Malay mo super yaman ng may-ari kaya ganyan.
OWEN: Pero parang walang nagbabantay? E, may kakalabas lang kanina.
AMAN: Baka akala ng staff wala ng papasok?
OWEN: Baka nga. 'Lika na. Sayang. Next time, balik ulit tayo rito.
Tatalikod sina Aman at Owen. Magugulat sila dahil ang nakaharap sa kanila ay ang signage na open at closed naman ang nakabalandra sa labas.
AMAN: Open kanina, di ba?
OWEN: Baka di natin namalayan na nagsara na?
AMAN: 'Lika na nga.
Bubuksan nina Aman at Owen ang entrance sa arcade at maglalakad namagkasama papunta ulit sa fountain
BINABASA MO ANG
Last Full Show
HorrorKasabihan na ang huwag nang gagala bago mag-graduation kundi may mangyayaring masama. Pero para sa graduating members ng theater club sa San Juan Senior High School, haka-haka lang ito. Magpapasya silang manood sa Teatro Uma, isang di-kasikatang pa...