Act 2 Scene 12

306 33 19
                                    

INT. CLOTHES STORE, TEATRO UMA – NIGHT

Mapupunta si Niana sa gitna kung nasaan ang fountain, pero mawawala na sa paningin niya sina Aman at Renelyn. Didiretso siya sa may pinasukan nila kanina, pero makikita niyang sarado na ito. Magtataka siya dahil, una sa lahat, hindi naman dapat nagsasara ang mga building kung may tao pa.

Maliban na lang kung may ikinukulong sa loob.

Iiyak si Niana. Susubukan niyang hanapin ang cell phone sa bag, pero hindi niya ito makakapa. Titigil siya saglit, pero nang makarinig siya ng mga yapak, tatakbo siya papunta sa hallway kung sa'n sila unang pumunta nina Sapphire at Diana at makikita ang bilihan ng damit.

Nakalagay: Open.

Papalapit nang papalapit ang mga yapak kaya magdedesisyon na lang siyang pumasok. Magtatago siya sa gitna ng mga damit habang sinusubukang hanapin ang cell phone niya sa loob ng bag.


NIANA: Fuck, nalaglag ko ba 'yon kanina? Please naman . . . please naman . . .


Maririnig niya ang pangalan niya. Isang bulong. Boses ni Diana.

Mapapatigil siya sa paghalukay sa bag at mapapatingin sa kaliwa. Sa kanan. Sa taas. Tapos makakarinig siya ng galaw. Parang kahoy.

Sisilip siya sa espasyo ng mga damit. Ang makikita lang niya ay ang apat na mannequin na nakatayo at ang saradong pinto.

Hahanapin niya ulit ang cell phone niya.

May gagalaw.

Nanginginig at pinagpapawisan, iaangat ulit ni Niana ang kanyang pagtingin. Sisilip siya sa pinto at ang una niyang makikita ay ang karatula mula sa loob ng clothes store: Open.

Ang sunod ay ang nawawalang apat na mannequin.

Tatayo siya sa kinauupuan niya at sisigaw nang malakas, parang mababaliw.

Lights.

Kukurap-kurap ang mga ilaw. At sa bawat kurap, kasama ang pagsigaw ni Niana at ang dalawang mannequin unti-unting lumalapit sa bawat pagbukas ng ilaw.

Camera.

Iilaw sa kanya ng spotlight. Hahanapin niya kung saan nanggagaling ang ilaw, ngunit hindi ito makikita. Ibabato niya ang mga damit na naka-hanger sa dalawang mannequin na hindi naman gumagalaw.

Doon niya mapagtatanto na suot ng mga mannequin ang pambabaeng uniporme ng San Juan Senior High School.

Mapapaatras siya hanggang sa mabubunggo. Lilingon siya at makikita ang dalawa pang mannequin na nakasuot naman ng kanilang panlalaking uniporme.

Iiyak at sisigaw si Niana.

Action.

Hahawakan ng apat na mannequin si Niana habang nagsisisigaw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hahawakan ng apat na mannequin si Niana habang nagsisisigaw. Ang isa, ipipilit ang ulo niyang tumingin sa taas kung saan may lalabas na dalawang sunog na kamay mula sa kisame.

Dadakutin nito ang mukha ni Niana.


NIANA: Tulong—


At kukunin ang ulo nito pahiwalay sa kanyang katawan. Liliyab sa loob ng kuwarto, magdidilim, at magbubukas ang ilaw na parang walang nangyari.

Sa hallway, aalingawngaw ang sigaw ni Eriol.


ERIOL: Guys, dito! Puta, bukas 'yong pinto!

EVON: Puta, tumahimik ka! Baka marinig tayo!

ERIOL: Sa'n tayo pupunta?

EVON: Ano na, Sapphire? Wala pa rin bang signal?

SAPPHIRE: W-wala talaga. Guys—

EVON: Tigilan mo na kakaiyak. Maghanap na lang tayo ng exit.


Papasok ang tatlo sa loob ng clothes store, hindi pansin-pansin anglimang mannequin na walang damit na nakabalandra sa may entrance—ang isa'ywalang ulo.

Last Full ShowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon