Act 1 Scene 13

371 39 29
                                    

INT. TICKET BOOTH, TEATRO UMA – NIGHT

Pag-alis sa escalator, manginginig si Evon.


EVON: Kahit na escalator 'to, creepy talaga kapag sa mata nagtatapos.

ERIOL: Ha?

EVON: Wala, wala. Escalator naman.


Bubulong naman si Diana kay Niana.


DIANA: Sobrang kaunti ng customer pero buhay pa rin, ano?

NIANA: True. Napansin ko nga lang na sobrang kaunti rin ng staff nila.

DIANA: Umuwi na malamang 'yong iba. Cinema crew na lang siguro.


Pupunta silang sampu sa may bilihan ng ticket. May sasalubong sa kanilang staff na may nakalagay na Hi, I'm Elizabeth. Sisimangot silang sampu nang makikita nilang Hindi The Haunting of La Llorona ang palabas kundi Teatro del Infierno.


AMAN: Bad trip. Iba pala.

OWEN: Pero mukhang horror din. Infierno ay "impyerno," di ba?

EVON: Kahit ano basta horror.

MAAN: Kapag ito, hindi nakakatakot, gulpi ka sa 'kin, Owen.

RENELYN: Ehem, ehem.


Sisikuin ni Maan si Renelyn kaya tatahimik sila.


SAPPHIRE: Ate, tumatanggap po ba kayo ng ganito?


Ipapakita ni Sapphire ang ticket na binigay sa kanila ni Sir Angelo. Kukunin ng staff ang ticket, ngingiti, at ibabalik kay Sapphire.


BOOTH STAFF: Opo.

ECHO: O, ayun naman pala. Sayang oras. Dito na lang tayo.

BOOTH STAFF: Dito po sa Uma, kasama po sa ganitong ticket ang popcorn at inumin.

NIANA: Weh?!


Matutuwa ang sampung estudyante.


BOOTH STAFF: Opo. Sa 'min lang po.

EVON: Ayun naman pala. Win-win!

OWEN: E kaso mag-nine fifteen na.

BOOTH STAFF: Puwede po naming ipa-adjust 'yong oras. Gawin po naming nine thirty.

RENELYN: Wow, sana all nag-a-adjust.

OWEN: Sobrang ganda ng service dito. Ba't di sikat 'to?

BOOTH STAFF: E, kasi nga po, naunahan na po agad ng tsismis. Naiintindihan ko naman po ang iba. Ano nga ba naman ang mawawala kung maniwala?

ERIOL: Paglabas natin, ikalat na lang natin na di totoo.

BOOTH STAFF: I-present n'yo na lang po 'yan sa may popcorn.


Pupunta ang sampu sa may bilihan ng popcorn. Ipepresenta nila ang mga ticket nila. Doon makikita nina Maan at Renelyn ulit ang Uma staff na nakita nila no'ng pumunta sila sa may restaurant kanina.


MAAN: O, Kuya! Ikaw rin sa popcorn?


Ngingiti ang staff. Magtataka ang iba nilang kaklase.


RENELYN: Nakita kasi namin si Kuya do'n sa may restaurant kanina.


Ihahanda ng staff ang mga popcorn at inumin ng estudyante. Kukunin isa-isa ng mga estudyante ang kani-kanilang popcorn. Pagdating kay Diana, ngingiti ang staff habang inaabot ang pagkain niya.


FOOD STAFF: Enjoy the movie!


Maglalabas ng isang maliit na ngiti si Diana at pupunta kay Niana. Sabay-sabay naman silang pupunta doon sa staff na tagapunit ng ticket. Aapiran pa nina Echo at Evon ang ticket staff—na siya ring nakita nila kanina—bago sila pumasok sa teatro.

Ngingiti at magtitinginan ang mga staff pagkapasok ng sampungestudyante.

Last Full ShowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon