EXT. IN FRONT OF TEATRO UMA – NIGHT
Mapapatigil si Lucille.
LUCILLE: Narinig mo 'yon?
Lilingon si Argon sa kanya. Titingin siya sa langit, susubukang pakinggan ang paligid.
ARGON: Alin?
LUCILLE: May narinig akong sigaw.
Matatawa si Argon.
ARGON: Baka galing sa sinehan. Sobrang takot nila, umabot dito ang sigaw.
LUCILLE: Siguro ng—
Magugulat sila ng makakarinig silang parang may tumatakbo sa likod. Mapapatakbo sila papalapit lalo sa teatro nang makita nilang sumusugod si Ria—naka itim na T-shirt, maong pants—papunta sa kanila.
Mahahabol ni Ria si Lucille at tatalon ito sa kanyang ibabaw. Namumula ang mata, sisigaw si Ria, at tutulo ang laway nito sa mukha ni Lucille.
RIA: Umalis kayo! Umalis na kayooooooooooooooo!
Sisigaw lang si Lucille at pipiliting itulak si Ria. Hahatakin naman ni Argon si Ria paalis kay Lucille, ngunit matutulak lang din siya.
Mahuhulog si Argon sa sahig. Kakaladkarin naman ni Ria ang mga paa ni Lucille palayo sa teatro kaya malakas siyang aaray. Babagon si Argon at pipigilan si Ria, pero sisigaw si Ria sa mukha niya.
RIA: Sinabing! Lumayo! Kayo! Rooooooooooooon!
ARGON: Ano bang pinagsasabi po ninyo?! Bitawan n'yo kaibigan—
RIA: Aaaaaaaaaaaaa!
Sisigaw lang nang sisigaw si Ria. Mabibigla si Argon dahil tuloy-tuloy lang ang pagsigaw niya sa mukha niya. Magugulat silang tatlo nang biglang lilitaw ang security guard at hahawakan si Ria sa kuwelyo.
RIA: Bitaw! Bitaaaaaaaaaaaaaw!
Tutulungan ni Argon tumayo si Lucille na papagpagin naman ang kanyang pantalon. Sisipa-sipain ni Ria ang security guard, pero susubukan siyang pigilan nina Lucille at Argon.
SECURITY GUARD: Okey lang, iho, iha. Sanay na ako sa ganito.
Magtitinginan si Lucille at Argon. Titingnan naman ng security guard si Ria.
SECURITY GUARD: Dapat, hinayaan mo na lang sila. Ba't ba may mga tulad mo?
Lalaki ang mata ni Ria, kakalmutin ang sarili, at susubukan muling itulak ang guard sa abot ng kanyang makakaya. Iiyak. Magwawala. Kakalat ang kanyang uhog sa kanyang baba. Pupunta sa likod ni Argon si Lucille dahil sa sobrang takot.
SECURITY GUARD: Pumasok na kayo. Bukas pa ang arcade.
Mapapakunot ng kilay si Argon.
ARGON: Pa'no n'yo po nalaman na—
SECURITY GUARD: Kayo 'yong kaibigan ng mga pumasok diyan, ano? Binilinan nila ako. Buti nga inabutan ko kayo, kundi baka kung anong ginawa sa inyo nito.
Sisigaw lang nang sisigaw si Ria. Poposasan siya ng security guard, at bibitbitin paloob ng teatro. Susunod sina Argon at Lucille.
ARGON: Kuya, sa'n n'yo siya dadalhin?
SECURITY GUARD: Tatawag ako ng pulis. Laging nandito ito, nantataboy ng customers.
ARGON: Ay, talaga po? Pero ngayon lang n'yo po nahuli?
SECURITY GUARD: Nagpahuli, e.
Tititigan nang masama ni Ria ang security guard, at sisigaw lang nang sisigaw.
RIA: Takbo na! Takbo naaaaaaaaaaaaa! 'Wag kayong papasoooooooooooook! Aaaaaaaaaaaaa!
Nasa tapat na sila ng entrance ng Teatro Uma nang hihilahin ni Lucille ang manggas ni Argon, nakakunot ang noo, halatang takot.
LUCILLE: Argon . . . hintayin na lang kaya natin sila sa labas?
ARGON: Ikaw baha—
Mapapatigil sila nang biglang tutugtog nang malakas ang piano ng "Bohemian Rhapsody." Walang liriko. Ritmo lang. Sasapaw ito sa mga sigaw ni Ria.
LUCILLE: Uy. Wow.
Hawak-hawak ang balikat at mga kamay ni Ria, ngingiti ang security guard kina Lucille at Argon.
SECURITY GUARD: Pasok po kayo. Ako na pong bahala rito.
Titingin si Argon kay Lucille at iaalok ang kamay.
ARGON: Ano, tara?
Titingnan muna ni Lucille ang kamay ni Argon, saka ito kukunin atngingiti. Papasok silang dalawa nang magkahawak ang kamay, tuluyang nangnakalimutan ang mga banta ni Ria.
BINABASA MO ANG
Last Full Show
HorrorKasabihan na ang huwag nang gagala bago mag-graduation kundi may mangyayaring masama. Pero para sa graduating members ng theater club sa San Juan Senior High School, haka-haka lang ito. Magpapasya silang manood sa Teatro Uma, isang di-kasikatang pa...