Act 2 Scene 24

244 30 18
                                        

INT. MAIN THEATER, TEATRO UMA – NIGHT

Pagpasok nina Argon at Lucille sa pinto, makikita nila ang malaking screen, ang mahahabang pulang kurtina sa gilid, at ang malawak na teatro. Hihigpit ang hawak ni Lucille kay Argon at lalong maiiyak.

May pinapalabas na eksena.

Makikita nila si Ria na tumatakbo sa hallway, sigaw nang sigaw ng mga salitang una ay hindi nila maintindihan.

Kapit-kapit si Lucille, susubukan buksan ni Argon ang pinto ngunit hindi ito magbubukas. Titingnan nila ulit ang screen na ngayo'y nakapokus sa mukha ni Ria, tila kinakausap sila.


RIA: M-mawawala kayo. Pero, pero! Sa exit. Sa exit! Kung nakikita n'yo 'to!


Makikita nila kung gaano siya nanginginig, umiiyak. Tumulo ang kanyang uhog at laway, gulo-gulo ang buhok, ngunit tila walang pakialam si Ria. Takbo lang siya nang takbo hanggang sa makikitang pababa ng escalator.


RIA: Sa exit! Pero makakalabas! D-d-di siya p-p-puwedeng p-pumatay! Taga-bantay lang!


Lights.

Makikita nilang kukurap ang mga ilaw sa paligid ni Ria. Mapapatigil siya at mapapahawak sa may escalator. Nakanganga, parang gulat na gulat, titingin siya sa itaas.


RIA: 'Wag ako . . . 'wag ako! T-t-tapos na ako rito!


Camera.

Makikita nina Argon at Lucille ang isang spotlight na tuturo kay Ria at kung paano niya sasampalin ang kanyang sarili habang sumisigaw.


RIA: B-bakit ako?!


Mapapanood nila kung paano sisigaw nang sisigaw si Ria at kakalmutin ang sarili. Magsusugat ang kanyang mukha.

Mapapapikit si Lucille at mapapatakip ng bibig. Hihilahin siya ni Argon at tatakbo patungo sa kabilang pinto. Susubukan nila itong buksan. Agresibo. Nagwawala. Sinisipa-sipa at tinutulak-tulak na nila ang pinto.

Action.

Habang sinusubukan pa rin ni Argon na buksan at kalampagin ang pinto, mapapalingon si Lucille. Sa screen, tila nakatapat ang "camera" sa may likod ni Ria kaya makikitang pababa ang escalator.

Ngunit ang baba ng escalator ay binabalot ng dilim.


LUCILLE: Argon! Argon! S-si Ria!


Papaluin ni Lucille ang balikat ni Argon nang paulit-ulit hanggang sa lumingon siya.

Makikita nilang dalawa kung paanong may mga maiitim na sunog na kamay ang lalabas mula sa dilim.

Kung paanong susubukang tumakbo ni Ria paitaas kahit pababa ang escalator.

Kung paanong aabot siya sa itaas ngunit mahihila siya pababa ng mga sunog na kamay.

Makikita sa screen ang mukha ni Ria, hinuhugasan ng sarili niya niyang mga luha, laway, at uhog

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Makikita sa screen ang mukha ni Ria, hinuhugasan ng sarili niya niyang mga luha, laway, at uhog. Maiipit ang ilang hibla ng kanyang mga buhok sa may escalator, at may isa pang pares ng sunog ng kamay ang hahaplos ng kanyang pisngi.

Isang matinis at nakabibinging tunog ang aalingawngaw sa sinehan.

At kung paanong pagkatapos n'on, isang malaki at tila paos na boses ang magsasalita:

Kung di mo sila binalak iligtas . . .

At sa isang iglap, makikita nina Argon at Lucille kung paano pinaghiwalay ng mga sunog na kamay ang ulo ni Ria mula sa kanyang katawan.

Liliyab.

Tutunog ang unang mga piyesa sa piyano ng "Bohemian Rhapsody" sa buong teatro.


Is this the real life?

Is this just fantasy?


Sisigaw si Lucille. Masusuka.


Caught in a landslide.

No escape from reality.


Sisipain ang pinto.


Open your eyes.

Look up to the skies and see.


At magmumura nang magmumura.


I'm just a poor boy.

I need no sympathy.


Pupunasan ni Lucille ang kanyang bibig at tutulong sa pagbukas ng pinto.


Because I'm easy come, easy go.

Little high, little low.


Magbubukas.


Any way the wind blows . . .


Unang palalabasin ni Argon si Lucille. Lilingon siya sa screen.


Doesn't really matter to me . . .


At makikita niya si Eriol, nagtatago.


To me.


Nanginginig.

Last Full ShowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon