Act 2 Scene 6

377 40 38
                                    

INT. MAIN THEATER, TEATRO UMA – NIGHT

Nakasandal ang siko ni Niana sa arm rest habang nanonood ng trailer. Titingin siya sa likod para tingnan si Echo. Pabulong siyang magsasalita.


NIANA: Echo! Echo!

ECHO: O?

NIANA: Ba't gano'n? Puro horror trailer? Tapos mga dating movies pa.

ECHO: Aba, ewan. Tanong natin sa manager?


Sasandal ulit si Niana sa upuan niya, parang maiinis dahil sa pilyong sagot ni Echo. Saktong lalabas sa screen: Uma Productions. Magfe-fade to black tapos lalabas ang mga salitang Welcome.

Magfe-fade to black ulit at lalabas ang mga pangalang ito, kasunod ng salitang Introducing:


Luis Garavito

Jeffrey Dahmer

Anton LaVey

Elizabeth Bathory

Betty Benitez

with special participation of the guardian of hell.


Matatawa si Niana.


NIANA: Pakulo talaga sa guardian of hell, ano?

ECHO: Di ko kilala 'tong mga 'to.


Lilingon si Niana kay Echo at makikitang kumakain kaya babalik ulit ang paningin niya sa screen.


NIANA: Baka indie horror.


Magfe-fade to black ulit at lalabas ang mga salitang Enjoy the movie.

Mapapataas ng kilay si Niana.

Isang eksena sa banyo kaagad ang ilalabas. May isang pares ng sapatos na nasa loob ng isang cubicle.


CHARACTER: Bakit kaya wala sina Owen at Maan sa—


May isang hubad na katawan ang maglalakad—sunog na sunog ang balat. Matatawa si Niana dahil maririnig niya ang pangalan nina Owen at Maan. Maririnig sa buong teatro ang tunog ng heels kahit nakapaa naman ang aglalakad.


CHARACTER: Maan?


Iinom si Niana sa inumin niya at ibababa ulit sa lalagyan.


CHARACTER: Niana?


Tatayo ang balahibo ni Niana kaya mapapaupo siya nang tuwid. Hihinga siya nang malalim bago lilingon at susubukang hanapin si Diana sa malawak na teatro.


ECHO: Niana, huy, ba't gano'n?


Mapapalingon si Niana kay Echo.


NIANA: Hindi ko alam.


Mapapalingon ang dalawa ulit sa screen nang magsasalita ang karakter. Isang pares ng paa lang ang makikita nila.

Last Full ShowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon