INT. GIFT STORE, TEATRO UMA – NIGHT
Maglalakad sina Eriol, Echo, at Evon papunta sa isa sa mga hallway. Nakatingin si Evon sa mga litrato habang iniikot ni Echo ang ball pen niya sa gitna ng mga daliri niya bago niya 'to ilagay sa tenga niya ulit.
ECHO: Ano, 'tol? Di ka pa aamin kay Sapphire? Muntikan ka na mabuking kanina.
ERIOL: Parehas naman kami ng college na pupuntahan. Do'n ko na lang siya liligawan.
ECHO: Pa'no pag huli na?
ERIOL: Pa'no magiging huli?
ECHO: Dude, pare, 'tol, hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo, 'lam mo 'yon? E, pa'no kung nagsawa na sa pagmumukha mo si Sapphire?
EVON: Parang nakita ko na 'yong ibang nasa litrato . . .
ECHO: Ha?
Titigil ang dalawa sa pag-uusap at mapapatingin kay Evon bago mapatingin sa mga litrato.
EVON: Parang totoong mga tao, ano?
ECHO: Hoy, gago. Wag ka ngang creepy.
EVON: Gago, ang ibig kong sabihin—talagang nag-e-exist 'yong mga tao sa frame. Hindi ko ibig sabihin na totoong tao 'yong andiyan. 'Yong iba nga parang nakita ko sa San Juan, e.
ERIOL: Baka mahilig lang mag-paint 'yong may-ari tapos kung sino-sino sa San Juan.
ECHO: Uy, o. May gift store din pala rito.
Mapapalingon ang tatlo sa gift store. Makikita nila ang closed signage. Lalapit si Echo para sumilip, at makakita ng iba't ibang mga gamit. Pero makukuha ang atensiyon niya ng mga ulong nakapila sa isang shelf. No'ng una'y akala niya e mannequin, pero mga wax figures pala.
ECHO: Gago, astig. Tingnan n'yo 'yon. Nagbebenta sila ng gano'n? Creepy puta.
Sisilip din mula sa glass doors ang dalawa at makikita ang sinasabi ni Echo.
ERIOL: Ano 'yon?
ECHO: Parang mga wax sculptures.
EVON: Sa'n? Di ko makita—
TICKET STAFF: Excuse me po—
Magugulat ang tatlo dahil sa boses ng isang kalbong lalaki at may nakasulat na Hi, I'm Anton.
TICKET STAFF: Sorry po, sir, pero sarado na po kasi ang Uma.
ECHO: Ay, manonood po sana kami ng sine.
TICKET STAFF: Ay! Gano'n po? Sige po. Akala po namin wala ng customer. Pero opo, may isa pang showing ng 9:15. Sabihin ko na lang po na may viewers pa. Ako naman po nagpupunit ng ticket.
ERIOL: So sinasara n'yo po kapag wala ng customer?
TICKET STAFF:Opo, sir. Kasi siyempre sayang sa kuryente.
ECHO: Oo nga naman. Sige, thank you, Kuya.
Maglalakad silang tatlo lagpas sa staff. Lilingon si Evon at makikitang papasok sa gift store ang lalaki.
![](https://img.wattpad.com/cover/241651531-288-k586157.jpg)
BINABASA MO ANG
Last Full Show
HorrorKasabihan na ang huwag nang gagala bago mag-graduation kundi may mangyayaring masama. Pero para sa graduating members ng theater club sa San Juan Senior High School, haka-haka lang ito. Magpapasya silang manood sa Teatro Uma, isang di-kasikatang pa...