INT. CR, TEATRO UMA – NIGHT
Papasok sa CR si Diana nang dahan-dahan. Titingnan niya muna ang buong CR na may anim na cubicle, saka siya tuluyang papasok sa loob.
Hihinga siya nang malalim at bubuksan ang unang cubicle. Huhubarin niya ang underwear para umupo sa may toilet saka ulit hihinga.
DIANA: Bakit kaya wala sina Owen at Maan sa—
Magugulat siya nang biglang makakarinig siya ng pagbukas ng pinto.
DIANA: Maan?
Maghihintay siya ng sagot, ngunit wala.
Sumunod niyang maririnig ang tunog ng heels na maglalakad.
DIANA: Niana?
May makikita siyang anino na lalagpas sa cubicle kung nasa'n siya. Itataas niya ang kanyang underwear.
DIANA: Uy, Saph? Renelyn—
Maririnig niyang bubukas ang pinto ng isa sa mga cubicle, saka magsasara. Magmamadali siyang mag-flush at bubuksan ang pinto.
DIANA: Uy, kasi naman . . .
Maglalakad si Diana sa tapat ng salamin at mag-aayos ng buhok.
DIANA: Hindi magandang biro na nanakot. Niana, alam kong ikaw—'yan!
Yuyuko si Diana para sumilip sa maliit na butas ng cubicle at makikita ang isang pares ng itim na sapatos. Ikukunot niya ang kaniyang noo at babalik sa pag-aayos ng buhok.
DIANA: Hindi pala ikaw, Niana. Maan? Ikaw ba 'yan? Ba't wala ka pala sa upuan n'yo kanina?
Pero walang sasagot.
DIANA: Wala rin si Owen kanina, a. May ginawa kayo, 'no? Hintayin na kitang lumabas.
Mag-aayos lang ng buhok si Diana, saka sasandal sa may sink. Titingnan niya ang kanyang relo at mapapa-tsk.
DIANA: Uy, Maan! Ang tagal mo—
Yuyuko siya ulit at sisilip. Lalaki ang mata niya nang wala siyang makikitang sapatos.
DIANA: Maan?! Maan?! Hoy! Nasa ibabaw ka ba ng toilet?! Hindi magandang—
Lights.
Tatayo ulit si Diana at mapapatingin si sa kisame dahil kukurap ang mga ilaw. Hahawakan niya ang dibdib niya dahil sa kaba.
Camera.
May tatapat sa kanyang isang umiilaw na bilog, parang tinututukan siya ng spotlight—kahit wala namang ibang ilaw na bukas. Tatakbo at sisigaw si Diana ng tulong. Pipilitin niyang buksan ang pinto, sigaw-sigaw ang pangalan ni Niana.
Magdidilim.
Action.
Isang sigaw ang yayanig sa buong banyo.
BINABASA MO ANG
Last Full Show
HorrorKasabihan na ang huwag nang gagala bago mag-graduation kundi may mangyayaring masama. Pero para sa graduating members ng theater club sa San Juan Senior High School, haka-haka lang ito. Magpapasya silang manood sa Teatro Uma, isang di-kasikatang pa...