INT. PENTAGON FOUNTAIN, TEATRO UMA – NIGHT
Maglalakad sina Lucille at Argon sa hallway at makikita ang mga litrato ng mga tao sa pader. Mapapakunot ng noo si Argon.
ARGON: Di ko alam pero mukhang pamilyar ang iba sa kanila. Parang nakita ko na noon.
LUCILLE: Di kasi ako palabas ng bahay.
Lilingon si Lucille at makikita ang security guard na hawak pa rin si Ria. Makikita niyang may staff na lalabas mula sa hallway na hindi nila piniling daanan, kukunin si Ria, at maglalakad.
LUCILLE: Tingin mo okay lang 'yon? Tayo na kaya ang tumawag ng pulis?
ARGON: Hayaan mo nang gawin ni kuya trabaho niya.
Pagkarating nila sa fountain, may makikita silang walis na nasa tubig. Matatawa si Argon.
ARGON: Napakarandom naman nito. Bakit may walis dito?
LUCILLE: May dustpan nga rito, e.
Pupulutin ni Lucille ang dustpan at isasandal sa may fountain.
ARGON: Baka may nantrip sa janitor.
LUCILLE: Ang sama naman kung gano'n.
Titingnan ni Lucille ang paligid. Makikita niyang may ilaw na nanggagaling sa isa sa mga hallway.
LUCILLE: Baka doon?
Titingnan ni Argon ang daan na sinasabi ni Lucille.
ARGON: Tara?
Tatango si Lucille at maglalakad lagpas ng fountain kasama si Argon. Makararamdam siya ng pagtaas ng balahibo.
LUCILLE: Ang lamig dito.
Tatanggalin ni Lucille ang jacket na nakatali sa kanyang bewang atisusuot. Doon niya mamamalayan na tila may mga abo sa kanyang mga balikat, perobabalewalain niya ito at patuloy na maglalakad.

BINABASA MO ANG
Last Full Show
TerrorKasabihan na ang huwag nang gagala bago mag-graduation kundi may mangyayaring masama. Pero para sa graduating members ng theater club sa San Juan Senior High School, haka-haka lang ito. Magpapasya silang manood sa Teatro Uma, isang di-kasikatang pa...