EXT. UMA ROAD – NIGHT
Nakatulala lang sa pintuan ng Teatro Uma si Lucille, nanginginig at umiiyak. Hindi na niya maririnig ang pagsigaw ni Argon.
Pipilitin niyang tumakbo palayo gamit ang mga nanginginig niyang kamay, sisigaw ng tulong sa ere.
Kahit gaano kalayo.
Basta makalayo sa Teatro Uma.
Lakad lang nang lakad.
Sigaw lang nang sigaw.
Ngunit sa isang paliko, hindi malayo sa Uma Road, habang lumpo-lumpong tumatakbo, sasalubungin siya ng dalawang puting ilaw.
Sasalpok si Lucille sa semento. Mararamdaman niya ang matinding pagkahilo.
Makakarinig siya ng mahabang pagpreno.
Ang huli niyang malinaw na maririnig ay ang boses ng isang natatarantang babae, ang salitang "sorry," ang tunog ng pindutan sa cell phone, at ang paulit-ulit na "iha, 'wag kang matutulog."
BINABASA MO ANG
Last Full Show
HorrorKasabihan na ang huwag nang gagala bago mag-graduation kundi may mangyayaring masama. Pero para sa graduating members ng theater club sa San Juan Senior High School, haka-haka lang ito. Magpapasya silang manood sa Teatro Uma, isang di-kasikatang pa...